Chapter 38

760 62 11
                                    


TBIILWYM 38| A daughter's pain


"Isipin mo nalang, kung kayo pa rin ni Xerxes paano na yung bata? Paano na ang papa mo? Hindi ba parang sign na ng tadhana na hindi muna ngayon? Right person but with a wrong time and place.. At saka, 'yon na ngang point na kawawa yung bata sa sinapupunan ni Charentina. Kahit naman ubod ng sama ang babaeng 'yan, mahirap pa rin magpalaki ng bata mag-isa. Aksidente oo, hindi ginusto ni Xerxes pero may magagawa pa ba siya? Mababalik niya pa ba ang nangyari? Hindi na di ba?"  Tumango ako sa sinabi niya, at nakinig. " Kung iisipin mo, kung para kayo ni Xerxes sa isa't isa kahit anong mangyari magtatagpo at magtatagpo kayong dalawa. Pero sa ngayon, huwag muna siguro. Kailangan niyong grow apart. Si Xerxes na haharapin ang responsibilidad sa mag-ina niya at ikaw para sa future mo. Masakit man, Galatea, pero kailangan mong magdesisyon, hindi sa lahat ng oras ay pwede mong takasan 'yan. "

Napangiti ako ng mapait tama si Miss Haillee, tama nga ba siya? Mahal ko si Xerxes eh, dapat pa bang kumapit at lumaban o hindi na? "Xerxes.." Sambit ko ng makita itong papalapit na sa akin. Ngayong araw ko sinabing mag-uusap kami.

Unang kita ko palang sakanya alam ko ng wala ito sa magandang kondisyon. Mukha ngang hindi na ito natutulog, bakit? Hindi ba siya inaalagaan ni Tita? Nandoon naman si Charentina sa tabi niya ah. Balita ko nga nasa iisang bubong na sila tumitira, inshort nakatira na si Charentina sa mga Guevara, habang ako at si Xerxes ay wala pang formal break up.

Alam mo yung feeling na, ako yung legal, may karapatan pero ako dapat ang magparaya dahil sa pesteng responsibilidad ng kanilang kagagawan? Ang dali magmahal, ang daling kiligin, ang daling umasa, pero hindi madaling masaktan. Lalo na't magde-debate ang isip at puso mo kung ano ba ang tama.

Tama na ba  o itatama na? Saan sa dalawa?

"Let's talk," i muttered when I saw him. He couldn't smile, siguro'y may ideya na kung bakit kami mag-uusap. Bakas ang kaba sakanyang mga mata. "I love you," I told him sincerely, with all my heart.

He smiled, "I love you too. And I couldn't afford to loose you," umiling ako. He can't but he did something to lose me.

Ng makaupo na ito at magkaharap kami, I looked at him straight to his eyes. There were flashbacks, the feelings, the longings. I couldn't afford this man also. We've been through together but I think this is enough.

Disney movies taught me to be brave and fight for the love of your life. Love songs taught me to chase your dreams before boys. But life taught me to be strong, that sometimes you have to let go even though it hurts.

"I-I love you," he began to tear up. "Huwag mo naman akong iwan," pumiyok ito. "Hayaan mo akong magpaliwanag.." Nag-iwas ako ng tingin, I knew the story. I knew it, pero may mababago ba kung sakanya mismo manggagaling ang buong kwento? "That night.. I was ready to go home.. To be with you, then Charentina's friends bugged me. Na isang shot nalang daw." Pumikit ito na para bang napakalaking kasalanan ang ginawa. " I shouldn't have listen to them.. Sana.. Sana maayos tayo ngayon.. I drank the alcohol they gave me, pagkatapos noon nagising ako.. Hindi ko alam anong nangyari.." Patuloy sa pag-agos ang mga luha namin.

Bakit kailangang maging ganito? Talaga bang dapat kong maranasan 'to?

Inabot n'ya ang aking kamay at hinawakan ng mahigpit. " I woke up with Charentina beside me.. naked." My world stopped when I heard that word, it was like a one word that manages to wreck all of my love. "They set me up, I thought the child wasn't mine.. But they prove that.. " Lumunok ako.. "They have proof.. Lolo wants me..." Hindi na niya matuloy ang sasabihin dahil sa kanyang iyak.

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now