Kabanata 19

2.3K 83 9
                                    

"Mayumi!" Sigaw na unti-unting nagpamulat sa akin. Marahan kong inilagay ang aking kamay sa mga mata upang maibsan kahit papaano ang panlalabo niyon.





"No! Wala akong ginawang masama! Let me go!" Malakas na sigaw na alam kong nagmula kay Akihiro. "Mayumi, wake up!"






Naramdaman ko ang pagbalot ng makapal na kumot sa aking katawan. Kasunod niyon ang pagbuhat sa akin ng kung sino. Muli kong kinusot ang aking mga mata. Ilang minuto lamang ay luminaw na ang paningin ko. Tumambad sa akin ang napakaraming pulis. Nang ilibot ko ang tingin ay nakita ko si Akihiro na nagpupumiglas sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniya.






Bumaba ako sa pagkakabuhat sa akin ng lalaki. Hinayaan kong mahulog ang makapal na kumot sa sahig. Wala na akong pakialam kung lumantad man ang damit panloob ko. Fuck! Hindi ko alam kung paanong nawala ang mga damit ko. But I'm sure, it was because of Vince.







"Aki—."







"No, don't let her go near him." Sabi ng boses na nagpanginig ng buong pagkatao ko. "He almost killed me. You see, he was about to shoot me when you guys enter this room. I only helped Mayumi. She was about to get raped. At kung hindi ako dumating—."








"Fuck you, you fucking liar! You're the one who attempted to kill us! Mayumi can testi—." Hindi na naituloy ni Akihiro ang pagsasalita nang walang pasabing sinipa ito ni Kuya Vince.







Gusto kong lumapit kay Akihiro. Gusto kong sabihin na wala nga siyang kasalanan. At totoong si Kuya Vince ang may planong gawan ako ng masama. Pero natatakot akong bigla na lamang akong bumulagta sa sahig. Ramdam na ramdam ko ang pagdiin ng patalim sa aking likuran. Hindi ko kilala ang lalaking may hawak sa akin. Pero isa lang ang sigurado ako, kasabwat ni Kuya Vince ang lalaking nasa likod ko.







"Mayumi..." Halos walang boses na sabi ni Akihiro. Unti-unting nanubig ang aking mga mata. Gusto ko siyang lapitan at yakapin.








"Subukan mong sabihin ang totoo, sasabog ang bungo ni Akihiro." Bulong sa akin ng lalaki. Bahagya ko itong nilingon. Napansin kong nakasuot ito ng uniporme ng mga pulis. Maaari kong sikuhin ang lalaki at makipag-agawan sa patalim na hawak nito. Pero nang lingunin ko ang dalawang lalaking may hawak kay Akihiro ay lalong sinakop ng takot ang aking dibdib. Parehong nakangisi ang dalawa. Tila ano mang oras ay may gagawin silang masama kay Akihiro kapag sinubukan ko siyang ipagtanggol. Nanginig ang aking mga kamay. Biglang sumagi sa isip ko na baka hindi lamang ang tatlong lalaki ang kasabwat ni Kuya Vince.








Bigla akong napangiwi. Dumiin pang lalo ang patalim sa aking likuran. Hindi ko na napigilan ang mapayuko. I need to think a plan para makawala sa sitwasyon na ito. Kailangan kong mauto ang lalaking may hawak sa akin. I know I should help Akihiro. But my stupid brain—it seems like it stop functioning! Dammit! I couldn't think clearly!








"Chief! Maayos na po ang bangka. Pwede na tayong umalis." Pagbibigay alam ng isang pulis na nanggaling sa labas.









Mabilis na tiningnan ko si Akihiro. Tila sinakop ng lamig ang dibdib ko nang makita ang walang emosiyon niyang mukha. It was dark. Seconds later, I noticed that there's a hint of anger in his eyes. Parang bumagal ang takbo ng mundo nang sapilitang hatakin ng dalawang pulis si Akihiro para ilabas sa kuwartong kinaroroonan namin. And when he walked pass me, there's no more anger but pain in his eyes.







"I'm sorry," the only words that I can say.








Kung hindi lamang ako naiipit sa sitwasyon hindi ko hahayaang pagbintangan nila si Akihiro. Wala siyang kasalanan!






 You're Still Mine [Complete]Where stories live. Discover now