Kabanata 23

2K 78 11
                                    

"You look amazing, Ma'am Mayumi."





Tipid na ngiti ang isinukli ko kay Vier nang marinig ko ang kaniyang sinabi. "Thank you, Vier," sabi ko habang marahang inaabot ang kamay niyang nakalahad sa akin.






"How about me, Vier?" Malaki ang ngising tanong ni Emily na ngayon ay papalapit sa amin.







"Ah, you're pretty as always, Emily."







"Really? But you're smiling when you complimented Mayumi. At sakin nama'y para kang napilitan." Napapairap na sabi ni Emily bago hinawi ang sariling buhok. "Anyway, I'll be using my own car. Alam ni'yo na ang gagawin kaya naman hindi ni'yo na kailangan ng instructions ko pagdating doon. Act like a couple. Be sweet to each other. Mayumi, huwag kang patatangay sa kagwapuhan ni Akihiro. And you, Vier, don't leave Mayumi's side. Or else, I'll tell everyone your secret."






Natatawang napailing na lamang ako. Hihingi sana ako ng pasensiya kay Vier sa pagiging bossy ni Emily. Pero nang sulyapan ko ito'y napansin ko ang paggalawan ng mga muscle sa mukha ni Vier.







"You sure know a lot of things, Emily." May ngisi sa labing sabi ni Vier na ikinakunot ng noo ko.








"Of course, Vier Martin. Kaya nga ikaw ang pinili kong maging partner ni Mayumi sa gabing ito." Makahulugang sabi ni Emily bago tinungo ang sariling kotse.







Tahimik na muli kong sinulyapan si Vier. Sinuri ko nang maayos ang ekspresiyong naglalaro sa mukha niya. Kalamigan ang naroon. Tila may kung anong misteryo ang bumabalot sa kaniyang ekspresiyon. Dahil doon ay hindi ko naiwasang siyasatin ang kaniyang kabuohan. He doesn't look like someone who came from a poor family just like what he said when he first came in here. Actually, I feel like he really belongs to a wealthy family. Maganda siyang magdala ng sarili. Magaling siyang magsalita ng English. At ang suot niya ngayon—tila sanay na si Vier sa ganitong mga bagay. Kung ito ang unang pagkakataon na nagkita kami, iisipin kong hindi siya isang driver.







"Let's go?" Boses ni Vier ang nagpabalik sa lumalakbay kong diwa.








"Sure..."








Dahil sa kabilang farm lang naman ang party, mabilis kaming nakarating ni Vier doon. Isang garden party ang naisip ng may-ari na idaos. Hindi na rin masama. Maganda ang garden ni Mr. Lopez. I wonder who's the lucky person who owns this farm now. Kung bilhin ko kaya rito ang farm? Doble sa ibinayad nito kay Mr. Lopez?








"Who invited her?"







Awtomatikong kumuyom ang mga kamay ko nang marinig ang sinabi ng babaeng nakatayo malapit sa fountain. I expected this kind of scene the moment I went out of the car. Pero hindi ko inakalang nakakasampung hakbang pa lang ako mula sa kinapaparadahan ng kotse ay makakarinig na agad ako ng mga ganoong salita.







"Ano ka ba, hindi mo ba alam na siya ang unang nagsabi kay Mr. Lopez na bibilhin niya itong farm? Pero hindi sa kaniya ipinagbili. Kaya malamang na nandito ang babaeng iyan para gumawa ng gulo." Sabi naman ng katabi ng babaeng nasa fountain.





Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko. Akmang haharapin ko ang dalawang babae nang maramdaman ko ang kamay ni Vier sa aking baywang. Nalipat sa kaniya ang atensiyon ko.






"Ladies, aren't you going to enjoy the night? Eat whatever you want. Talk with whoever you want." Nakangiting sabi ni Vier na siyang ikinakilig ng dalawang babae. "Do it quickly, or I might send you out of this farm." Malamig na dagdag niya.







 You're Still Mine [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon