Kabanata 25

2.2K 86 20
                                    

"Oh thank God, you're finally home! After three damned years, you finally decided to come back." Sarkastikong pahayag ni Emily bago ako niyakap ng mahigpit.





Napapangiwing gumanti na lamang ako ng yakap. Pagkatapos ay si Elayka at Manang Isabel naman ang nilapitan ko.






"Emily, hindi madali ang trabaho ko sa Australia. Alam mong nagpalit ako ng mga empleyado. Dahil doon ay inabot ng tatlong taon bago ako nakauwi. Actually, hanggang ngayon ay kailangan pa rin nila ang guidance ko. But since araw-araw ni'yo akong ginugulo ni Tito, heto, umuwi na ako." Mahaba kong paliwanag.







Totoo ang mga sinabi ko. Ang plano ko lang naman ay anim na buwan. Ang buong akala ko kasi'y kakaunti lamang ang kasabwat ni Mr. Smith at ng ex-boyfriend kong si Dustin. Hindi ko inasahang halos lahat ay may ginagawang masama. That's why I decided to fire all of them. Ilang buwan na kaming dalawa lamang ni Mr. Lim ang nagtatrabaho. Hanggang sa may mga ilan na ring nag-apply. And of course with the help of Vier, napadali ang pagtrain sa mga bagong empleyado.







Karamihan sa mga kinuha ko'y mga fresh graduate. Ang iba nama'y mga nawalan ng trabaho dahil nagsara ang kompanyang dating pinagtatrabahuhan. May ilan ding galing dito sa Pilipinas.








Naging abala ako sa nakalipas na mga taon. Dahil doon ay panandalian kong nakalimutan ang mga problemang kinakaharap dito sa Pilipinas. Malaki ang naitulong sa akin ng mga nangyari sa Australia. Kaya kahit papaano'y nagpapasalamat na rin akong nangyari ang problema sa pagitan namin ng mga Smith.








"Ibig sabihi'y babalik ka pa sa Australia?"








Mula sa pagsimsim ng tsaa ay nabaling ang tingin ko kay Emily. Bahagya akong ngumiti. "Yes. Kailangan na naroon ako every once a month."








"Hindi na rin masama. At least isang beses lang sa isang buwan."









Ilang sandali pa'y nadako na sa ibang paksa ang aming pinag-uusapan. Ilang oras na nagkukuwentuhan lamang kami ni Emily sa dining room nang makarinig kami ng ugong ng sasakyan.









"That must be Vier."








Kaagad akong tumayo. Mabilis ang takbong sinalubong ko ng yakap ang kapapasok lamang na si Vier.








"Hey," natatawang sabi nito bago ako ginawaran ng halik sa ulo. "Kailan ka dumating?"








"I missed you, you know!"









"I missed you too. So, kailan ka nga dumating?"









"Kanina lang. Marami akong pasalubong. Let's have some drinks first." Nakangiti kong sabi bago sila hinila ni Emily pabalik sa dining room. This time, isang bote ng wine ang inilabas ni Emily.









Ilang sandali lamang ay muli kaming naging abala sa pagkukuwentuhan. Natapos kami'y halos dinner time na. Kaya bago tuluyang magpahinga ay saglit kaming kumain.









Nagpresenta si Vier na ihatid ako sa kuwarto. May ilang bagay pa raw kasi siyang sasabihin sa akin. Tungkol daw sa Paradise.









"You mean, you want me to make it an exclusive resort?" Tanong ko habang pinupunasan ng towel ang aking mukha. Katatapos ko lamang maghilamos nang sabihin ni Vier ang project proposal ng isa sa mga shareholders namin.









 You're Still Mine [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon