Chapter 32

846 62 3
                                    

TBIILWYM 32| The Boyfriend

"Ready na ba lahat ng dadalhin n'yo?" Sigaw ni Papa Ganda, tumango ako. "Lezzgo na!" Anito, halos hindi mabura ang ngiti sa aking labi. Excited na ako.

May outing kasi sina Papa Ganda kasama ang mga Wonder Beki's at syempre hindi naman ako pwedeng maiwan sa bahay, kaya heto ako. Ngiti-ngiting nangbibit-bit ng bag.

Naka short ako na kita ang hita at spaghetti sando na merong manipis na jacket, napatigil ako ng marealize na hindi pa pala ako nakakapag-paalam kay Xerxes.

Required ba talagang sabihin sakanya lahat?

Ang sabi ni Shamaine ay oo, natural lang daw na dapat alam ni Xerxes ang lahat, pero noong tinanong ko si Xerxes ang sabi n'ya hindi naman pwede laging magpaalam ako sakanya syempre raw ay may kanya-kanya kaming buhay at gusto n'yang maenjoy ko 'yon.

Namula ako sa naisip, parati s'yang sweet. "Pero nasaan na kaya 'yon?" Bulong ko sa sarili, hindi siguro. Ilang oras na rin na walang paramdam.

"Teya, tara na!" Rinig kong sigaw ni Papa Ganda, dali-dali akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nila, mahirap na't baka maiwasan ako ng owner van.

"Nand'yan na po!"

Agad akong sumampa sa owner van, ilang minuto lang ang hinintay namin at nagsimula ng umandar ang sasakyan. Bawat dinadaanan nami'y kinukuhanan ko ng litrato.

Maganda rito sa probinsya, malinis ang hangin, maraming puno at higit sa lahat hindi mo kailangang magpanggap na angat ka sa lahat. Dito pantay-pantay.

Nakangiti kong tinitignan bawat letratong nakuhanan ko, puno, ibon at langit lang naman. Napangiwi ako, kaka-myday ko lang kahapon noong pulang sky view, magma-myday na naman ako?

"Nandito na tayo," sabi sa akin ni Papa at bumaba na kaya sumama na ako. Tinulungan ko s'yang ibaba ang mga gamit namin, kanya-kanyang selfie naman ang mga Tita's ko o ang mga Wonder Beki's.

"Chalap naman ditey! Bakla, magswi-swim suit kayo?" Tanong ni Tita Sexy sa mga kasamahan.

Wonder Beki's, si Papa Ganda bilang Mother Earth, si Tita Sexy na nandito rin siya 'yung nag-ayos kay Papa sa pageant noon, si Tita Kendeng, Tita Marupokpok, Tita Choco Na batok, at ako, oo, ako, dahil daw anak ako ni Papa ganda from the heart official member na raw ako ng wonder beki's

Tumango si Tita Marupokpok, "gurl, magswi-swim suit ako two piece." Anito.

Agad namang sumagot si Tita Kendeng, "gaga, lilitaw ang itlog mo!" Sabay tumawa ng malakas na sinabayan nina Papa.

"Shunga! Naka tape na 'to!" Balik naman na sigaw ni Tita Maru.

Napakamot batok ako, inilibot ang paningin sa resort. Malawak ito, iba't iba rin ang klase ng cottage, may swimming pool sa gilid pero ang mas maganda ay naka highlight ang dagat!
Oo, dagat! Bigla tuloy akong na excite magtampisaw!

"Tara let's na!"

━─━────༺༻────━─━

"Naglagay ka ba ng sunblock?" Tanong sa akin ni Papa Ganda, tumango ako bilang sagot. "Abat, bakit hindi mo isinuot 'yung binili ko kahapon?" Tumaas ang kilay n'ya, "bata ka! Suotin mo! Bakit ka ba naka leggings at long sleeve rito sa dagat? Ano ka na sa malamig?"

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now