Chapter 22

1.1K 90 23
                                    

TBIILWYM 22 | Scene


My first kiss was gone and until nowI can't believe it.

Sa lahat ng tao bakit kay Xerxes pa na malemya at pusong babae rin? Don't get me wrong, oo gusto ko s'ya pero pader naman! Sana nakaunang nakatikim ng labi ko ay tunay na lalaki!

Sa sobrang frustrated ko'y napapa english talaga ako, nakakahiya na nakakailang. Hindi kami sabay na umuwi kanina, nauna ito at miski ako hindi ko alam paano s'ya haharapin. At maging si Zachariah ay tulala.

Mukha itong nagahasa sa timpla ng mukha, paano ba naman kasi. Aksidente silang nagpatong ni Xerxes at aksidente ring nahawakan ni Xerxes ang eiffel tower ni Zach kaya heto s'ya ngayon tulala..

Todo hingi rin ng sorry sina Patrick at ang iba pa walang tawanan ang naganap dahil kaming tatlo ay mukha nalugi sa labanan.

"Oh, Teya bakit mukha kang problemado?" Bungad ni Papa Ganda sa akin habang nakaabang ito sa sala for the first time naabutan ko s'ya. Lagi kasi itong wala, napabuntong hininga ito. "O'sya, magbihis ka na at maghahapunan na tayo..." Anito at tinalikuran ako.

Hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong kakaiba sakanya, parang may tinatago si Papa Ganda sa akin. Napailing ako, iwinaksi ang iniisip. Problemado na nga ako sa first kiss kong nasayang dadagdagan ko pa?

Pagkapasok sa aking kwarto dali-dali akong naligo at nagbihis, napatingin sa bubong at napapikit..

Weird... Parang ramdam ko pa rin iyongng labi ni Xerxes sa akin..

Kagat labi akong napapadyak sa sahig, kinikilig ba ako? "Syempre hindi! Bakit ako kikiligin?! Bakit?!" Na-aning kong monologue.

"Teya may problema ba?" Anito sa akin at naguguluhang nakatingin, "mukha kang tanga anak.. Anong kinikilig ba?" Tanong ni Papa ganda..

Napakamot batok ako, "hehe, joke lang po Pa. Nag-iinternalize lang po ako ng script.." Palusot ko rito sana lang kagatin n'ya.

"Ewan sayo, mukha kang batang naagawan ng first kiss.."

"Po? Hindi ah! Hindi nawala first kiss ko!"

"Eh? Bakit ka nasigaw? Inaano kita?"

Nag peace sign ako sakanya, "wala po.. Joke lang pa," ani ko..

Dumiretso na kami sa hapag kainan lagi kaming sabay kumain ni Papa. Pangaral nito sa akin na dapat sabay kumain ang isang pamilya..

At si Papa Ganda ang nag-iisa kong pamilya..

"Kumusta na kayo ni Xaxa?" Biglaan n'yang tanong kaya nasamid ako, "Teya! Punyeta! Jusmiyo!" Tarantang sigaw nito at napatayo para ikuha ako ng tubig at marahang hinagod ang likuran ko.

Patuloy lang ako sa pag-ubo bigla nalang kasing pumasok sa utak ko ang nangyari kanina ng banggitin ni papa si Xerxes.

"Anak, jusmiyo ang katangahan hindi nilulubos-lubos. Magtira ka naman para bukas.." Anito at inalalayan pa ako, "huwag mong araw-araw Teya baka ma overdose ka.."

Napatango ako at hindi na napansin ang biro nito, ng nakahinga na ako ng maluwag ay bumalik na ito sa kanyang pwesto at nagpatuloy sa pagkain.  "Sorry pa may naalala lang.." Sabi ko.

Nangunot ang noo nito, "at ano naman 'yon? Sobra bang nakakabigla 'yang naalala mo at nasamid ka? Iyong laway na naubo mo umabot ng Japan."

"Sobra naman sa Japan pa, " nakanguso kong sabi.

"Huwag mo akong ngusuan anak kita pero mas maganda ako kapag ngumunguso.." Anito at sumubo ng kanin, pagkuwana'y tinapos muna n'ya itong nguyain bago magsalita, "pasensya na ah? Lagi kasing busy si Papa at wala ng oras sayo.. Kaya sige na, magkwento ka na anak feeling ko hindi na ako updated sa buhay ng anak ko.." Malungkot nitong ngiti.

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now