Kabanata 21

2.1K 76 8
                                    

"Mama Yumi, hindi ka na po ba galit sa akin?"






Natigil ako sa pagbabalat ng mansanas nang marinig ko ang sinabi ni Elayka. Isang banayad na ngiti ang aking pinakawalan. "I'm sorry, Elayka. Hindi na uulitin ni Mama ang ginawa niya, okay?"






"Pero hindi na po ba kayo galit sa akin? Promise po hindi ko na babanggitin ang pangalan ni Sir." Sabi pa nitong nakataas ang kanang kamay.







Hindi ko napigilan ang mapangiti ng malungkot. "It's okay, Elayka. Kahit ilang beses mo pang banggitin ang pangalan niya, ayos lang sa akin. Hindi na ako magagalit."








"Talaga po?! Thank you Mama Yumi!"







Tango na lamang ang naisagot ko kay Elayka. Ipinagpatuloy ko ang pagbabalat ng prutas. Ipinagbalat ko na rin si Vier. Alam kong pagod rin ito dahil sa pagbabantay kay Elayka. Gabing-gabi na kasi nang makababa ako mula sa rooftop. Hindi ko namalayang nakatulog ako ng mahigit tatlong oras. Hanggang ngayon nga'y nangangalay pa rin ang leeg ko.







Pagkatapos kumain ni Elayka ay kaagad kong inasikaso ang bills ni Elayka sa hospital. Marami pang inireseta ang doktor na kailangan para sa mabilis na paghilom ng sugat ni Elayka.







"Ah, excuse me," pagtawag sa pansin ko ng isang babaeng nakasuot ng dress na kulay yellow. "Ikaw yung babae kahapon sa hallway, right? Ayos ka na ba?"






Ayos ako kanina. Pero nang makita kita at marinig ko ang boses mo, parang gusto ko ulit manglatigo. Of course hindi ko iyon sasabihin. Hindi niya naman ako kilala.






"Uhm, is it okay if I invite to my—."







"Can't you see I'm busy?" Walang ekspresiyon kong sabi habang ipinapakita ang mga dala ko.








"But, I want to cheer you up. I know it's hard—."







"Excuse me, I still have a lot of works to do." Malamig kong sabi bago ito nilagpasan.







What the hell is wrong with that woman? Manhid ba siya para hindi niya maramdaman na hindi ko siya gusto? Kung sakaling wala siyang koneksiyon kay Akihiro baka paunlakan ko pa ang imbitasyon niya. Pero sorry, hindi ko ugaling makipagkaibigan sa mga katulad niya.







"Aki, here! Let's go, baka kanina pa naghihintay si Chris!" Narinig kong sigaw ng babae na siyang ikinatigil ko.






"I told you not to run. Paano kung madulas ka?"







Tila may kung anong pumiga sa dibdib ko nang marinig ang buong-buong boses ni Akihiro. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap. Kung tatawagin ko siya ngayon, lilingon ba siya? Kakausapin niya ba ako? Yayakapin? Sasabihin ba niyang namiss niya ako?







Isang mapait na ngiti ang aking pinakawalan. Hindi niya gagawin iyon. He's getting married. At magkakaroon na rin ng anak.







"Uh, I'm sorry." Sagot ng babae sabay hagikhik. "Anyway, remember the girl I told you last night? I think she hates me. Hindi man lang siya ngumiti sa akin nung tinanong ko siya kung okay lang ba siya."






Kumuyom ang aking kamao. Mahigpit. Pakiramdam ko nga'y bumaon ang mahahaba kong kuko sa aking palad. Hindi ko alam kung ano na'ng mararamdaman ko. Nagkahalo-halo na yata.






 You're Still Mine [Complete]Where stories live. Discover now