Chapter 12

1.2K 104 17
                                    

TBIILWYM 12 | Feelings

“Goodluck sa stem balita ko matatalino roon chaka,” bumuntong hininga ako. “Bobokels ka pa naman, naku,” tinapik-tapik nito ang balikat ko na para bang pinapalakas ang aking loob pero yung mga binibitawan n'yang salita ay kabaliktaran.

Kapag hindi ako nakapagtimpi sasakmalin ko 'to..

“Ayos ah, very encouraging,” sarkastiko kong sabi sa kaniya.

Nginitian ako nito, “I know right!” Aniya at sabay ng pumasok sa loob ng campus kumbaga pagpasok at paguwi kami ang magkasabay pero we'll part our ways kapag papasok na sa classroom. “O'sya bye na, goodluck ulit!” Tumango ako bilang sagot, kinakabahan.

Pumasok na ako sa room ko, stem Class.  Wala akong masyadong kakila, walang ka close dahil karamihan sa mga kaklase ko dati ay nasa TVL, HUMSS, at ABM. Sabi nga nila mahirap daw ang STEM kasi pang matatalino lang daw aminadong bobo ako sa math hindi ako nakakagets ng mabilis pero para sa pangarap ko titiisin kong matuto.

“Goodmorning class,” bati agad ni sir Megalannes nang pumasok sa klase namin. Nasa tabi ako ng bintana sa may dulo. Wala akong kakilala ni isa, walang ka close. “Introduce yourself muna tayo ngayon ah, ” anito. Agad na nagbulungan ang mga kaklase ko, nagkaka-guluhan kung sino ang dapat na mauna. Habang ako, nakaupo sa sulok at naka masid.

Na miss ko tuloy si Xerxes––ano?! Hindi! Hindi!

“Bakit ko na naman ma mimiss ang baklang 'yon?!” Sermon ko sa sarili.

Napukol ang aking tingin ng mapansin si sir. “Miss sa gilid ng bintana, go first anak. Santinisma, baka mang-away ka riyan.” Kanina pa pala nila ako pinapanood. May mga tumatawa at nagtatakang nakatingin sa akin, nakakahiya! “Ikaw na mauna, introduce yourself. ” Napabuntong hininga ako at tumayo sa harapan. Nakakahiya.

Kabadong-kabado akong tumingin sa lahat, “Ahm, hi? I'm Galatea Harmonia De Pako, 17 years old. ” Maikli kong pagpapakilala dala na ng sobrang niyerbiyos.

“Bakit ka nag STEM anak?” Tanong ni sir.

Sabi na ito iyong mga tanong e! “Gusto ko pong maging architect medyo hindi po ako ganoon kagaling sa math pero gusto ko pa rin pong subukan.” Seryosong sagot ko sakanya, ngumiti ito at tumango-tango.

“Okay, nice to meet you Galatea. You may take your sit.” Napabuntong hininga ako, muntikan na 'yon.

Umupo ako sa pwesto ko nagpakilala na ang lahat. Mayroon akong kaklase na unang kita ko palang ay hindi ko na gusto, naku, ano ba iyan Galatea! Natapos ang  mga na unang subjects namin, heto ulit ako at kamakain mag-isa sa room.
Nahihiya naman ako makisali sa iba akala pa nila feeling close kagaya ni Xerxes.

“oshiete oshiete yo sono shikumi wo boku no naka ni dare ga iru no?
kowareta kowareta yo kono sekai de kimi ga warau nanimo miezu ni”

Napalingon-lingon ako ng marinig ang familiar na kanta roon ko nakita ang isang lalaking yakap-yakap ang kaniyang bag habang nakaharap sa cellphone nito, tiyansa ko'y nanonood ito.

“kowareta boku nante sa iki wo tomete
hodokenai mou hodokenai yo shinjitsu sae freeze
kowaseru kowasenai kurueru kuruenai
anata wo mitsukete yureta

Lumingon ito bigla naramdaman siguro ang pagtitig ko sakaniya. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago s'ya namula at binalik ang tingin sa cellphone.

“Unravel ba 'yan?” Lakas loob kong tanong habang papalapit sakanya, nakita ko ang paglaki ng mata nito. “Sa Tokyo Ghoul 'di ba?” Ulit ko.

“O-taku? W-Weeb?” Tanong n'ya.

Napangiwi ako, “medyo.” Nakita ko ang pagsilay ng mumunting ngiti sa kanyang labi, mukhang masaya itong malaman na may kaklase siyang parehas ang hilig.  Pansin ko ring lagi s'yang nag-iisa, introvert siguro.

“Galatea pala,” pagpapakilala ko.

“Alam ko,” anito pagkuwanay namula na naman. “I mean, a-ano, hindi ba nagpakilala ka kanina? A-Ano, narinig ko.” Nahihiya n'yang sabi, ewan, natatawa ako sa kaniya kapag nauutal at nahihiya ito.

Natawa ako ng mahina, “ah..”

“Zachariah Ion Salvador,” bawi nitong sambit, “ano.. Ahm, gusto mong manood?” Anyaya nito. Masaya akong tumango at umupo sa bakanteng upuan sa tabi n'ya.

May nakaclose rin akong kaklase, sa wakas!


━─━────༺༻────━─━


“Bukas ulit,” sabi ko sa kaniya at ngumiti. Improving, sa kalahati ng klase siya na ang katabi ko. Mahiyain, matalino at minsan loko-loko. “I-share it mo sa akin ‘yng new episode, wala akong wifi. Poor is me.” Pagbibiro ko.

Natawa ito ng mahina dahilan para sumingkit ang mga mata n'ya, “sige.” Kinuha nito ang kanyang bag, humarap sa akin. “Nice to meet you weeb, ” sabay kaway sa akin.

Napahawak ako sa aking labi nakapukat pa rin ang ngiti. Ewan, iba kasi feeling ko kay Zachariah. “Imbyerna sis, jusmeyo! Babae lahat ng kaklase ko, like ew, no inspiration!”  Bungad na reklamo ni Xerxes habang hinihintay ko ito sa bench, “wait, ang saya mo ata chakabella?” Taka nitong tanong, umiling lang ako. “Weh? Ang saya mo eh! Bakit? Chismis mo sa akin!” Pangungulit nito.

“Wala nga!”

“Sus, meron 'yan! Chismis mo na sakin bilis! Damot mo ah!”

Inis ko itong inisnaban, “wala nga kasi! Ano ba 'yan!”

Nag cross arms ito, “ang damot mo! Baka jumanji ka na naman!”

“Jumanji?” kunot-noo kong tanong, “imbentong salita mo na naman?”

“Jumanji as in, lumalandi, jumajandi!” Inunahan ako nitong maglakad, “ayaw pa mag share! Hindi mo ba alam na sharing is caring?!” Anito, nagtatampo.

“Wala nga, may naging ka close ako sa klase, Zachariah name n'ya,
mahilig sa anime at gwapo.”

Tinaasan ako nito ng kilay, “anime na naman?! Puro anime! Nagpapa-hotspot ka lang lagi para manood ng cartoons!” Sinamaan ko siya ng tingin. Kapag kasi magkasama kami madalas itong may unli data kaya nakiki-hotspot ako. Kapag alam na niyang manonood ako ng anime e biglang papatayin ang hotspot tapos patay malisya! Ayon sakaniya manood nalang daw kami ng make up tutorial! “Ah! Gwapo? Aba naman chakabella! Aral muna bago landi!” Sermon nito.

“Hindi ako lumalandi! Ayusin mo salita mo Xerxes d'yan tayo nag-away noon!” Inis kong sigaw. Hindi naman porket close na kami'y pagsasalitaan na  ako ng ganiyan, isipin din dapat kung nakakasakit ba ang mga sasabihin at jokes mo. Tao lang din 'yang kaibigan mo.

“Edi sorry! Pinapaalala ko lang kasi sayo!” Nagtataray pa rin n'yang sambit. “Pero gwapo ba?”

“Kita mo! Sabi mo aral first landi later! Tapos nagtatanong ka ngayon! Naku, Xerxes ah. Nilulunok mo mga paalala mo sa akin daig mo pa si papa ganda!”

“Bakit, masama ba magtanong? Masama? Tao lang ako, nagtatanong din! Aba mahiya ka Galatea Harmonia De Pako, study first! Pero first day palang may nahanap ka ng gwapo! Aray sa feelings ko ah!”

﹌﹌﹌﹌﹌
#Feelings

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now