Chapter 1

2.1K 133 25
                                    

TBIILWYM 1| Xaxa the wonder beki


Ilang araw na rin simula nang lumipat kami rito sa Sitio Hiyaw Pa maganda naman ang pakikitungo ng mga tao pero hindi pa rin mawawala ang mga chismosa na walang magawa sa buhay.

Ichinismis lang naman nila na pasimuno ng porno si papa at biktima kuno ako nito. Sinong matinong tao ang magchichismis nun? May mga pulis at reporter pa ang nagraid sa bahay namin habang kami ni papa ay kumakain ng hapunan. Galit na galit si Papa dahilan para masampal niya ang tarantadong nagchismis ‘non. Napapahiya namang umalis at humingi ng dispensa ang mga reporter, pulis at pati na ang kapitan sa sitio.

Instant celebrity tuloy kami.

Umingos si papa sabay kabit ng mga gamit sa eskuwelahan sa basket na bitbit, “sa susunod na linggo pasukan na tulad ng dati aral lang ng mabuti baby girl. No pressure! Basta sunugin mo ang kilay at ilagabgab mo na para happy. ” Anito. Tumango ako at abalang pinapanood siyang magbayad sa counter. “May business din akong ilalarga aking anak! Make up, liptints and gown renting medyo malaki naman ang sahod sa salon pero iba rin kapag nakaipon tayo ng pang-college mo para no worries na us.” Marahan akong napangiti hindi man kami magkadugo ramdam ko naman ang pagmamahal niya sa akin.

Hindi kulang dahil nag-uumapaw iyon.

Pagkatapos naming mamili dumiretso na sa bahay at inayos lahat ng pinamili. May mga order din si papa  ng mga make up kaya ako na ang nautusang maghatid sa mga ito.

Magana akong naghatid ng mga pinasuyo medyo ‘di naman nainitan sa labas dahil napakaraming mga puno at halamang ornamental. “Delivery po!” Katok ko sa pinto nina aling Carmen, “tao po! Hello?” Nagtagal pa ng ilang oras ang pagtawag at pagkatok ko bago ako pagbuksan ng isang gwapong lalaki.

Ngumiti ito dahilan para magsingkit ang mga mata, “ay! Salamat.” Aniya habang natatarantang kinuha ang mga kahong inorder ata ng nanay nito kung ‘di ako nagkakamaling anak nga ito ni aling Carmen. “Wala pa si mama kaya baka ihatid ko na lang ang bayad sa inyo.. Pwede ba 'yon?” Kamot batok na tanong n'ya.

Ngumiti ako't tumango aalis nasa ng bigla ulit ako nitong tinawag, "oh?"

Kanda lunok muna siya bago magsalita. “A-Ahm, Vincent nga pala.. A-anong pangalan mo? Bago ka lang ba rito sa lugar namin?”

Tango ang aking isinagot pagkuwana'y napangiwi sa pangalan ko. "Galatea pero tawagin mo nalang akong Tea as in Teya, at oo bago lang ako. Kakalipat lang namin noong nakaraang linggo.”  Inilahad nito ang kamay niya't walang pag-aatubiling kinuha ko ito.

Nagdaop ang aming mga palad. “Nice to meet you.”

"Sige Vincent mauuna na ako. Yung bayad ah?”

"Ingat! Ihahatid ko mamaya. Promise!"

Pawisan akong umuwi sa amin naroon pa rin ang mga bagong items na ibinebenta ni papa ganda sa mga kapitbahay.  "Nandito na ako,” naabutan ko siyang nag-aayos sa sala.

Napangiwi ito ng makita ang itsura ko, nandidiri ang ekspresyon. "Nakung bata ka! Maligo ka nga't amoy hindi ka naghugas ng perlas ng ilang bwan! Kadiri!” Inamoy-amoy ko ang sarili masyado namang OA ang pagkaka-describe. Hindi naman! Amoy araw lang ako.

Napasimangot na tumuloy ako sa lamesita kung saan may samalamig at uminom. Pero ilang segundo lang ang katahimikan ng biglang may mambulabog sa aming payapang tahanan.

“Hooooeemmmgeee!” Umalingawngaw ang matinis niyang boses. “Mother Earth wer na watashi aking inorder to you?” Halos mabuga ko ang juice na iniinom ng bigla itong pumasok ng tuloy-tuloy ang baklitang minumurder ako sa tinginan nitong mga nakaraang linggo. Napakatinis ng boses, nakakarindi. Walang paalam siyang naupo habang naka-krus ang mga hita. “Mother! Watashi waitsung! So eksayted! I can't hide the feeling!” Hindi ko siya pinansin ano bang mapapala ko kung kakausapin ko ito? Hindi kami close. Agad namang pumunta sa kwarto si papa ganda para hanapin ang order nito dahilan para maiwan kaming dalawa sa salas.

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon