Kabanata 3

3.3K 89 0
                                    

Tiim ang mga bagang na lumabas ako ng study room. Hindi ako makapaniwalang iyon ang nakasaad sa huling habilin ni Mommy at ni Tito Arnold. Gustuhin ko mang magreklamo dahil alam kong wala naman talaga akong karapatan sa yaman nito'y hindi ko magawa. Masyado pang bata si Mayumi para mamahala ng mga iniwan ni Tito Arnold. Isa pa'y nakasalalay din dito ang mana ko! Kung bakit ba naman kasi naisip ni Mommy ang kondisyon na iyon!






"Ouch!"







Mabilis akong napalingon sa pinagmulan ng impit na sigaw na iyon. Kumunot ang aking noo nang makita ang pamangkin ni Tito Arnold. Nakaupo ito sa sahig habang hawak-hawak ang paa.







"What happened?" Tanong ko.







"I think, I sprained my ankle." Naiiyak nitong sabi kaya kaagad ko itong dinaluhan.






Akma ko itong bubuhatin nang mabilis itong tumanggi. Bahagya ako nitong itinulak na lalong ikinakunot ng noo ko. What's her name again? Emily?







"It's fine, Emily. Kailangang matingnan iyang paa mo. Baka may naipit na ugat." Kaswal kong sabi.







"You know me?" Gulat nitong tanong.








I don't know kung talagang hindi nito alam na kilala ko ito o nagpapanggap lamang ito. Isang paraan para makuha ang aking atensiyon. Hindi na ako bago sa mga ganitong pangyayari. May iba pa ngang hayagang nagpapakita ng interes nila sa akin.








"Wala pang tatlong oras nang ipakilala tayo sa isa't isa ni Atty. Dela Vega. Hindi ka naman siguro ulyanin." Saad ko bago ko ito muling sinubukan na buhatin. This time, hindi na ito pumalag. Hinayaan na lamang ako ni Emily na dalhin ito sa couch na nasa living room. "I'll go get something to—."







"No it's fine, kaunting hilot lang naman siguro ay ayos na ako."








Pasimple akong napaismid. She obviously wanted to seduce me. "Alright..."








Marahan akong lumuhod at hinawakan ang paa nito upang hilutin. Ayaw nitong ipakuha ang medicine kit, kaya dapat tiisin nito ang kapalit ng pagiging maarte nito. Ilang sandali lamang ay isang ungol ang pinakawalan ni Emily. Ungol na siyang ikinataas ng mga balahibo ko. She sounded like we're having sex and that she's almost at the pedestal. Fucked!






"Señorito, may tawag ho kayo sa telepono. Ako na ho ang bahala kay Ma'am Emily." Singit ng isa sa isang katerbang kawaksi ni Tito Arnold.







Bigla akong nakahinga ng maluwag nang dumating ito. Kaagad akong tumayo na siyang ikinasimangot ni Emily. Hindi na ako nagpaalam. Kaagad na akong umalis at tinungo ang kinaroroonan ang awditibo.







"Ma'am Emily, ako—."






"Ano ba? Panira kang matanda ka! Tabi nga riyan!" Naulinigan kong sabi ni Emily bago tumayo. Napailing na lamang ako. Diyata't nagpapanggap lamang itong na-sprain ang paa.







Tawag mula sa opisina ang natanggap ko. Pinaalalahanan lamang ako ng aking sekretarya patungkol sa mga bigas na ibibiyahe patungong Thailand. Saglit lamang kaming nagkausap nito. Pagkatapos ay kaagad ring nagpaalam dahil may mga aasikasuhin pa.






Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sinalubong ako ng mabangong amoy ng nilulutong agahan sa kusina. I let out a smile before entering the dining hall. Naroon na si Emily. And oh holy God! She's wearing a lingerie! Hindi man lang nahiya sa mga taong kasama.







 You're Still Mine [Complete]Where stories live. Discover now