Kabanata 16

2.4K 84 5
                                    

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Akihiro nang sabihin ko sa kaniya ang mga narinig ko. Narito kami ngayon sa kuwarto niya. Naglilinis kasi si Manang Susan sa kuwarto ko kaya pinili naming dito na lamang mag-usap.




"I'm scared," mahina kong sabi bago mahigpit na niyakap ang unan ni Akihiro.





Alam kong matapang ako. Lumaki akong maldita sa lahat ng mga taong hindi ko gusto. Pero ngayong nangyayari sa akin ang mga bagay na ni sa hinagap ay hindi ko inaasahang mangyayari; natatakot ako ng sobra. Natatakot ako sa kung anong mangyayari oras na lumabas akong mag-isa. Natatakot akong baka sa pag-alis ni Akihiro ay lalong tumindi ang banta sa buhay ko. Natatakot din akong sa pag-alis niya ay hindi ko na siya ulit makita. Malinaw pa rin sa isipan ko ang mga plano ng dalawang taong iyon. Gusto nilang pati si Akihiro ay mawala sa kanilang landas.




Naramdaman ko ang paglundo ng kama. Nang tingnan ko si Akihiro ay nakita ko ang pag-upo niya sa aking tabi. Pareho na kami ngayong nakaharap sa bintana ng kaniyang kuwarto habang nananatiling tahimik. Seconds later, I felt his arm on my shoulder-tenderly caressing it.





"I'm still here, Mayumi. Bago nila ako magawan ng masama; nakalatag na sa harap mo ang ebidensiya para isuplong sila sa mga awtoridad."




Mabilis ang pag-iling na ginawa ko. Hinarap ko si Akihiro habang nanunubig ang aking mga mata. "Tapos ano? Ikaw naman ang mawawala? Para sa akin mas gugustuhin mong mapahamak?"





"Mayumi-."





"No! Ayaw ko nang may mawala sa akin, Akihiro! Pagod na akong mawalan ng mga taong minamahal! Kung pupuwedeng umalis tayo ay gagawin ko. Lumayo na lang tayo, Aki."





Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Akihiro. Marahan niyang pinunasan ang aking mga luha. Pagkatapos ay bahagya niyang pinisil ang aking pisngi. "Hindi ba't gusto mong pagbayarin ang pumatay sa mga magulang natin?"





"Sa tingin mo matutuwa sila na makuha ang hustisya kapalit ng buhay nating dalawa?" Balik-tanong ko na ikinangiti pang lalo ni Akihiro. For the first time, pinili kong maging makasarili.





"I thought you're strong, bold, and brave. Bakit ngayon-."





"Akala ko rin ay matapang ako. Pero sa ganitong pagkakataon, naduduwag ako, Aki."




Muli'y katahimikan ang namayani. Muli akong napahikbi. Hindi ko na alam kung anong iisipin. Hindi ko na alam ang dapat gawin.





"Is that what you want to do?" Seryoso niyang sabi bago humiga. "Gusto mong lumayo? Sigurado ka? Kakayanin mo ba? Hindi madali ang buhay sa labas ng karangyaan na kinalakhan mo, Mayumi."





Nilingon ko siya at matamang tinitigan. His expression's telling me that I should give him the right answer. Do I want that kind of life? Kakayanin ko nga ba?




"If I'm with you, yes. I would rather live a simple and happy life with you, Aki. Than spending it in this hell."




Right. Kakayanin ko kung kasama ko siya. Wala na akong pakialam kung mawawala man sa akin ang yaman na iniwan ni Dad. Basta masiguro ko lang na malayo kami ni Akihiro sa mga taong gustong pumatay sa amin.




Maya-maya lamang ay naramdaman ko ang paghila sa akin ni Akihiro. Hindi na ako nabigla nang ipaloob niya ako sa kaniyang mga bisig. Kahit papaano'y nakaramdam ako ng kaligtasan sa yakap niyang iyon. Hindi ko tuloy napigilan ang pagngiti nang masuyo. Tinugunan ko ang kaniyang yakap.




 You're Still Mine [Complete]Where stories live. Discover now