Kabanata 20

2.1K 77 9
                                    

2 years later...



"Mayumi, that's enough!" Malakas na sabi ni Emily pagkatapos nitong makuha sa kamay ko ang latigo. "Papatayin mo ba si Elayka?!"





Tiim ang bagang na naupo ako sa bench malapit sa kuwadra ng mga kabayo. "I'm not planning to kill her! It was her fault—."






"But still, it's not right to hit her that hard! Umiiyak na yung bata, Mayumi!"






"Just get her out of my sight." Malamig kong sabi bago marahas na bumuntong-hininga. Of course I'm not lying. That kid ruined my day. She shouldn't have mentioned the name of that stupid man.






Hindi ko napigilan ang mahigpit na pagkuyom ng aking kamay. When was the last time I heard that name? Akihiro, huh? I hate that name. I hate that man. But, why? Bakit hanggang ngayon minumulto pa rin ako ng mga alaala ko kasama siya?






"Here, you need to drink this." Maya-maya'y mahinahong sabi ng kababalik lang na si Emily. "I already talk to Manang Isabel. Naiintindihan niya raw kung bakit mo nagawa iyon. Pero sana naman daw, huwag umabot sa puntong halos ikamatay na nung bata."






"Whatever," mahina kong sabi bago huminga ng malalim. Itinuon ko ang atensiyon sa malawak na taniman ng mga bulaklak. Hindi katulad dati, ngayon ay mas dumami pa ang mga nakatanim doon. Kahit papaano ay naibsan ang sakit at lungkot na nararamdaman ko sa mga nakalipas na taon.






"Ano bang problema, Mayumi? Alam kong matagal nang ganiyan ang ugali mo. Pero bakit parang sumobra ka na yata ngayon? Isa pa, hindi ka naman ganiyan kay Elayka, diba? You said you love her. You even let her sleep in your room. Binibilhan mo siya ng mga bagay na alam mong kailangan niya. You said, she reminds you of yourself dahil pareho kayong wala ng mga magulang. And you gave her permission to call you Mom! So what's wrong with you?"






Kailangan pa ba iyong itanong ni Emily? Sa tingin niya bakit ako nagkakaganito?







Again, I heaved a sigh. "May dadaluhan akong meeting sa opisina. Huwag niyo na akong hintayin para maghapunan."







I know I should talk things to Emily. Siya lang naman ang nakakaintindi sa nararamdaman ko. Pero ngayon, tama na muna. Marami na siyang naitulong. Hindi biro ang dalawang taong nariyan siya para samahan ako palagi. Nang dahil sa akin, hindi siya nakaalis ng bansa para sa offer ng isang producer sa Hollywood. Her novels gained a lot of attentions. Kaya hindi na ako nagtaka nang may mag-offer sa kaniya from international. But she chose to stay because of me. Maybe I'll go talk to some of my friends abroad. Especially Ava. Nalaman kong isa na itong international model sa America. She can help Emily for sure.






Habang naglalakad papasok sa pinto mula sa backdoor ay narinig ako ang hindi kalakasang pag-iyak ni Elayka. Muling kumuyom ang aking kamao. Pumikit ako ng mariin bago nagpatuloy sa pagpasok.







"Ma'am M-Mayumi..."






Natigil ako sa paglalakad. Sinulyapan ko si Manang Isabel na nakatayo malapit sa lamesa. Hawak-hawak nito ang isang bimpo na may yelo habang idinadampi sa mga sugat na natamo ni Elayka.







Tila may kung anong kumurot sa dibdib ko nang mapagtantong sumobra nga ako sa ginawang pagpaparusa kay Elayka. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ito habang nakayukyok sa lamesa. Itinatago ang mukha mula sa akin. Natatakot marahil na baka muli ko itong saktan.






 You're Still Mine [Complete]Kde žijí příběhy. Začni objevovat