Chapter 55

1K 60 24
                                    

TBIILWYM 55| End

Dear Galatea,

Kumusta na anak ko? Siguro kung nababasa mo 'to wala na ako riyan sa tabi mo. Siguro nasa heaven na ako at nagtwe-twerk sa langit o kaya nasa impyerno at nagsu-sun baiting to achieve a tanned skin. Charot.

Ibinigay ko 'to kay Tatay hinabiliin sakanyang ibigay 'to kung sakaling mawala ako dahil sa pagtulong sa mga Hernandez na mapatunayang ikaw ang nawawala nilang kamag-anak. Na ikaw si Henrietta Benilda Hernandez pero no meant offense mas maganda at bright ang idea ko na pangalanan kang Galatea Harmonia. From Greek Mythology pa si Galatea, lobidabs ni Pygmalion. 

Hindi sa ipinamimigay na kita sa iba at ayaw na kita. Gusto ko lang naman na mabigyan ka ng magandang buhay na hindi mo naranasan dahil ipinagkait sayo ng tadhana. Gusto ko ring habang buhay ako matulungan kitang makilala ang tunay mong pamilya dahil alam ko ang pakiramdam na parang may kulang sa pagkatao mo.

Pasensya na anak ah? Kung umuuwi ako kung kailan tulog ka na tapos aalis ng hindi man lang nagpapaalam pagkuwana'y lilipas na naman ang ilang linggo hindi ako nagpapakita bago umuwi. Pinag-alala ba kita ng sobra? Kumakain ka ba sa tamang oras? Sinasaktan ka ba ni Xerxes? Sabihin mo lang sakin at aahitin ko buhok niyan sa katawan.

At saka pala, kalkalin mo iyong sa kabinet ko. May makikita kang maliit na lalagyan, tapos may kahoy na alikansya roon. Galatea ang nakasulat sa alikansya dahil para iyon sayo.  Oo, para sayo. Ipon ko iyon, inipon ko para may pera ka kahit scholar ka sa kolehiyo.

Proud ako sayo anak tandaan mo 'yan. Salamat din kina Henrich at Benilda Hernandez—tunay mong magulang na kahit ilang taon lang ay ipinahiram ka nila sa akin. Masaya ako at kontento na, makita kang nagtatagumpay sa buhay. Oks na oks na ako.

This Beks Is In Love With You Mare. Hindi inlove na in a romantic way kundi, in love as an parent to you. Parental love ani nga nila. Unang kita ko palang sayo sa ilalim ng tulay alam kong mamahalin kita ng sobra at gagawin ang lahat para sayo anak.

Ako si Generoso ang Mother Generous ng Earth—Ang Beks ay mahal na mahal ang kanyang anak na si Galatea Harmonia.

Mahal kita anak. Mahal ka ng Beks na ito.

Hiling ko ang kasiyahan mo, maging malaya ka anak. Tandaan mong pinalaki kita at iniluwal sa aking imaginary perlas na hinugot sa aking puso

Love,
Generoso De Pukpok

I carresed my father's tombstone. Everyday I'm reading his letter, everynight I can't help but to cry.  Natawa pa ako sa sulat niya, sun baiting daw at twerk. Naku, Papa Ganda baka binanned ka nila riyan ah.

Nakasindi ang kandila na dala-dala ko at ang mga bulaklak na inilagay ko sa kanyang puntod. Kakatapos ko lang bisitahin sina mama at papa-Henrich at Benilda at saka ako dumiretso sa puntod ni Papa Ganda.

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now