Kabanata 8

2.8K 84 6
                                    

Dinanghalit ako ng ubo pagkatapos kong inumin ang mainit-init pang gatas. Kaagad kong inabot ang tissue sa gilid at mabilis ipinunas sa sipong papatulo. Damn!



"Bakit naman kasi hindi ka tumawag para magpasundo?" Tanong ni Manang Susan habang nagluluto ng chicken soup.



"I tried po, pero wala namang sumasagot. Hanggang sa abutan na ako ng ulan. Isa pa'y may huma—."



"Nanay Susan, maaari din ba akong makahigop ng mainit na sabaw?" Pagsabat ni Akihiro na kapapasok lamang sa komedor. Nakapagpalit na siya ng damit dahil sa pagkakabasa niyon nang salubungin nila ang malakas na ulan.



"Aba'y oo naman. Maupo ka rito at malapit nang matapos ang niluluto ko." Sagot ni Manang Susan bago ngumiti.




Pagkaupo ni Akihiro ay kaagad na iniwas ko ang tingin. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking isipan ang ginawa niyang paghalik sa akin kanina lamang, dalawang oras ang nakakalipas. I had the chance to glanced at his muscular body. And I unconsciously touched his shoulders and arms. Tama nga ako. They're hard and strong. Damn it!




"Ang bilis mong magkasakit." Puna niya sa bahagya kong pag-ubo at singhot.




"Matagal ako sa ulanan. Dala na rin siguro ng takot at nerbiyos kaya ako nilalagnat." Walang gana kong sabi sabay higop sa gatas.




Maya-maya lamang ay inihain na ni Manang Susan ang chicken soup. Pagkatapos nitong mailagay iyon sa harap namin ni Akihiro ay kaagad na itong nagpaalam. Magpapahinga na ito dahil malalim na ang gabi. Iwan na lang daw namin ni Akihiro ang mga ginamit namin sa lababo at ito na raw ang maghuhugas niyon kinabukasan.




Tahimik akong humigop ng mainit na chicken soup. Ganoon din si Akihiro na panaka-nakang sumusulyap sa akin. Naiinis ako sa ginagawa niyang iyon pero hinayaan ko na lamang. Wala na akong lakas para makipagtalo pa sa kaniya. Saka ko na lang din uungkatin ang nangyari kanina. Posibleng kilala niya ang mga lalaking humabol sa akin.




Nang matapos ako sa paghigop ng sabaw ay kaagad na akong tumayo para dalhin sa lababo ang mangkok na ginamit ko. Akma ko pa lang na ihahakbang ang aking paa nang mabilis akong umupo pabalik sa aking upuan. Dahilan para umangat ang tingin sa akin ni Akihiro. "What's wrong," he asked.



Hindi ako sumagot. Yumuko lamang ako't mariing hinawakan ang aking ulo. Shit! I hate headache!




"Masakit ba ang ulo mo?" Oh God, please shut him up. Lalo lang yatang sumasakit ang ulo ko dahil sa boses niya. I heard him opening the cabinets. Maybe he's looking for some pain killers. "Here," sabi niya sabay abot sa akin ng gamot para sa sakit ng ulo.




Tahimik kong inabot iyon at mabilis na ininom. Pagkatapos ay muli akong napayuko. I'm so tired and sleepy. Ilang minuto akong nakayuko lamang sa table. Unti-unti nang inaagaw ng kadilim ang aking diwa. Kaya wala na akong nagawa kundi ang magpatianod.


-


Sinag ng araw na pumapasok sa siwang ng bintana ang nagpamulat sa akin. Pupungas-pungas na umunat ako ng katawan. Mapapangiti na sana ako dahil sa pakiramdam ko'y magiging maganda ang araw na ito. Pero natigilan ako nang maramdaman ang mga brasong nakapulupot sa aking baywang. My eyes widened. Someone's hugging me from behind! At panlalaki ang mga braso nito! Eksaherada akong napabalikwas. Awtomatikong umawang ang aking mga labi.




"Akihiro?!" Sigaw ko sabay hampas ng unan sa mukha niya. Kaagad namang nagising ang gago. Salubong ang kilay na tumingin siya sa akin.





 You're Still Mine [Complete]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang