Chapter 27

847 67 15
                                    

TBIILWYM 27 | A date to remember

"Ano bang magandang gawin ngayon?" Tanong ni Xerxes habang magkasama kami. Napangiwi ako akala ko ba date? Lakas n'yang magreklamo noong nagdate kami ni Zachariah pero heto s'ya...kami. Nakaupo sa bench ng court dito sa Sitio Hiyaw Pa at naka-tanga.

"Ewan sayo," bulong ko habang nakalapat ang dalawang palad sa panga at nakatungkod sa hita. Napahikab ako, "ang boring..."

Naramdaman kong natigilan si Xerxes sa tabi ko, "sorry...." Anito kaya nabahala ako, hinarap ko siya hawak na nito ang kanyang cp.

Ilang oras kaya kami tutunganga? Ah, baka ito na yung date.

"Tunganga date," wala sa sariling sambit ko. "Naks," ani ko.

Naramdaman kong padabog itong tumayo, pumunta sa harapan ko at nagpameywang, "imbyerna ka! Esplok ng esplok! " Anito na para bang si papa ganda.

Sinamaan ko ito ng tingin, "alis! "

"Bakit? Anong tinitignan mo?" Sabi niya.

"Nakikipagtitigan ako sa basketball ring," nakakainis kasi. Nag expect talaga ako ng sobrang bonga sakanya pero heto ligwak. Kairita. "Ewan sayo."

Inis s'yang lumakad papalayo sa akin akala ko'y saan na pupunta. Pero nangunot ang noo ko ng dumiretso ito sa may bakal na box kumuha ng bola at animo'y timang na nagdi-drible.

Napangiwi ako ng sinubukan n'yang magshoot pero tumama ang bola sa gilid ng basketball ring sabay talbog at tumama sa mukha nito. "Xerxes!" Sigaw ko, natumba ito habang hawak-hawak ang mukha.

Potangina... Nilapitan ko ito,  jusmiyo bakit kasi nagpapasikat?

"Ayos ka lang?!" Nag-aalala kong sabi habang inaalalayan ito, "patingin!" Sabay kong inalis ang kamay n'yang nakatakip sa mukha. Hindi bale nakaunan s'ya sa hita ko habang naka-upo ako sa lapag at s'ya nama'y nakahiga. Napangiwi ako ng todong-todo ng makitang namumula ang buong mukha n'ya. Bumakat ang bilog na bola. "Tanga-tanga kasi," nasabi ko nalamang habang marahang minamasahe ang ilong nito.

Okay lang naman na magkakasat kami dito sa may court walang mga taong naglilibot ngayon kasi nga busy sa kanya-kanyang buhay at syempre, sa pagsagap ng chismis.

"Nasaktan na nga gaganyanin mo pa. Wow ah," nakasimangot nitong sabi nanatiling nakaunan sa hita ko at nakahiga sa lapag, hindi alintana ang buhangin.

Inikutan ko s'ya ng mata, "edi wow. Hala, tayo! Ang dumi rito, " ani ko. Sabay tinapik ang braso nito para tumayo.

"Oo na grabe ang bigat ng kamay. Isang tapik, bakat lahat."

"Sampal gusto mo?"

"Masyado kang hard sa akin pero kapag kay Zachariah iba yung level bg care mo," nakasimangot s'yang tumayo. Iminuestra pa ang konti, "kapag ako todo tanga mo!" Pero kapag kay Zachariah, grabe ah! Plastic mo! Pabebe! Pangit mo mukha ka ni Hagorn!" Anito, alam kong biro lang n'ya iyon pero syempre hindi ako papatalo. “Always a chakabella!”

Tumayo na rin ako at nagpameywang, "ah talaga? Kung plastic ako, ikaw steel wool! Ang gaspang ng ugali mo!"

"Tanga anong steel wool? Baka papel de liha!"

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon