Kabanata 33

2.2K 80 4
                                    

"Someone left these flowers for you, Princess." Malaki ang ngising sabi ni Emily pagkababa ko sa living room.

"At sino naman ang nag-iwan niyan?" Tanong kong napapairap.

Hawak sa magkabilang kamay ang isang makapal na libro'y naupo ako sa single couch na kaharap ni Emily.

"Akihiro." Sabi ni Emily na siyang ikinatigil ko sa pagbuklat ng librong hawak.

Bumukas-sara ang aking bibig. May gusto akong sabihin pero hindi ko nagawa. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagbabasa. Saka ko na lamang titingnan ang mga bulaklak na ibinigay ni Akihiro.

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang huli kaming nagkausap ni Akihiro. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano siya ulit pakikiharapan. Alam kong pinapahirapan ko na lang ang sarili ko sa mga nangyayari. Pero wala naman akong ibang magagawa kundi ang sundin kung ano ang sa tingin ko'y tama.

Pinilit kong ituon ang aking atensiyon sa librong binabasa. Gusto kong tapusin ang buong libro nang hindi naaabala. Subalit mukhang hindi sasang-ayon sa akin ang pagkakataon. Dahil wala pang talumpong minuto'y bumukas ang front door. Mula roon ay pumasok si Maki na may malaking ngiti sa mga labi.

"Tita-Mommy!" Malakas nitong sabi bago patakbong lumapit sa akin.

Napansin ko ang pagsunod ni Akihiro sa anak. May tipid na ngiti akong nababanaag sa mga labi niya. Tumango na lamang ako na siya rin namang sinagot niya ng tango.

"Bakit narito ka? Mukhang masaya ka yata, Maki." Nakangiti kong sabi bago ginawaran ng halik ang magkabilang pisngi ng bata.

"Well, I told daddy that I want to go out and swim."

Mula kay Maki ay nalipat ang tingin ko kay Akihiro. He just shrugged his shoulders. "Hindi ba't may swimming pool naman sa inyo? Bakit hindi ka na lang roon maglunoy?" Tanong ko kay Maki nang maibalik ko na rito ang aking tingin.

"Eh Tita-Mommy, I want to go to the beach. Mas maganda roon."

Hindi ko napigilan ang mapabuntong-hininga. Now I know why he's here. "You want to go there with me."


"Yes!" Napapatangong sabi ni Maki. "I want to go there with everyone!"

"Kasama naman ba ako riyan?" Singit na tanong ni Emily.

"Of course, Tita Emily."

Napapapalakpak na tumayo si Emily mula sa pagkakaupo. "I'll prepare my things."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "Emily, we're bu—."

"We're not busy, Mayumi." Nakangising sabi nito sabay kindat kay Maki. "I'll call Vier, and everyone. The more, the merrier."

"Fuck you." I mouthed. Hindi ko gustong magmura sa harap ni Maki, pero wala akonh magagawa kundi gawin iyon sa paraang hindi nito maiintindihan.

"You should also prepare your things, Tita-Mommy. I'll wait you here with dad." Malaki pa rin ang ngiting sabi ni Maki.

I should say no. I should distance myself from them. Pero sa nakikita kong excitement sa mukha ni Maki, mukhang hindi ako makakahindi. Well, pagbibigyan ko na lamang ang bata.

Isang oras lamang ang lumipas ay nasa daan na kami papunta sa beach na gustong pagliguan ni Maki. Malapit lang naman iyon kung tutuusin. Pero pakiramdam ko'y tila pagong kung umusad ang sasakyan ni Akihiro. Dahil sa nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa, pakiramdam ko'y sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba.

 You're Still Mine [Complete]Where stories live. Discover now