Kabanata 15

2.5K 93 4
                                    

Pinagsamang halinghing ng kabayo at sigaw ni Shane ang nagpangiwi sa akin. Kanina ko pang pinapanood ang pagpapaturo ni Shane na mangabayo kay Tatang Ben. Ilang beses na itong nahulog, pero ayaw pa ring magpaawat. May plano yatang sumali sa karera ang damuho.







"Salubong na naman iyang mga kilay mo." Napalingon ako kay Emily nang maupo siya sa aking tabi. Bahagya akong umisig para mabigyan siya ng sapat na espasyo.








"Marami lang akong iniisip." Sagot ko. Hindi ko alam kung tama bang makipagkuwentuhan ako kay Emily. Isa ito sa mga pinaghihinalaan ni Atty. Dela Vega. Ganoon din naman ako. Pero hindi ko pa rin matanggap na ang pinsan ko ang may kagagawan ng pagkamatay ni Dad.








"I like your hair. Bagay sa'yo ang kulay itim. Lalo kang gumanda." Nakangiti nitong sabi habang pinapanood pa rin si Shane na paulit-ulit na nahuhulog mula sa kabayo.







"Salamat."








"Pansin ko, malapit na ang loob mo kay Akihiro."








Pasimple kong nahigit ang aking paghinga. Hindi ko inaasahang sasabihin nito iyon. "Wala naman sigurong masama kung magiging malapit kami. Ikaw rin naman ang nagsabi na mabuti siyang tao, Emily."








Isang mabining ngiti ang pinakawalan nito. "Tama ka. Pero nag-aalala ako sa'yo, Mayumi."








Kumunot ang aking noo. Marahan ang ginawa kong paglingon kay Emily. Nakasunod pa rin ang mga mata nito kay Shane. Hindi ko ito maintindihan. Pinaghihinalaan ko ito sa mga nangyayari, pero heto't mukhang mali ang sapantaha ko. Ano ba ang totoo? Sino ba ang dapat kong iwasan?









"Bakit?" Tangi kong naitanong.










"Nag-aalala akong baka dumating ang araw na masaktan ka lang. Isa pa, hindi ba't hindi pa nahahanap ang totoong salarin sa pagkamatay ni Tito? Alam kong tinutulungan ka ni Akihiro. Wala akong karapatang pigilan ka, pero ang katotohanang baka malagay ang buhay ninyong dalawa sa panganib ay hindi ko yata makakaya, Mayumi."








Ngayon ko lang narinig na magsalita ng ganoon si Emily. Kadalasan ay purong masasakit na salita ang lumalabas sa bibig nito. Mga salitang alam kong may kaakibat na pag-aalala.








Hindi ko na nagawa pang magtanong. Naguguluhan na ako sa kung sino ba talaga ang kalaban o hindi.









Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan bago muling sinulyapan si Shane. Nakababa na ito sa kabayo. Pagod na pagod habang papalapit sa aming dalawa ni Emily.








"Sabi sa akin ni Tatang Ben magaling ka raw pagdating sa pangangabayo. Let's have a race, Mayumi." Sabi nito pagkalapit pa lang sa amin.









I rolled my eyes. "Lumayo-layo ka sa akin."









"Just one race. Kapag natalo mo ako, aalis na ako rito at hindi na kita aawayin. Pero kapag natalo kita, may sorpresa ako para sayo."








"Kinakabahan ako riyan sa sorpresa mo. Baka pinaglololoko mo na naman ako, Shanot!" Salubong ang kilay na sabi ko bago muling umirap.








"Shanot? Mukha ba akong panot? Bakit Shanot?" Tanong nitong nakapameywang.








Hindi ko napigilan ang mapangisi. Tumayo ako at lumapit kay Shane. Hinawakan ko ito sa damit para hilahin pababa-matangkad kasi ang loko. Pagkatapos niyon ay idiniin ko ang hintuturo sa maliit na panot sa gilid ng ulo nito. Gawa yata iyon noong magsabunutan kami noong nakaraang linggo.







 You're Still Mine [Complete]Where stories live. Discover now