Chapter 25

1.1K 71 24
                                    

TBIILWYM 25 |Suitors

"Blooming ka, " siyasat ni papa ganda habang naglalaba ako. Rest day niya ngayon galing sa pabrika. Pagawaan ng beauty products ata? Ewan, basta. "Aalis ka ngayon?" Tanong ulit ni Papa Ganda sa akin, umiling ako at pinagpatuloy ang pagkukusot.

"Bakit po?" Tanong ko sakaniya at humarap ito habang nagkakape at nakaupo sa may upuang kahoy. Naglalaba ako sa likod bahay, mga damit namin buong linggo.

Nagkibit balikat ito, "wala naman.. Sino ba bet mo sa dalawa? Pagkahaba-haba naman ng buhak ni Galatea Harmonia ko, yiee..." Pambubuska nito dahilan para mahiya nanaman ako.

Ikinuwento ko kasi sakanya lahat ng nangyari noong isang araw. Mga pag-amin nila Xerxes at Zachariah. Ang sabi naman ni Papa ayos lang naman sakanya na hayaan ang dalawang ligawan ako hindi n'ya raw ako pagbabawalan sa mga bagay na gusto kong maranasan. Basta ba lagi kong ikukwento at huwag maglilihim sakaniya, susubaybayan n'ya lang ako sa bawat desisyon ko sa buhay.

Masuwerte talaga ako at nakilala ko si papa ganda...

Pasimple ako nitong inilingan na para bang nawiwirduhan pagkuwana'y iniwan na muna ako sa likod bahay. Marahil ay magpapahinga dahil ito nalang ang araw na makakatulog ito ng maayos ilang minuto ang nagdaan at tapos na rin ako sa paglalaba. Pagsasampay nalang.

Gamit ang likod ng aking palad pinunasan ko ang pawis na naglandas sa aking magkabilang pisngi binuhat ang basket at kinuha ang hanger. " Sana 'wag umulan," mahina kong hiling. Badtrip at wala kaming dryer kaya sana 'wag munang mang-asa ang haring araw.

"Baby girl pagkatapos mo r'yan maligo ko at mag-ayos ka!" Biglang sigaw ni Papa Ganda habang nakadungaw sa may pintuan. Napakunot noo ako dahil sa pagtataka, bakit? Aalis kami?

Hindi na lamang ako sumagot at tumango nalang, ipinagpatuloy ang pagsasampay.  "Sa wakas natapos rin." Ani ko, binuhat ang walang lamang basket at napatigil ng mapatingin sa kalangitan.

Ano kayang itsura ng tunay kong magulang? Ano kayang pangalan nila? Anong feeling na makasama sila? Nasaan sila? Iniwan ba nila ako?

Basta ang alam ko lang patay na sila. Pero wala pa rin itong kasiguraduhan. Ni tunay kong pangalan hindi ko alam kung hindi ba ako inampon papa ganda ano bang pangalan ko? Princess, Queen, Mary Ann, Angel? Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.

Gusto ko man silang makasama hindi ko naman alam kung papaano, parang hindi kompleto ang buhay ko hanggat hindi sila nakikilala o mahanap man lang.

"Masaya naman ako kay papa ganda at wala na akong hahanap-hanapin pa pero iba pa rin iyong pakiramdam na makilala sila.. Yung init ng yakap kung paano nila bibigkasin ang totoo ko sanang pangalan. Kailan ang tunay na birthday ko, " napatigil ako ng maramdamang maraganang dumadaloy ang mga luha ko. Natatawa ko itong pinahid, "ano ba Teya.." Natatawa kong saway sa sarili.

Hinahanap ba nila ako noong unang minutong nawala ako? O wala lang talaga silang pake kaya hanggang sa isipin kong patay na sila ay wala silang ginawa?

Pinahid ko muli ang luha ko sabay sinampal ang magkabilang pisngi at ngumiti kahit sa loob-loob ko'y nagsisimula ng mabalot ng lungkot. Ayos lang ako, nariyan pa naman si papa ganda. At alam kong hindi n'ya ako iiwan kahit kailan.

"Galatea! Ano ba!" Saway nito ng makapasok na ako sa loob ng bahay namin, nagtataka ko s'yang tinignan ng makitang nandidilat ang mga mata nito wari'y may ginawa akong hindi kaaya-aya.

Inilibot ko ang tingin, nabitawan ang basket na buhat-buhat. "A-ano... A-anong ginagawa n'yo rito?!" Malakas kong sigaw at napayakap sa katawan. Nakasandong manipis lang ako at short na maikli!

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon