Kabanata 34

2.4K 73 13
                                    

Matamis na ngiti ang sumilay sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang pagtatampisaw ng mga bata sa mababaw na parte ng dagat. Kasama ng mga ito si Nanay Isabel at si Emily.

Wala si Akihiro. Nasa villa ito, nagpapahinga. Katatapos lamang kasi nitong makipaglaro kay Maki at Zandro. Nagyaya kasi ang dalawang bata na mahabulan sa dalampasigan. Nakakatawa lang dahil imbes na ang mga bata ang mapagod, si Akihiro ngayon ang bagsak sa kaniyang kuwarto.

"You're smiling," sabi ng boses mula sa aking likuran. Hindi na ako lumingon pa dahil kilala ko naman na ang boses na iyon. "I heard you gave him another chance."

I cleared my throat. Naramdaman ko ang pag-upo ni Vier sa aking tabi. I looked up to him. "I did. I gave him another chance. I'm giving our love another chance."

Nakakabinging katahimikan ang namayani pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon. Maging ang hagikhikan ng mga bata ay tila hindi ko na marinig. Naging tahimik din ang alon ng dagat. Ilang minuto ang lumipas na nakaupo lamang kami ni Vier sa buhangin. Tahimik at tila walang balak pang magsalita.

I can't tell what's in his mind. The expression on his face is quite hard to read. I can't tell if he's happy for me or disappointed dahil sa pagiging marupok ko. Well, I can't blame him. Totoo naman kasing nagiging mahina ako pagdating kay Akihiro. I've been pretending that I was okay when the truth was, I always wanted to feel Akihiro's arms around me. There were times in the past years that I thought of stealing him away from Martha. Pero hindi ko ginawa. Dahil may parte rin sa akin ang umaasa na kapag talagang kami ni Akihiro, babalik at babalik siya sa akin. And I think it's happening now. He's coming back to me. And all I need to do is accept all of him.

"So, you still love him."

It wasn't a question, so I didn't answer. Nanatili akong tahimik.

"I guess I need to move on now," Vier said.

Muli akong napatingin kay Vier. He was sad, but I can say that he wasn't really hurt from knowing that I will never be able to love him back. Siguro'y hindi naman ganoon kalalim ang nararamdaman niya para sa akin. Siguro'y mas lamang ang concern na nararamdaman ni Vier kumpara sa pagmamahal.

"Hindi lang naman ako ang babae sa mundo, Vier. May iba pa naman riyan na hindi tanga pagdating sa pag-ibig. Kagaya ni—."

"Hey guys!" Malakas na bati ni Emily mula sa likuran na ikinagulat namin ni Vier.

"Emily!" Sabi kong napapahawak sa aking dibdib.

"Like Emily?" Vier asked.

I paused for a second. I looked at Emily and smiled. "Why not? She's adorable, lovable, pretty and—.'

"Sadista," putol ni Vier sa sinasabi ko. "Emily and I are only friends. Hindi namin gusto ang isa't isa."

Malakas na pagsinghap ang ginawa ni Emily bago umupo sa tabi ni Vier. "Oh my God! Ibinubugaw mo ako kay Vier, Mayumi? Ew! Nakakadiri!"

Napapahagalpak na nag-apir ang dalawa. I see. They're made to be friends. Napailing na lamang ako. Okay. Kung hindi si Emily, iba na lang. Hindi naman nauubos ang babae sa mundo.

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan hanggang sa nagpaalam na akong babalik sa villa. Medyo papalubog na rin ang araw. Isa pa'y nagyayaya nang kumain ang mga bata.

Habang abala sa pagkain ay panaka-nakang sumusulyap ako sa puwesto ni Vier. Pansin kong maliwanag na ang expression sa mukha nito hindi katulad kanina. Dahil doon ay napangiti ako. At least hindi ganoon kalalim ang naging pinsala ng nalaman nito tungkol sa amin ni Akihiro. Masaya akong nabigyan ko ang sarili ng isa pang pagkakataon habang sa kabilang banda nama'y maayos pa rin ang pagkakaibigan namin ni Vier.

 You're Still Mine [Complete]Место, где живут истории. Откройте их для себя