Kabanata 2

4.2K 120 6
                                    

Pagkatapos naming mag-almusal ay niyaya ako ni Tito Arnold na tingnan ang mga lumang litrato ni Mayumi. Kanina ko lamang napatunayang si Mayumi nga ang spoiled brat kong estudyante. Kanina ko lang rin kasi napansin ang napakalaki nitong picture sa malaking wall malapit sa sala. Tito Arnold told me it was taken last year after she graduated highschool. And, I think Cace was right. Mayumi's hot like hell.






Napapangising binuklat ko ang isang photo album. Lahat ng naroon ay purong mga litrato ni Mayumi. From the day she was born hanggang sa makapagtapos siya. Some were taken in Australia, Japan, US at kung saan-saan pang bansa.








Natigil ako sa akmang paglipat ng pahina nang maagaw ng isang litrato ang aking pansin. Mayumi was playing in the rain, wearing a white night gown. Nahahakab sa suot nito ang perpektong pagkakahubog ng katawan. Now I understand why almost all of her female classmates doesn't like her. She's way too hot than them. Marahil ay isa rin iyon sa dahilan kung bakit nabansagan itong Lazaro's Bratty Princess.







"She's pretty, right?" Nakangiting sabi ni Tito nang mapansin ang pagkatulala ko. Mabilis kong isinara ang photo album. Saglit akong tumikhim bago inilibot ang tingin.







"Bakit mo siya pinilit na pumunta sa ibang bansa, Tito?"








Panandaliang natigil si Tito Arnold sa ginagawa. Marahang lumingon sa akin bago ngumiti nang masuyo. "Ang akala ko kasi'y magagalit siya kapag sinabi ko sa kaniyang magpapakasal kami ni Elizabeth. But, it's the other way around. The idea of sending her back to Australia makes her so mad. Ayos lang naman daw kung magkakaroon siya ng step-mom. Nagalit lang siya dahil mas pinili ko raw na pabalikin siya sa Australia kaysa ipakilala nang maayos ang Mommy mo."







Saglit na umawang ang aking bibig. Ibig sabihin ay walang kaso kay Mayumi kung magpakasal man ang Daddy nito. Pumunta lang talaga sa ibang bansa dahil sa pagtatampo sa ama.








"Bakit hindi niyo siya suyuin, Tito? Maybe that's the only thing she wants."








"I already did, hijo. Tumawag ako sa kaniya kahapon bago magsimula ang kasal. She congratulated me. Ipapadala niya raw ang kaniyang regalo bukas." Bakas ang saya sa mga mata ni Tito Arnold. Mukhang ang anak lang talaga nito ang inaalala. Hindi ko rin naman masisisi si Mayumi. Baka maging ako'y magtampo kung gagawin ni Mommy ang ginawa ni Tito Arnold.








"Ibig bang sabihin ay babalik na siya rito?" Bigla akong napaiwas nang tingin. Bakit ko ba naitanong iyon? At bakit para akong tangang hindi mapakali sa isiping baka bumalik ng Pilipinas ang nag-iisang Prinsesa ni Arnold Lazaro?






Marahang umiling si Tito Arnold na ikinahinga ko nang maluwag. "Tatapusin na lang daw niya roon ang pag-aaral. Babalik na lang daw siya kapag kailangan ko siya sa kompaniya o kapag may problema sa negosyo ng Mommy niya."






Hindi ko napigilan ang mapatango. Pero ewan ko ba, nakakaramdam ako ng dismaya sa isiping hindi ko makikita ng personal si Mayumi bilang step-sister ko.








Damn! Step-sister? Iyon ba talaga ang dahilan ko? Then what the fucked is wrong with me? Sa isang simpleng litrato'y para akong sinisilaban. And I'm imagining nasty things! Like some scenes of me going back home from the office. And Mayumi's waiting for me in our own room, laying on our bed, naked.







Damn it!






"Anyway Hiro, sana ay hindi magbago ang isip mo. I changed my last will and testament, in case na may mangyari mang masama."







 You're Still Mine [Complete]Where stories live. Discover now