Chapter 4

1.4K 122 50
                                    

TBIILWYM 4 | Roleplay

Lumipas ang ilang linggo masasabi kong bumait ng kuonti sa akin si Xerxes kung dati'y sobra kung supalpalan ako nito ngayon bumaba ng 5% ang dating 100% niyang kasamaan.

Mukhang nagbabagong buhay ang bakla.

Hindi na rin kagaya ng dati kung manamit ito plain na lang ang proma n'ya. Walang liptint at chicktint sa mukha nabawasan ang pink addiction inshort parang normal na estudyante nalang ito as in wala ng sobrang kapal na kolorete at pinagmix na student uniform plus fashion show. Lahat nga kami nabigla noong isang araw na late ito ang mas ikinabigla namin ay ang bonggang transformation n'ya.

Pero kahit na ganoon ang salitaan at kilos niya’y iisa pa rin.  Nagsusumigaw ng Diyosabelle ang lahi.  At ngayon ang araw ng paglilitis. Ang role play naming pinakahahandaan tungkol lang naman sa Noli Me Tangere ang role play gagawin kung saan ako ang gaganap na Maria, si Denver bilang Ibarra at Xerxes--well, ano..

Napabuntong hininga ako, naalala kung paano s'ya nang-away sa practice namin.

"Si Teya nalang kay Maria," seryosong sambit ng leader naming si Ginnel. Siya  ang narrator. Halos lahat ay sumang-ayon na kaya wala akong nagawa kundi umayon na rin as if makakakontra pa ako sa lagay na 'yan.

Umabot ng ilang minuto ang pagbibigay n'ya ng mga karakter sa gagampanan hanggang sa dalawa nalang ang natitira si Denver at Xerxes.

"Ibarra nalang ang kulang, hala? Paano n'yan." Problemadong tanong ni Chielsea, isa sa mga kaklase namin. Oo nga naman, dalawa pa sila at iisa nalang ang role na natitira.

Sino ang dapat piliin? Denver ba o Xerxes?

Tumikhim si Ginnel siguro'y nakapag-isip na. "Si Denver nalang siguro kay Ibarra." Nakita ko kung paanong nagdabog si Xerxes, masungit na humarap sakin--este sa amin.

Nagpameywang ito. "Chararat ka talaga! Duh, asset ako rito sa team na 'to! Ako dapat ang Ibarra! Kaya ko namang mag-acting ah! At 'wag n'yo ngang pinapartner si Chakabella at crush! My heart went oops! Ako dapat at si crush! Pero kung ‘di pwede,” sinapo ko ang noo. “Walang makikinabang kay crush! 'Wag ang bruhang 'to!" Monologue n'ya habang dinuro-duro ako.

Malala na as if namang aagawin ko ang crush n'yang si Denver. Well crushable naman kasi pero 'di ko ugaling mang-agaw. Never!

Napakamot sa ulo ang leader namin,
“paano yan? Hindi pwede Xaxa kasi si Ibarra matikas kung kumilos si Denver ang hinihingi ng description ni Ibarra eh."

"At sinong animal na gumawa ng description na 'yan? Sabihin mo sa akin at nang masampal ko!" Ani Xerxes. Baliw.

"Ako nalang sa Ibarra, kaya ko naman." Natigil ang pang-gigiyera sa amin ni Xerxes ng magsalita na si Denver siguro'y narindi na. Napapadyak sa semento si Xerxes at animo'y mananampal ng wala sa oras.

"Che! Paasa ka crush!" Simangot nito, kaya lihim akong natawa.

"A-ano.." Kinalabit ni Jay si Gennel, "leader may isa pang role na nakalimutan mo." Anito kaya napatigil ulit ang lahat. Anong role? Nagtatakang tumingin lahat sakanya, "yung role ni Sisa, wala pang gaganap."

Kung may isang role ang natitira at may isa pang taong wala pang gaganapan ibig sabihin si Xerxes ang gaganap na Sisa.

Putek, gabayan niyo po kami! Nakikita ko na ang future kalokohan ni Xerxes, 'wag nalang sanang madamay ang grades namin!

At hindi na natanggal ang ngisi ni Xerxes.

Ayon ang nangyari nakasuot ako ng saya animo'y si Maria Clara talaga dahil hindi ko na nagawang awatin si papa ganda kanina. Talagang cinareer n'ya ang pag-aayos sa akin.

Lahat ay kumpleto na si Xerxes nalang ang kulang. Ano nanamang kagagahan ang gagawin nito mamaya?

"Group 1! Kayo na!" Halos manlamig na ako kinakabahan pati kasi ibang section ay manonood. Isa pa wala pa si Xerxes.

"Nasaan na si Xaxa?! Kainis naman!" Nag-aalburotong sabi ni Ginnel, nasaan nga ba 'yon?

"Group 1! Start na! Sayang ang oras!" Sigaw ni ma'am kaya napaayos kami. Hindi alam kung paano sisimulan ang play kung kulang kami.

Tarantadang Xerxes 'yon, kutos mamaya sa akin.

Tumikhim si Ginnel ngumiti kahit alam kong nag-aalburoto na. "Magandang umaga, kami po ang unang pangkat na magdudula. Ako po si Ginnel De Castro bilang narrator------"

"Maria, Maria,
Maria, Mariaa"

"Wazzup, mga kutongs ng ground!" Halos lumuwa ang mata ko sakaniya kung si Sisa ay ina nina Basilio at Crispin na nabaliw dahil nga sa pagkawala at pagdakip ng mga anakito literal na baliw na talaga. Dinaig n'ya ang sayang suot ko.

Nakasaya rin s'ya at naka wig, mas maganda ito sa akin ngayon kung hindi nga lang halata ang panga n'ya. Dinaig ng suot n'ya ang suot ko animo'y sasali sa grand ball naging gown na ang saya n'ya hindi mukhang baliw na marungis kagaya ng napag-usapan!

"Maria, Maria
Maria, Maria"

Dumoble ang pagkakunot ng mga noo namin patuloy pa rin sa pagtugtog ang speaker na dala ni Xerxes at sa hinala ko'y korean ang pinapatugtog nito. Wala akong ibang maintindihan na lyrics kundi Maria, Maria.

Siguro lasing 'to.

Nangangalaiti si ma'am. "What is this?! Is this even  part of your roleplay?! Xerxes Guevara! Mga kalokohan n'yo! Ayusin n'yo ang play at kung hindi ibabagsak ko kayo! It's a play for double purpose! Filipino at Mapeh ito tandaan n'yo! Anim na subject ang maiibagsak n'yo sa kalokohang ito!" Galit na sermon ni Ma'am sa amin akala n'ya ba na kasali kami sa kalokohan ni Xerxes?! Miski kami'y walang ideya! Unfair! "O’sya! Ituloy na ang play!"

━─━────༺༻────━─━

Napahinga ako ng maluwag natapos din sa wakas. Nakaraos din kahit na napagalitan sa mga kalokohan ni Xerxes maayos ang naging outcome ng play namin. Though, inborn na ang kabalbalan n'ya. Simula ng lumipat kami dito sa Sitio Hiyaw pa naging iba na ang ikot ng mundo ko, bakit? Walang araw, oras ang hindi ako iniis at inaaway ni Xerxes mapaeskuwelahan at bahay. Lagi siyang nandoon sa amin dahil na rin mag momshee sila ni papa ganda.

Halos sakaniya nauubos ang bawat atensyon ko araw-araw imbes na dumami ang kaibigan ko’y nauubos ang araw  sa pagsasagutan namin. At isa pa mas lalo n'ya akong iniinis dahil na rin kay Denver, na crush nito.

"Hoy, chakabella." Napalingon ako sa tumawag, kurimaw. Seryoso siya iba na ang damit puting t-shirt, khaki short at tsinelas may sakbit-sakbit din itong malaking bag siguro lalagyan ng mga props n'ya. "May tanong ako." Seryoso talaga ang tono ng pananalita nito hindi na pinilit na ipit, buo at malalim. Mapagkakamalan mo talagang…

Naku, ewan.

Ipiniling ko ang ulo tinatanggal ang kung ano mang iniisip na may kaugnayan sakaniya, "oh?" Ani ko.

Kumamot ito ng ulo, may kuto? "A-ahm, " nauutal pagkuwwanay bumuntong hininga. "Huwag ka..." Hindi gaanong malakas ang pagkakasabi  at putol-putol pa, ano raw?

"Ah? Ulitin mo! " Sabi ko.

Bumuntong hininga ulit ito at tinitigan ako. "Huwag kang.... Huwag kang magkakagusto sa iba... Bawal ka pa. " Anito at inisnaban ako habang iniwang nakatanga.

Hindi na kita maintindihan Xerxes...

Pangalawang beses na. Siguro pinagti-tripan o pinagbibintangan na naman ako dahil kay Denver. Walang araw ang hindi ako naguguluhan sa mga salita at kilos ni Xerxes. Sinasadya niya bang guluhin ang utak ko?

﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Roleplay

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now