Chapter 2

1.7K 113 11
                                    

TBIILWYM 2| Classmates


Nang sabihin ni Lord na “Lahat tayo'y magmahalan.” Gusto kong magwala hindi pa rin ako maka-get over sa baklang walang ginawa kung hindi pagtripan ako. Ilang araw na ang nakaraan ng inulan ako ng sermon ni papa ganda dahil sakaniya hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo ko.

Malapad ang ngiti ni papa habang inaayusam ako. "Ayan! Ganda, ganda ng baby girl ko! Tulad ng dati aral ng mabuti! No pressure pero magsunugog ng kilay ‘wag lang sinaing!" Kahit minsa’y tinuturing akong parang elementary ni papa’y hinahayaan ko na lamang ito. Noong nakaraang kaarawan ko’y malala ang kaniyang iyak iniisip pa lang daw nito na unti-unti na akong lumalaki at darating ang panahon na aalis sakaniyang poder ay hindi niya kakayanin.

As if naman gagawin ko ang ganoon. 

Sinuklian ko ang ngiti ni Papa, at hinalikan s'ya sa pisngi. "Opo!” Ang uniform ko'y mahabang palda na umabot hanggang ilalim ng tuhod checkerd na kulay red at black, blouse na may tupi sa manggas at ribbon na kakulay ng palda aakalain mong pang private pero hindi.

Handa na lahat ng gamit ko at ngayon ang araw, unang araw ng pasukan. Nakangiti akong inihatid ni papa ganda hanggang classroom ko. Grade 10- Uranium pagkuwana'y nagpaalam na din si papa dahil may trabaho pa ito sa salon.

"Hello! " Bati sa akin ng isang may katangkarang babae habang nakapila kami sa tapat ng magiging classroom ko, hinihintay pa ang teacher.

Ngumiti ako at tinanguan s'ya. "Transferee? Jesa Zamora nga pala Jess for short. " Anito, maganda siya at pwedeng magmodel dahil sa height. Nagpaalam siya saglit dahil nakita ang dating mga kaklase.

Nakakainggit. May kanya-kanya silang kilala habang ako? Wala as in wala, epekto na rin siguro 'to dahil transferee ako at bago lang sa lugar.

“Hoooeemmgeee! Ariba mga kalahi!” Umangat ang aking tingin ng marinig ang pamilyar na boses. Malayong-malayo palang ay dinig na dinig na ang kaniyang matinis na boses wala sa sariling pinasadahan ko siya ng tingin. Normal unifrom naman ang suot nito white polo at itim na pants pero ang nakaagaw ng aking pansin ay ang maharot nitong pagpilantik ng mga kamay isama pa ang bag niyang de gulong na hinihila-hila pa.

As usual pink. At guess what? Oo, barbie ang design.

Mukhang sanay na sanay na ang lahat kay Xerxes dahil imbes na pagtawana’y para siyang artista na nilalapitan. Perks of being friendly.  Sa kaniyang gilid ay dalawang lalaki, moreno at mestisong nakasalamin pero saksakan ng gwapo hindi mo aakalaing may lahi  ng mga sanggre.

Teka baka scam na naman ‘to.

Naniniwala na talaga ako sa sinasabi ng iba. Kung sino pang mga gwapo ngayon hanap din nila gwapo. Kita ko kung paano naningkit ang mata nito ng mapansin niya ang gawi ko agad naman akong nagpatay malisya.  Nilapitan ang isa ko pang kaklase, bahala na.

Ngumiti ako, sinusubukang makuha ang loob ng kausap. "H-Hello.. " Ilang beses n'ya muna ako nitong pinagmasdan bago magsalita.

"Hello! " Anito. "Jerna Mahalaga nga pala.  Alam mo ba 'yong, A love so beautiful? " Tanong nito sa akin, tumango ako. Aminadong hindi ako mahilig sa mga drama-drama pero may nagustuhan akong chinese novela A love so beautiful nga 'yon.

Tumango ako, "Oo, pinoy dubbed 'di ba Zoey and Ken ang name? "

Nagningning ang kaniyang mga mata, "oo! Dinowload ko nga lahat ng episode ‘non! By the way tatawagin nalang kitang Ate! Ay, ano palang name mo?" Sasagot na sana ako ng may biglang nagsalita.

"Galatea Harmonia ang name niya, chakabella for short like niya chararat ang fezlak.” Masama ko siyang tinignan kahit talaga saan sumusulpot ang baklang 'to.

"Oy, Xaxa! 10-Uranium ka rin?” Tanong ni Jerna, tumango si Xerxes. "Ayon! Siguradong enjoy na naman ang school year dahil sayo! May magpapatawa sa amin.”

Napaismid si Xerxes, "ano ako clown? Chaka!”  Hinarap ako para bang sinasabi noyang famous ako, duh. Pake ko naman?

"Galatea———"

Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Jerna, ngumiti ako ng peke. "Tea nalang 'wag mo ng buuin. "

Tumaas ang kilay ni Xerxes, "Tea? As in milktea, ice tea, matcha tea? " Intrimitdang bakla 'to, grabe mang-asar nakakasira ng umaga.

"Hindi, gago ka ba Xerxes? " At sinamaan ng tingin.

"Ew, don't call me that! Kadiri ka! " Sambit nito.

Binalingan ko si Jerna na naiiling na nanonood sa amin ni Xerxes, "Tea as in Te-ya. "

Inayos nito ang strap ng kanyang bag pagkuwana'y pinaglipat-lipat ang tingin sa amin ni Xerxes, “alam n'yo…  Bagay kayo!"

Hindi ko aakalaing mandidiri ako ngayong araw, ako? Papatol sa mapangbuskang bakla na inggitera? No way!

Inekis ni Xerxes ang kanyang mga braso, "Cross! No curse! Gaga kang Jerna chararat ka! In the shalala in the morning nagpapaulan ka ng sumpa!” Tumawa si Jerna. "Aminado akong maganda akez pero mandiri ka naman! Ano ako tomboy?”

Napantastikuhan ko itong tinignan, tomboy talaga? I remind ko kaya itong lalaki s'ya at may lawit? Gagong bakla.Magbabangayan pa sana kami ng dumating na ang iba naming mga kaklase kasama ang aming adviser halatadong grabe umeffort para makuha ang loob ng teacher.

May tawag diyan.. Ano nga ulit? Ah, kapit sa teacher for future purposes. Ang judger ko lang.

Isa-isa na kaming inarrange sa magiging upuan. Tatlong upuan 'di bale  girl-boy-girl ang una tapos sa susunod na linya ay boy-girl-boy. Magulo pero ayos lang ang maganda may upuan.  At sana hindi s'ya ang maging katabi k———

"Guevara, De Pako, Guzman. "——or not. Humugot ako ng malalim na buntong hininga.  Malas nga naman. Pumunta na sa pwesto at doon nadatnan ang isang sirena at isang nagsusumigaw ng kakaibang vibes.

Tahimik ko na lamang pinakinggan ang mga pasaring salita ni Xerxes sa may tabi ko. "Ano ba 'yan! Chaka everywhere! " Reklamo ng baklang ‘to. Bahala siya riyan. Pinagtuusan ko ng pansin si Guzman.  May itsura ito matangos ang ilong, singkit at makapal ang kilay bagama't maputla  pero hindi maitatago 'non ang karisma n'yang taglay.

Muntikan na akong mapasigaw ng maramdaman ang mainit na hininga sa aking tenga. "Crush mo? Oh no, bad move chaka crush ko 'yan. Nauna ako, duh." Inis ko s'yang binalingan at shit lang, wrong move. Ilang dipa lamang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa nakatitig ito sa akin.

Para maasar ito pinagkrus ko ang aking mga mata na para bang duling ngumisi ako na parang si joker. Napatawa ako ng mapagaya s'ya sa ginagawa ko pero hindi ko inaasahan ang ginawa n'ya.

"Aray, puta mapanakit. " Daing ko habang hawak ang pisnging sinampal n'ya.

Nataranta ito  hindi inaasahan ang nagawa. "Hoemgeee! I'm sorry!" Anito, sisinghalan ko sana s'ya ng magsalita ang teacher namin.

"Okay class, ito na ang magiging seating arrangement niyo for the whole school year. Ako si Ma'am Cecelia Annunciation ang inyong adviser and lahat kayo ay magkaklase na so, don't fight okay?"

Pero ayaw ko pong maging kaklase itong taong ‘to! Ma'am bawiin niyo!


﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Classmates

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now