Chapter 23

1.1K 83 12
                                    

TBIILWYM 23 | Sudden confession

"Gara, sana all Rapunzel.." Komento ng mga kaklase ko, nandito ako sa classroom nakatunga-nga. Wala akong lakas para lumabas ngayong recess.

Ang awkward... hindi ko imexpect na may ganong ganap. Hindi ako na inform!

At mas lalong nagulat ako dahil pati si Xerxes.. Bakit n'ya ako liligawan? Gusto n'ya ba ako? Bakit? Nandoon din si Zachariah na nagsabi hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng sasabihan nila ay ako pa.

Napahilig ako sa bintana kitang-kita ko ngayon si Zachariah na nagkakamot batok sa kumpulan ng mga stem student na alam kong kaklase namin. Para silang nagpupulong na ewan, nagpaplano para saan?

Inilibot ko ang aking tingin, namataan ko rin si Xerxes at mga kaklase nitong mga babae galing sa abm at katulad kina Zachariah, para rin silang nagpupulong. Napasimangot ako ng makita si Charentina na nakakapit sa braso ng bakla.

Kainis..

Hindi talaga ako maka get over sa nangyari kanina, napatakip ako ng mukha at napailing-iling na parang baliw. Kaasar..

"I WILL COURT YOU!"

"LILIGAWAN KITA!"

Nanigas ako sa kinatatayuan, hindi makagalaw...

Anong eksena ito?

"A-Ano?" Na-uutal kong sabi, nabigla.

Bumitaw silang parehas tila natauhan sa pinang-gagawa nanlalaki ang mga mata nilang pareho napatingin sa lahat na naka abang.

"Ayieeeeeeeeeeee!" Sigawan ng lahat.

"Sana all Rapunzel!"

"Zachariah boto! Zachariah piliin! Pambato ng Stem!" Sigaw nina Patrick, aakalain mong nangangampanya habang minamasahe ang balikat ni Zachariah na ngayo'y sobrang pula na.

"Ano?! Si Xaxa ang pipiliin! Bestfriend 'to goin’ straight! S'ya yung piliin kasi bagay kayo! Xaxa pambato ng ABM! Salungat ni Shamaine habang mataray na sinisigawan ang kabilang kampo.

Para kaming nasa debate, may kanya-kayang pambato..

"ABM's! Tara na! Nandiyan na si Ma'am! I will report you all!" Nakapameywang sabi ni Charentina habang tinitignan ang lahat. "What? Why are staring at me?! " Nanlilisik ang mata nito animo'y may hindi nagugustuhan sabay papadyak na umalis kasama ang mga alipores.

Nagkibit balikat ang mga ibang kaklase nito pagkuwana'y sumunod na rin papasok sa building nila. Naiwan si Xerxes na nakatitig lang sa akin.

"Sige pre, kaya mo 'yan. Alone time, supportive lang kaming Stem sayo," dinig kong bulong ni Patrick kay Zachariah at pumasok na sa classroom namin. Naiwan kaming tatlo, nangangapa sa eksena kanina.

Lumipas ang ilang segundo at nilalamon pa rin kami ng katahimikan walang may lakas ng loob magsalita.

Napabuntong hininga ako, "a-ano–"

"––kung akala mo nagbibiro ako, hindi ah. Basta.. kakausapin kita mamaya. Sana pumayag ka," namumulang sabi ni Zachariah bago ako sinulyapan na para bang batang maliit na nanghihingi ng candy. Ngumiti ako dahilan para mas maging pula ang namumula na nitong mukha, "A-Ahm, s-sige papasok na ako," paalam niya at pumasok na.

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon