Chapter 3

1.5K 130 34
                                    

TBIILWYM 3 | Bully

Wala.

Wala akong naging ka-close maliban kay Denver Guzman. Akala ko noong una siya yung tipong snobber hindi naman pala actually joker ito kaya ang sarap kadaldalan. Xerxes Guevara.. Speaking of the devil araw-araw masama ang tingin at lagi akong sinusupalpal sa bawat sinasabi ko halatang mainit ang dugo sa akin at ang dahilan nakakapangilabot niyang dahilan ay..

"Chakabella ka! Mang-aagaw ka talaga! Pati otoko of the heart ko inaagaw mo! Argh! Sarap mo ahitan ng buhok sa ibaba!"

Medyo totoo naman na makarisma si Denver iba rin ang appeal nito kaya kahit sino ay talagang mag-gwapuhan.

Abala ako sa pagtulala ng marinig ang sipol ng kung sino. “Hoy Xaxa!” Sigaw ni Lemmoel awtomatik namang napalingon si Xerxes at tinaasan ito ng kilay, “pera! Huwag ka ng magmatigas!” Aniya para bang responsibilidad sila ni Xerxes. Nanatili akong nakaupo sa pwesto ko hinayaan sila sa gulo.  Wala akong balak makisawsaw sa sawsawan ng iba.

Hindi katulad ng iba mukhang uhaw sa ganiyang sitwasyon.

Pinagkrus ni Xerxes ang mga braso rila naiinis, “Lem naman! Wala na akong baon. Noong isang linggo pa kita binibigyan. When in fact ‘di kita otoko!” Bagamat bakas ang pabibiro sa tono’y pansin ko ang bahagyang panginginig ng mga kamay nito. Naalarma ako dahil doon.

Ngumisi si Lemmoel, "puta kang bakla ka. Hard to get? Sus, kung kani-kanino ka lang nanghihikayat ng wanpipti! Lokohin mo iba, 'wag ako. Nakakahiya ka.” Hindi ko nagustuhan ang mga sinambit nito puro below the belt na. At saka bakit ba panay banggit ng one fifty na iyan. “Kaya nagkaka-aids kagagawan niyong mga bakla. Kasalanan sa Diyos iyan,” dagdag nito upang mas lalo akong mainis. Hindi umimik si Xerxes lahat ng mga kaklase namin ay nakatingin na sakanila habang ang kasamahan ni Lemmoel ang mga bad boys kuno ng aming klase na sakit sa ulo ng teacher ay nagtatawanan. "Oh ano? Totoo naman. Palibhasa masyadong hayok sa lawit eh, meron ka naman! " Sigaw ulit ni Lemmoel na binuntunan pa ng tawa.

Gusto kong makielam pero hindi ako makapag-salita  parang wala akong karapatang makiusyoso. Sa kabilang banda nagsusumigaw naman ang aking utak na huwag pabayaang maagrabyado si Xerxes.

Walang masama sa pagiging bakla.

Nagsilabasan na ang iba naming kaklase, balita ko notorious na guidance visitor sina Lemmoel at ang mga kaibigan nito at parang free pass ang trip to guidance nila. "Saan na ang pera? Baka gusto mo pa ng maxium na hipuan o hipan iyong itlog ml. Loko kadiri ka! Bakla! " Hindi na ako nakatiis ng biglang lapitan ng mga kaibigan n'ya si Xerxes at biglang inilusot ang mga braso nila sa gitna ng hita nito at tila idinuduyan pataas. Alam kong masakit iyon dahil bakas na bakas sa mukha ni Xerxes na hindi makalaban.

Tawang-tawa sila, siraulo. "Hoy, " tawag ko kay Lemmoel napatigil ito pagkuwana'y ngumiti.

Nangingislap ang mga mata nito. "Hi, Teya!" Ngumiti ito dahilan para magsilitawan ang mga ngipin niyang sponsor ata ng super margarine.

Uy, grabe ka Galatea ang sabi ni papa ganda ‘wag manlait? Basta hindi dinig ayos na iyon.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga at matalim siyang tinignan. "Balita ko isang guidance nalang kick out kana? " Sabi ko na nakapagpawala ng ngiti n'ya. "At iyang ginagawa mo pwede kang makasuhan. Ever heard of bullying? Anti-bullying RA 10627? And equality? Alam mo ba ang mga yon? Oh baka naman hindi. Walang diperensya sa pagiging bakla buti pa ang bakla gwapo ikaw mukhang engkantong pa hard to get na pampapam feeling poging bully. " Umikot ang mga mata ko sakanya, walang nakapagsalita. “At idadagdag ko lang ‘wag puro akusa sakanila ah. Hindi lahat e sila ang may kasalanan ultimo aids sakanila rin? Eh, bakit hindi mo sisihin iyong ibang katulad mong straight na panay tira ng iba’t ibang babae tapos walang proteksyon?  FYI, LGBTQIA+ rin ang magulang ko kaya magdahan-dahan ka.”  Hindi inaasahan na ang katulad kong laging pinagtritripan ni Xerxes ay ipagtatanggol siya. Ayos din namang ako ang ibully nila basta isabuhay ko lang ang mga tagubilin ni papa ganda.

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now