Kabanata 14

2.3K 94 5
                                    

"Good morning, Sir, Ma'am." Pagbati sa amin ng guwardiya sa isang restaurant na pinasukan namin ni Akihiro. Tumango lamang kami rito bago naupo sa dulong bahagi ng restaurant.





"May napili ka na ba?" Tanong niya sa akin nang matapos kong pasadahan ng tingin ang menu.






Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Bagsak ang balikat na tiningnan ko si Akihiro. Nasa menu na hawak niya siya nakatingin. Tumikhim ako dahilan para malipat sa akin ang kaniyang atensiyon.






"What?" He asked. "Wala ka bang mapili?"






"I don't understand." Seryosong sabi ko.






"You don't understand what?" Tuluyan niya nang binitiwan ang hawak.





"Paanong sila ang lalapit sa atin? Hindi ba iyon mapanganib?"






Matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Akihiro. Saglit niyang tinawag ang waiter para um-order. Hindi niya na ako tinanong kung anong gusto ko. Nahalata niya yatang wala akong balak na pumili ng pagkain.






"Naalala mo ba noong sabihin kong wala sa tatlong taong nasa picture ang pinaghihinalaan ko?" Seryoso niyang sabi. "I wasn't hundred percent sure at that time. Pero nang marinig ko ang sinabi nung lalaki kanina, napagdugtong-dugtong ko ang lahat."





"So, sino nga ba iyon?"





Ilang minutong natahimik si Akihiro. Hanggang sa dumating ang mga pagkain ay hindi pa rin siya nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit? Pero mukhang pinag-iisipan niya pa kung sasabihin ba sa akin ang totoo o saka na lamang.






"Well, kailangan ko munang mag-ipon ng mga ebidensiya. Mahirap din naman kasing bigla na lang tayong magturo. Baka bumalik lang sa atin ang sisi."






I snorted. Hindi ko napigilang hampasin siya nang pabiro sa kaniyang braso. "Baka naman hindi mo talaga alam? Nagkukunwari ka lang siguro para magmukha kang cool. Don't worry, cool ka na sa paningin ko. Ipaubaya na lang natin kay Atty. Dela Vega ang lahat."









"I'm serious here, babe."








"Wow, babe?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Tuluyan na ngang nalihis ang aming paksa.









"Yes, babe?" He smirked.







"Aba, sinabi ko lang na pakakasalan kita, kumapal naman yata masyado iyang pagmumukha mo." I was just kidding. Actually, may parte sa akin ang kinilig nang bahagya sa endearment na iyon.







Akihiro laughed. He reached for my hand. Hindi ko napaghandaan ang paghalik niya sa kamay ko. Bigla tuloy uminit ang aking mga pisngi. "But seriously, Mayumi, pagbabayarin natin ang may kagagawan sa pagkamatay ni Mommy at ni Tito Arnold."








"I know. Thank you," bulong ko bago ngumiti.







Nang matapos sa pagkain ay inubos na namin ang oras sa talagang sadya namin sa bayan. Pagkatapos naming makausap ang magkakabit ng internet ay kaagad na namin itong pinapunta sa Hacienda Lazaro. Habang kami naman ni Akihiro ay tumungo sa mall. Ayaw niya pa sanang pumayag kaya lang ay nagpumilit ako.







"Ano bang gagawin natin sa mall? Bibili ka ba ng damit? Ang dami mo ng damit sa closet mo. Kahit mga sapatos ay-."








 You're Still Mine [Complete]Where stories live. Discover now