Kabanata 6

3K 104 6
                                    

"What did you say?!" Malakas kong sabi bago pabagsak na itinukod ang mga kamay sa ibabaw ng desk ng babaeng siyang nakausap ko sa telepono kahapon. Wala pang tatlumpong minuto nang makarating ako rito mula sa farm ay ang balita kaagad nito ang sumalubong sa akin. Tinatanggal na raw nila ako. For goodness sake, ni hindi pa nga ako nakakapag-umpisa!







"I'm s-sorry Ms Lazaro. Ginagawa lamang namin ang inuutos ng nakatataas." The fucked?! They hired me yesterday, tapos ngayon sasabihin nila ito sa akin?!







"I could slap you right now, bitch." Mariin kong sabi dahil sa sobrang galit na nararamdaman. "I want to talk to your boss."







"I'm very sorry, Ma'am, but Mr. Fuentes were already on his flight going to US. Siya ang nag-hire sa inyo." Sulpot ng isang babaeng may edad. Sophisticated and gorgeous. Intimidating, pero hindi niya ako makukuha sa titig niyang iyon.







"And also the person who fired me. Fuck him."







"No Ma'am. Mr. Santibañez was the one who fired you. He's—."






Tila lalong uminit ang ulo ko. Pangalan pa lang iyon ay kumukulo na ang dugo ko. Hindi ko pa man nakikita ang Santibañez na iyon ay gusto ko na itong sakalin. Huwag lang sanang si Akihiro ang lalaking iyon. Kundi, mapapatay ko ito.






"He's our acting CEO for the whole week, Ma'am. He's a good friend of Mr. Fuentes."






"Uh, whatever." Sabi ko na lamang bago kinuha ang aking bag. Bago tuluyang lumabas ay salitan na tiningnan ko nang masama ang dalawang babae. "Tell your boss, that I will be back. I will ruin his life." Pananakot ko lamang iyon, na mukhang naging epektibo dahil nakita ko ang paglunok ng dalawang babae.






Paglabas ng building ay inis na sinipa ko ang gulong ng aking kotse. Dahilan para mapaaray ako dahil sa sakit na natamo. Napapadyak na lamang ako bago binuksan ang pinto.






"Cute as always..." Narinig kong sabi ng isang baritonong boses. Kaagad na umangat ang tingin ko sa lalaking nakatayo't nakasandal sa kotseng nasa tabi ng kotse ko. "Hi, Princess, it's nice to see you again."







Umawang ang bibig ko. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Patakbo akong lumapit dito at walang pasabi itong niyakap. "Kuya Vince! God, hindi kaagad kita nakilala!"






Si Kiya Vince ay ang nag-iisang anak ni Manang Susan at Tatang Ben. Palagi kaming magkasama noon sa farm. Si Dad ang nagpaaral sa kaniya at ngayon nga'y isa siya sa may mataas na posisyon sa LGC. Kung hindi siguro dumating si Elizabeth at Akihiro sa buhay ni Daddy, baka si Kuya Vince na ngayon ang CEO sa kompaniyang naiwan ni Dad.







Malapit kami sa isa't isa. Kahit na ba malaki ang agwat ng mga edad namin. Aaminin ko, I had a huge crush on him. Siguro dahil iyon sa siya ang palagi kong kasama. Nagkakasundo kami sa ilang bagay. Marahil ay dahil na rin sa atensiyon na ibinibigay niya sa akin noon. Naalala ko pa, siya ang nagturo sa akin kung paano mangabayo at kung paano lumangoy. Siya rin ang sumama sa akin noon sa unang karera ng kabayo na sinalihan ko. At doon ko nga nakuha ang pilat sa likod ng aking balikat. Hindi ko masyadong natatandaan ang buong pangyayari. Basta may bumuhat na lang sa akin. And everything went black. Pagkagising ko no'n ay si Kuya Vince ang nabungaran ko.








Malakas itong humalakhak bago ginulo ang aking buhok. "Me too, Mayumi. Kung hindi ko pa nakita iyang pilat sa likod ng balikat mo'y hindi kita makikilala."







 You're Still Mine [Complete]Where stories live. Discover now