Chapter 5

1.4K 125 29
                                    

AN: Song credits Modelong Charing by Blakdyak



TBIILWYM 5| Cheering Squad

"May beauty pageant kasi akong sasalihan mamaya baby girl," nakatango lang ako kay papa ganda habang inaayos ang mga gamit na kaniyang dadalhin. Sabado ngayon at pwede akong sumama kay papa ganda para i-cheer ito.

Attending gay contest is the best.

Why? Laging laugh trip ang mga kasabihan at mga talent. Basta, all in one kumbaga package deal na.

Napangiti ako, "pa, sama ako!" Sabi ko sabay bitbit sa isa niyang bag. Ready na lahat mga bag na may lamang damit particularly ay mga gowns. Napailing nalang si Papa Ganda marahil na pagisip-isip na wala na s'yang magagawa sa kakulitan, ako pa ba? Makulit and its finest! Isama pang gusto kong icheer si papa ganda.

"Nakaka-urky ka!" Nakapameywang ito, "ano pa bang laban ko sa aking baby girl?" Ginulo niya ang aking buhok saka binigyan ng masuyong ngiti.

Siguradong magiging masaya 'to!

━─━────༺༻────━─━

Alas kwatro na. Busy akong nakaupo sa pwesto nina papa ganda kagaya ko'y abala silang mag-rehearse para sa opening number. Maraming beki ang sumali actually pati mga nasa kabilang sitio ay sumali ata?

Dito sa Sitio Hiyaw Pa marami ring mga kalahi ni papa mga dugong berde kumbaga. Malaya nilang nalalabas kung sino talaga sila, nakakataba ng puso. Tanggap sila sa sitio hindi kagaya sa iba na parang headquarters ng mga chismosa at sumbongera ng fake news.

"Anak ka ba ni Generoso-ay Generosa pala!" Sabay hagikgik nito tinignan ko siya. Mukhang pamilyar. Naramdaman ata nito ang titig ko kaya ngumiti sinuklian ako ng ngiti. "Naku! Naku! Majonders ka na? Jubelita! Ako 'to si tita Sexy mo! Was julalay akez ng mudra mong walang perlas!" Halos mabulunan ako ng sariling laway naiintindihan ang kaniyang sinabi. Kaibigan ni papa ganda! Oo nga pala bakit ko ba nakalimutang narito iyong mga frennies ni papa? Iyong mga kinukwento niya lagi.

Napakamot ako ng ulo. "Sorry po, tita Sexy. Gumanda po kayo kaya hindi ko namalayang kayo 'yan." Pambubuyo kahit na ang totoo wala akong ideya kung sino sa mga kaibigan ni papa iyon.

"Ay pak! Blusang itim ang tita mo! Lokaret!"

Ilang oras kaming nagkwentuhan nalaman kong siya ang magiging make up artist ni papa ganda. Nakuwento rin n'yang bff sila ni papa ganda magmula pa raw noong bata. Sabay daw silang hinabol ni mang Keryon-the magtutuli noong panahon ng paglilitis at kailangan nang putulin ang kanilang mga eiffel tower.

Halos lahat na ata ng pwedeng pag-usapan ay nagawa na namin sa tagal ng rehearsal. Alas siete ang simula ng program. Mayamaya pa'y nagsimula na ang pinakahihintay. At ngayon na ang oras! Simula na ng program!

Nilapitan ko si papa at masuyo itong niyakap at hinalikan sa pisngi. "Papa," tawag ko. "Doon ako sa may harap ng stage uupo ichecheer kita! Tandaan mo lagi matalo, manalo ang mahalaga ginawa mo ang best mo't nagenjoy ka!" Gusto kong ibalik iyong mga salita na lagi niyang sinasabi sa akin. Gusto kong lumakas ang loob ni papa dahil alam kong isa ang mga pageants na nagbibigay kulay sa buhay nito.

May kung anong pinunasan si papa ganda sa gilid ng kaniyang mga mata. "Sureness! Basta ingat ka roon baby girl ah? Gagawin ni papa gorjus ang kamehame best niya!" Anito. Pumunta na ako sa may mga monoblock. Mabilis mapuno ang court. Nakahanda na ang lahat. Iyong mga manonood ay may pwesto na, saan ako uupo nito?

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareDonde viven las historias. Descúbrelo ahora