Chapter 30

870 75 9
                                    

TBIILWYM 30| Game over

Panay ang singhot ko namumula na ang ilong at animo'y nakibardagulan sa kung saan. Pauwi na ako sa amin naghiwalay na kami ng daan ni Zachariah gusto sana ako nitong ihatid pero tumanggi ako.

May konsensya naman ako. Napaka sama ko naman kung papahatid ako pagkatapos kong harap-harapang aminin sakanya ang nararamdaman ko. Pinangako nitong wala s'yang pagsasabihan at lagi lang s'yang nakatingin sa akin kahit na sa malayo nalang..

Hindi ko mapigilang malungkot ang dating kasi ay parang nagpapaalam na ito sa akin na para bang hindi na kami magkikita. Galit ba s'ya? Nasaktan?  Tanga mo naman Teya! Malamang nasaktan yung tao.

"Ang aga mo naman?" Bungad ni papa ganda nagkakape sa may harapan ng bahay namin. Nangunot noo ito ng mapansin ang mukha ko agad akong nag-iwas ng tingin baka mang-away na naman s'ya ng wala sa oras. "Humarap ka nga rito Galatea. Napano ka? Bakit ka umiiyak? Sinong putragis na animal ang nang-away sa anak ko?" Parang armalite na sunod-sunod nitong tanong.

Wala ako sa mood para magpabebe kaya't bumuntong hininga ako at niyakap s'ya. Tuluyan na ngang naiyak. Hinagid nito ang likod ko,"ano nga? Bakit ka naiyak?" Umiling ako, ipinahid ang luha. "Jusmiyo, sabihin mo na Galatea. Kita mo't naghahalo na ang sipon, luha at laway o baka may muta pang kasama yang luha mo!" Biro nito.

"Papa naman eh!"

"Joke lang... Napano ka ba?" Anito, bumuntong hininga. Pinakatitigan akong mabuti, "hmmm?" Mukhang alam na nito ang sagot pero mas gusto ata n'yang marinig mismo sa akin.

Sinenyasan n'ya akong maupo sa mahabang silya, "ikwento mo na.." Utos nito. Wala akong mapagpilian. Ibinuka ang bibig at sinimulan nang magkwento.

Wala akong tinira lahat ng nangyari ay sinabi ko. Magmula sa narinig ko sa pag-uusap nila ni Patrick hanggang sa pagpapaalam ni Zachariah. Masyado ko ata itong nasaktan sa kaalamang alam ko na kung sino ang gusto ko pero pinagpatuloy ko lang ang larong ligawan naming ito.

Oo, masama ang loob ko noong sabihin n'yang titigil na s'ya. Pero mas sumama ang loob ko sa kaalamang may nasaktan akong tao, harap-harapan ko ring inamin na si Xerxes ang gusto ko, na magmula pa noon ay gusto ko na ito. Wala itong ginawa kundi ngumiti na para bang masaya, masaya para sa akin.

"Hindi mo naman masisisi yung tao anak. Syempre bata palang kayo hindi ba? Masaya ako kasi alam ni Zachariah kung paano lumugar, " pinakatitigan n'ya ako. "Kaya ikaw aminin mo na kay Xerxes 'yang tinatago mong something ng hindi masayang ang effort ni Zachariah. Hindi naman kita pinagbabawalan makipag boyfriend na ano..." Napakunot noo ito, na realized ang sinabi.." Boyfriend nga ba? Paano kayo n'yan ni Xerxes? Sino ang girlfriend at boyfriend sa inyong dalawa?" Nagtataka nitong tanong.

Pati ako'y napa-isip, "girlfriend parehas?" Sagot ko.

"Eh? Ang pangit naman," anito. "O'sya kahit na ano pa 'yan ang mahalaga sakin ay masaya ka. Maranasan mo ang mga bagay na dapat mong maranasan syempre nandito lang ako gumagabay at saka nasa tamang edad  ka na naman pwede nang lumandi!" Natawa ako sa sinabi nito, grabe s'ya!

Pagkatapos ng heart to heart talk namin ni papa naligo at nag-ayos na ako. Nakahiga ako sa kama iniisip kung aamin na ba ako kay Xerxes ngayon. Via chat or personal? Nalilito ako.

Akala ko puro saya lang, nakaka istress din pala.

Paano ba ako aamin? Dapat ba medyo sweet?  Peke akong naubo, nagpapractice ng tono ng boses, "Xerxes.. Ikaw ang pinipili ko.." Marahas akong napailing, "ampota parang nasa drama!" Reklamo ko, "Xerxes, ekew ne be se mester reght?" Sabi ko gamit ang pabebeng boses with e language, "putanginang dila 'to, ang laswa!" Ani ko. Naiistress ako paano ba kasi?

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now