CHAPTER 65

3.9K 91 38
                                    

CHAPTER 65

> CHELSA'S POV <

Gamit ang teleportation, mula sa kwarto ni Nate nandito na ako sa kwarto ko. Luhaan parin ako at umiiyak. Nanginginig parin ang buo kong katawan sa takot, sa sakit na nararamdaman ko at sa pinagsama-samang emosyon. Nagulat ako pagdating ko, tumambad sa'kin sina mama at papa sa kwarto ko na tila hinihintay nila ang pagdating ko.

"Bakit ganyan ang hitsura mo? Saan ka nanggaling?" galit na tanong ni mama. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa kanang braso. Hindi ako sumagot, yumuko lang ako kasabay ng paglaho ng mga pakpak at antena ko.

"Tinatanong ka ng mama mo!" galit na sigaw ni papa. Hindi parin ako sumagot. Galit ako sa kanila, pero di ko makuhang isumbat. Dahil mas mabuting hindi nila alam na alam ko na ang balak nila para di nila ako mapigilan sa pagpigil sa kanila. Inilayo ko ang sarili ko kay mama, humakbang ako paatras.

"Ano bang pumapasok sa utak mo at lumalabas ka nang ganun ang hitsura mo? Gusto mo bang may makakita sa'yo at malaman ng mga tao ang sekreto mo? Gusto mo bang mapahamak ka at ang pamilya natin?" madiing sita sa'kin ni mama. Pero nanatiling nakatikom ang bibig ko. "Nagdurugo ang ilong mo, anak," pag-aalala ni mama at biglang nagbago ang tono ng pananalita niya. Lumapit sila sa'kin ni papa.

Bago pa man sabihin ni mama na nagdurugo ang ilong ko, naramdaman ko na yun at ang labis na panghihina ng katawan ko. Marahil dahil sa paggamit ko ng powers ko. Umiikot ang paningin ko at ang sakit ng ulo ko. Nararamdaman ko rin ang unti-unting pagbagsak ng katawan ko.

~~~

Nagising ako umaga na, agad akong bumangon at naghanda para sa pagpasok ko sa school. Gusto ko sanang agahan ang pagpasok para makausap si Nate. Pero na-late na ako ng gising at pinigilan pa ako nina mama at papa na pumasok.

Pagpasok ko ng classroom wala si Nate. Nag-hi sa'kin ang mga tropa niya. Tinanong ko si Edward kong nasaan si Nate, di pa raw dumating.

Nag-umpisa na ang klase wala parin siya. Nakatingin ako ngayon sa bakante niyang upuan sa tabi ko at labis na nag-aalala.

~~~

> NATE'S POV <

Hindi ko alam kung anong oras ako nagising, at di ko alam kung nakatulog ba talaga ako. Ang alam ko lang umaga na at nakatulala lang ako. Di ko alam ang iisipin. Di ko alam ang gagawin. Gusto kong kalimutan ang lahat at balewalain nalang. Pero di mawala ang takot sa dibdib ko.

Pumasok na si manang Grace na kanina pa kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Marahil ginamit na niya ang master key para buksan 'to.

"Gising ka naman pala, pinag-alala mo ako." Bungad niya sa'kin paglapit niya sa kama ko. "Hindi ka ba papasok, tanghali na?" tanong niya.

"Tinatamad po ako," Matipid na sagot ko na di tinitingnan si manang.

"Gusto mo dalhan kita ng almusal?"

"Hindi po ako nagugutom."

"Ano 'to?" tanong niya na ang tinutukoy niya ang nagkalat na basag na ashtray. "Kaya pala parang may narinig ako kagabi. May problema ka ba?"

"Wala po manang. Nabitawan ko lang po yan," Sagot ko nang di ko parin nililingon si manang. "Hayaan niyo lang po yan dyan," Saway ko nang marinig ko na tila pinupulot ni manang ang mga piraso ng basag na ashtray sa sahig.

                                                       

"Ano bang nangyayari sa'yo, Nate? Broken hearted ka nanaman?"

The Girl From NowhereDär berättelser lever. Upptäck nu