Kabanata 22

2.1K 77 12
                                    

Isang ngiti ang pinakawalan ko nang marinig ang hagikhik ni Elayka. Nagkukuwento ito ng tungkol sa mga bagong anak ng kabayo.







Two days na ang nakakalipas nang magkaharap kami ni Akihiro. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita kahit ang hibla ng buhok niya rito sa hacienda. Mukhang ibang farm ang tinutukoy ng babaeng kasama niya.








Napapabuntong-hiningang inayos ko ang pagkakalatag ng sapin sa damuhan. Nagpasya akong dalhin sa tuktok ng burol si Elayka. Dito kami magtatanghalian kasama si Manang Isabel at Vier. Wala si Emily, may lakad ito sa Manila. Mukhang may book signing event na dadaluhan.









"Malungkot ka, Mama Yumi." Puna ni Elayka sa pananahimik ko.









"No, I'm not. Marami lang akong iniisip." Sagot ko habang ginugulo ang buhok ni Elayka.









"Anong iniisip mo, Mama?"









Bigla akong natilihan. Wala akong maisagot. Hindi ko naman pwedeng sabihin na iniisip ko si Akihiro. Baka lalo silang mag-alala. Hindi naman kasi sekreto ang naging pangungulila ko kay Akihiro. Halos lahat ng tauhan dito sa hacienda ay alam ang sakit na naramdaman ko sa mga nakalipas na taon.








"Ano ka ba Elayka, ang dami mong tanong. Iniisip lang ni Ma'am Mayumi kung dadalo ba siya sa party o hindi." Maagap na sabi ni Manang Isabel.








Biglang nangunot ang aking noo. Oo nga pala, may dumating na invitation para sa gaganaping party sa kabilang farm. Kahapon pa dumating ang invitation. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapagdecide kung pupunta ba ako o hindi.









"Tama si Manang Isabel, Elayka." Pagsang-ayon ko bago sinimulang kainin ang sandwich na nakuha ko sa basket.








Tahimik na kumain kami ng tanghalian sa ilalim ng mayabong na puno na nasa burol. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko habang nakatanaw sa malawak na palayang nasa ibaba. Muli akong napahinga ng malalim. Will I be able to watch this kind of scenery with Akihiro, again?








"Hey, aren't you going to buy a new gown for the party?" Tanong sa akin ni Emily kinagabihan. Kararating lang nito galing Manila. Marami itong bitbit na paperbag. Para daw kay Elayka, Vier at Manang Isabel. May pasalubong din itong donuts at pizza.










"Why would I—."









"For goodness sake, Mayumi! Ilang taon na tayong nakaburo dito sa hacienda. Ni minsan hindi ka man lang nag-abalang magpaparty. Tapos ngayong may invitation galing sa katabing hacienda, nag-iinarte ka pa?"








Napapairap na ipinagpatuloy ko na lamang ang pagbukas sa box ng pizza. Wala namang magagawa si Emily kapag sinabi kong hindi ako pupunta. Wala talaga akong lakas para sa party. Isa pa, nagluluksa pa rin ang puso ko. Hindi magandang pumunta ako sa party para lang ipakitang wala akong gana.








"Galit ka pa rin ba kay Mr. Lopez dahil niya sa iyo ibinenta ang farm niya?"









"What? No! Wala akong pakialam kung kanino man niya ibinenta ang lupain niya." Salubong ang kilay na sabi ko sabay subo sa isang slice ng pizza. "Tanga lang talaga siya dahil tinanggihan niya ang triple na perang makukuha niya sa akin. That old man! Nasira tuloy ang plano kong magtayo ng oil business!"









 You're Still Mine [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon