Kabanata 7

2.9K 103 3
                                    

"Vince, anak, nariyan ka na pala!" Malaki ang ngiting sabi ni Manang Susan. Kaagad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa mahabang couch nang marinig ito.





Mabilis ang aking naging takbo palapit sa pinto. "Kuya!" Malaki ang ngiting ibinuka nito ang mga kamay para salubungin ako ng yakap. Mainit ang katawan nito. Dahilan para mapangiti ako nang matamis.






"Ano ba kayong dalawa, pumasok na muna kayo. Dadaan si Hiro." Natatawang sabi ni Manang Susan.







Umarko bigla ang aking kilay. Noon ko lang napansin na nasa pinto si Akihiro, naghihintay. Malamig ang titig na ibinibigay niya sa amin ni Kuya Vince. Hindi ko na lamang siya pinansin. Nakangiting hinila ko si Kuya Vince papunta sa sofa. "Ang sabi mo next week ka pang uuwi?"







"Well, tinawagan ako ni nanay. Ang sabi niya'y kailangan ni tatay ng katulong sa pagpapaanak sa alagang kabayo ni Mr. Lopez."






Napatango ako. Totoo naman iyon, kailangan nga ni Tatang Ben ng katulong sa pagpapaanak ng kabayo ni Mr. Lopez. Si Mr. Lopez ay ang matandang may-ari ng rancho sa katabi nitong sa amin. Bata pa lang kami ay nakagawian nang tumulong ni Tatang Ben at Kuya Vince kay Mr. Lopez. Mag-isa na lamang kasi ang matandang iyon. Ang nag-iisa naman nitong apo ay nasa ibang bansa. Hindi maasahan, palaging may reklamo kapag pinapakiusapang maglagi sa rancho. Kaya si Kuya Vince na lamang ang napapakiusapan kung minsan.







"Hala, mamaya na kayo magkumustahan. Halina sa komedor at nang makapananghalian na kayo." Pagyaya ni Manang Susan na kaagad naming sinunod ni Kuya Vince.







Pagkarating sa dining hall ay naroon na si Akihiro. Hawak niya ang kaniyang cellphone. Wari'y may ka-text. Hindi pa man kami nakakaupo ni Kuya Vince ay biglang tumayo si Akihiro. Dahil doon ay nabaling sa kaniya ang tingin naming lahat.







"Mauna na kayong kumain. May kailangan lang akong tingnan sa manggahan." Mabilis niyang sabi bago nagmamadaling umalis. Napapakibit-balikat na itinuon ko na lamang ang pansin sa paglalagay ng pagkain sa aking plato.














"Kukulangin ang mga ito." Komento ko pagkakita pa lang sa mga sako ng mangang hinog. "Bakit hindi niyo kaagad ipinaalam sa akin?"







"Eh Sir, ang buong akala kasi nami'y alam niyo na. Ang sabi rin kasi sa amin ni Tatang Ben ay alam ninyo ang lahat ng nangyayari sa buong hacienda. Kaya hindi na kami nag-abalang ipaalam pa sa iyo." Napapakamot sa noong sabi ni Manong Ismael.






Marahas na buntong-hininga na lamang ang pinakawalan ko bago muling sinulyapan ang mahigit isang daang sako ng manga. Gaya ng sinabi ko'y kukulangin iyon. Higit sa tatlong daang sako ang kailangan para maabot ang expected number of products ng Lazaro Dried Fruits. Palagay na ang loob kong maaabot namin iyon dahil sa malawak na taniman ng manga. Isa pa'y higit sa isang libo ang naha-harvest sa isang puno niyon. Pero ngayon, ni hindi man lang umabot sa kalahati ang na-harvest.








"Anong gagawin natin ngayon Sir? Ngayon lang naman nangyari ang ganito." Tanong naman ni Mang Lucio.








"Paiimbestigahan ko ang bagay na ito. May pakiramdam akong hindi aksidente na higit lamang sa isang daang sako ang inani natin ngayon." Seryosong sabi ko bago sinulyapan ang mga trabahador na nag-uumpisa nang buhatin ang mga sako ng manga. "Pagkatapos ninyo'y magpahinga na kayo. Bukas ay magpapatawag ako ng pulong patungkol dito."







 You're Still Mine [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon