Chapter 9

1.3K 123 69
                                    

TBIILWYM 9| Prom night

Isang linggo at dalawang araw na ang nakalipas...

Napabuntong hininga ako lintik na baklang 'yan. Nakakainit ng dugo akala mo naman kung sino para magalit sa akin. Eh, wala naman akong ginagawa sakaniya. Mabulunan sana yung baklang Xerxes ang pangalan! Makatapak sana siya ng jebs mamaya.

Napabuntong hininga ako, bukas na pala ng gabi yung prom namin. Wala pa akong gown na susuotin at ang malala hindi ko pa pala nasasabi kay papa dahil sa sobrang preoccupied ko sa nangyari nitong nakaraan.Kung ako ang tatanungin ayaw ko sanang umattend kaso naalala kong inilista ako noon ni Xerxes panahong frienemy pa kami at hindi pure enemy.

"Chakabella! Come here doggie!" Sigaw nito sa akin habang nakatayo sa desk ni ma'am.

Sumama ang timpla ko ng marinig ang salitang "doggie" parang gusto kong manunog ng bakla. "Bakit ba?" Inis kong tanong ng makalapit sakaniya.

Inikutan naman ako nito ng mata, "gagalet much? May regla ka? " Inis ko itong inambahan ng kutos pero agad itong nakaiwas, "ouchie ah! May prom pala tayo no?"

Prom? "Ewan," sagot ko dahil wala naman akong nabalitaan. Baka plano palang 'yan.

"Bobo naman nito! Jonggoloids! Basta ililista ko na name mong mabantot ah? Pati sa akin rin para muchie-muchie tayo sa prom. Tipong magmumukha kang julalay ko." Nakangiti niyang sabi dahilan para lumitaw ang ngipin nitong nagkulay pink na dahil sa liptint na tanga-tanga n'yang inilagay.

Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi na sana ako pumayag ilista n'ya. Kainis na bakla bakit parang apektadong-apektado ako sakanya? Excuse me! Naisip ko rin na kung aattend ako ng js simpleng gown nalang ang isusuot ko. Yung plain lang na kulay blue tutal blue and black ang theme ng prom. Tapos uuwi ako ng maaga kakain lang sa venue at makikipag
kwentuhan saglit.

Bukas ko nalang sasabihin kay papa ganda.

━─━────༺༻────━─━

"TUMATAAS ANG PRESYON KO SA iYONG BATA KA!" Napatayo ako ng tuwid sa sermon ni papa ganda apektadong-
apektado kasi ito sa prom. "At bakit hindi mo sinabi sa akin na may pa js pala kayo?! Nanggigigil ako! Sana nakapaghanda ako ng bonggang gown! Sana ready na lahat at beauty rest nalang ang ginagawa mo! Galatea Harmonia!" Sigaw n'ya.

Napayuko ako, hindi alam ang sasabihin. "A-Ahm, hindi ko na sinabi papa kasi hindi naman ako interesadong pumunt---"

"----pero nagpalista kang bata ka! Anong kabaliwan ito?!" Putol n'ya sa sasabihin ko.

Lumunok ako bago sumagot "E-Eh kasi po si Xerxes naman naglista sa akin ‘non. At saka pagod kayo sa trabaho papa dadagdag pa ba ako? Tapos may gown naman akong mahihiraman diyan kahit simple lang pwede na sa akin." Paliwanag ko.

Tinaasan ako nito ng kilay at inis siyang nagpipindot sa kanyang cellphone na parang may tinatawagan. "Hindi mo ako gets Galatea." Napalunok ako. Galatea na ang tawag sa akin ibig sabihin galit na ito. "Ayaw kong pumunta ka ng js na mukhang basahan! Parang ang dating ay hahayaan lang kitang tawanan doon? Oo pagod ako pero ayaw kong magmukhang pangit ang kaisa-isa konv anak sa party habang ang iba bongga! "

Napayuko ako, "pero pa. Pwedeng ako po ang pumili ng gown? Sigurado po kasing bongga ang papasuot n'yo at agaw pansin," sabi ko habang nilalaro ang mga daliri. "Hindi kasi talaga ako sanay sa mga ganoon eh," nakita kong napatingin ito sa akin bago napahawak sa sentido at maarteng hinawakan ang kanyang buhok.

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now