Kabanata 35

2.1K 60 5
                                    

Banayad na paghampas ng hangin ang tumatama sa aking mukha pagbaba ko pa lamang ng aking kotse. Saglit akong huminga ng malalim bago nagpasyang maglakad palapit sa puntod ni dad, at ng dalawa kong mommy. Hindi ko na matanda kung kailan noong huli akong pumarito. Basta ang alam ko lang ay may katagalan na iyon. The last time I’m here was when I told them that Aki’s in jail. Hindi ko na matandaan kung nasundan ba iyon. Siguro ay nagawa kong bumalik, hindi ko lang maalala dahil sa sobrang lungkot ng puso ko noon.

Maingat kong inilagay ang tatlong bungkos ng bulaklak sa tatlong magkakatabing puntod. One for daddy, one for mommy, and one for mommy Elizabeth. Nang mailagay ko ang mga bulaklak ay marahan akong naupo sa damuhan. Pagkatapos niyon ay hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi.

“I miss you so much,” mahina kong sabi habang marahang hinahaplos ang mga puntod sa aking harapan. “Pero hindi naman ako narito para umiyak ulit.”

Malalim na paghinga ang aking pinakawalan. Inilibot ko ang aking paningin sa kalawakan ng memorial park; may mangilan-ngilang tao akong namataan sa hindi kalayuan. Just like me, they were also sitting and talking to their loved ones. Para bang sa bawat pag-alpas ng mga salita sa aming mga bibig ay maririnig kami ng mga taong gusto naming makarinig niyon.

Muli, isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago ibinalik ang tingin sa mga lapidang nasa harap ko. "Like what I’ve said, I’m not here to cry. I’m not here to tell you guys that I’m in pain because of Akihiro. But, I’m here because of that same person. I’m here to tell you how happy I am right now.”

I said I was happy, yet tears started to fall from my eyes. Ito siguro ‘yung sinasabi nilang tears of joy. I’m not sure. Hindi ko pa naman kasi naranasang umiyak habang masaya. Ngayon pa lang. Or maybe I did cry while I was happy. Pero hindi ‘yung ganito na sobra ang sayang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nga’y sasabog na ang aking puso.

“Remember Elayka? Ilang taon na lang magtatapos na siya sa elementary. Tapos ngayon, may matatawag na siyang kapatid. He's Makiyu, anak ni Akihiro at Martha, na ngayon ay anak ko na rin. See, lumalaki na ang pamilya ko—”

“I like that…” Mabilis na bumaling ang tingin ko sa aking likuran. Nakatayo si Akihiro ilang hakbang ang layo sa akin. Nakalagay ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang suot na pantalon. “…pamilya ko.”

Pagak na tawa ang aking pinakawalan. Napapailing na tumayo ako mula sa pagkakaupo. “Why are you here?”

Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas noong pumunta kami sa isang resort. At sa loob ng dalawang linggong iyon, napansin ko ang palagiang pagkakaroon ng meeting ni Akihiro sa iba't-ibang tao. Palagi rin siyang abala sa mga trabaho sa opisina. Pero ganoon pa man, may nakalaan pa rin siyang oras para sa akin at sa mga bata.

Marahang naglakad si Akihiro palapit sa akin. “Pupunta ako sa isang lunch meeting. Nadaanan ko ang kotse mo, kaya naisipan kong pumunta muna rito.” Mahabang sagot ni Akihiro bago ako ginawaran ng halik sa sentido. “How’s your day, princess?”

“Great,” maiksi kong sagot bago yumakap sa kaniyang baywang. “How about you? Hindi ka ba pagod sa trabaho?”

Mahigpit na yakap ang iginanti sa akin ni Akihiro. “Hindi na,” sagot niya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay inalalayan niya akong maupo ulit sa damuhan. Kagaya ng ginawa ko ay marahan niya ring hinaplos ang tatlong lapida na nasa harap namin.

It was a long silence. We were just staring at our parents’ tombstones. Akihiro’s holding my left hand. I was just staring, and smiling at him when finally talked.

“Will you marry me?”

Tila nabato ako sa aking kinauupuan. Bumukas-sara ang aking bibig. I wanted to say something, pero walang lumalabas sa aking bibig. I’m happy. I was just in shock. I didn’t expect him to ask me right now, in front of our parents.

 You're Still Mine [Complete]Where stories live. Discover now