CHAPTER 80

4.9K 77 52
                                    

CHAPTER 80

> NATE'S POV <

Awkward. Awkward. Awkward. Napapalunok-laway nalang ako. Nakita ko si Chelsa na bumangon na at tahimik siyang lumabas ng pinto. Maliwanag na sa labas at nagkunwari akong tulog. Kagabi pa kami tahimik lang at walang pag-uusap bago mangyari at matapos mangyari ang bagay na yun. Okay. Di na kami virgin ngayon. Ganun pala yun. May kaba, may excitement. Isang di mapaliwanag na pakiramdam. Akala ko kapag ginawa ko yun sa kung sino man na makakatuluyan ko magiging maingay kami at uuga ang kama. Pero kagabi ang tahimik namin na parang may sinasabayan na isang pinaka-slow na music sa mundo. Para kaming sumasayaw at magkasundo ang aming galaw. Paghabol ng konting hininga lang ng bawat isa ang naririnig. Hindi ko nagawang maging cool. Pero pa'no ba maging cool sa ganung sitwasyon? Parehas pa naman naming first time yun. Pero di naman ako nagka-system malfunction. Haist! Basta, nadala ako ng aking emosyon, kung ano man yun. Hanggang ngayon ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Di pumasok sa isip ko na gagawin namin yun. Hindi ako bumili ng alak dahil sa may balak ako. Talagang di sumagi sa isip ko yun. Basta bigla nalang nangyari. Parang nahipnotismo kami ng puso namin sa sobrang pagmamahal namin sa isa't isa kaya di namin nakuntrol ang aming katawan. Di namin napigilan ang aming mga sariling maging isa. Marahil dala narin yun ng pangungulilang nararamdaman namin. Pangungulilang magaganap sa hinaharap. Hinaharap na sana wag nalang naming pagdaanan. Pero wala na kaming magagawa pa. Dahil maging sa mundong binuo namin patuloy ang pagdating ng bukas at patuloy na nababawasan ang mga natitirang araw sa buhay niya.

Pero ang awkward talaga. Ang shit ng piling. Parang may konsensya ba't ginawa ko yun, pero parang wala rin. Dahil parang wala namang pagsisisi. Pero parang meron din? Haist! Alam ko siya rin medyo may awkward factor din. Pero napapangiti ako. Isang napakasarap na pakiramdam yun. Lalo pa't alam naming mahal namin ang isa't isa at malinis ang hangarin namin. Pinakaastig na gabi ng buhay ko yun. Dinala kami sa ibang dimensyon. Isang panibagong mundo ang narating namin.

"Haist, shit!" sita ko sa sarili ko at napatakip ako ng unan sa ulo. Sumagi kasi sa utak ko na baka maulit. Loko ka, Nate! Sa isip ko.

"Nate! Nate! Nateee!" sunod-sunod na sigaw ni Chelsa. Tinatawag niya ako at ang tono ng pagtawag niya yung halatang takot na takot siya at kailangan niya ng tulong ko. Agad akong bumangon at pinuntahan ko siya.

Nakita ko siya sa kalagitnaan ng hagdan. Mahigpit siyang nakahawak sa handrail ng hagdan. May luha sa kanyang mga mata at kitang takot na takot siya. Nakaharap siya sa'kin. Nilapitan ko siya. "Bakit?" pag-aalala ko. Nasa tabi niya ako pero nanatiling nakatingin siya sa taas. "Chelsa?" mahinang nasambit ko nang di niya ako lingunin.

Kumapa siya sa hangin at inabot ko ang kamay niya. "Hindi kita makita." Nagsimula siyang umiyak at niyakap ko siya. "Hindi ako makakita. Wala akong makita!" Patuloy siyang umiyak habang yakap ko siya. Hindi ako nakaimik. Naguguluhan ako. Kinapa niya ang mukha ko at lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Nanginginig ang buo niyang katawan sa takot.

Nagdatitangan ang mga paru-paro. May isang dumapo sa balikat ni Chelsa at naging abo. At may dalawang bigla nalang naging abo sa hangin na ikinatakot ko. Tatlong paru-paro ang namatay sa isang araw, sa ganito kaagang oras. Naluha ako nang maisip ko na baka mamayang tanghali o sa hapon o sa gabi may ilan pang mamatay.

~( 38 days left )~

Naging napakatahimik niya maghapon. Hindi ko siya iniwan. Lagi lang ako sa tabi niya. Inalalayan ko siya sa lahat ng bagay. Sa pagkain, pagsipilyo, sa pag-akyat at pagbaba ng hagdan maging sa sa pagbanyo, sa pagligo at sa pagbihis niya. Syempre kahit bulag siya di ko naman nilabag ang karapatang pantao niya. Nakapikit ako sa mga bagay na di ko dapat makita dahil ayaw kong makaramdam siya na nababastos siya. Sinasabi ko sa kanya na nakapikit ako.

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now