CHAPTER 66

4.1K 88 26
                                    

CHAPTER 66

> CHELSA’S POV <

Lumipas ang dalawang araw, hindi na pumasok si Nate. Pangatlong araw ngayong Friday na wala siya. Ang tropa niya pati sina Kristan, walang idea sa nangyayari at sa tunay na dahilan. Bigla siyang nawala. Wala na siya sa bahay nila. Hindi ko siya mahanap. Hindi ko siya mapuntahan dahil hindi ko alam kung nasaan siya. Kahit paano panatag ako, dahil alam ko naman na walang kinalaman sina mama at papa sa pagkawala niya. Lumayo siya para iligtas ang buhay niya. Lumayao siya, para layuan ako. Masaya ako dahil alam kong ligtas siya. Pero sobrang miss na miss ko na siya. Miss na miss na miss na miss ko na siya. Nung huli naming pagkikita, hindi na nawala ang luha ko sa mga mata. Kapag mag-isa ako, kusa na lamang ‘tong pumapatak. Gustong-gusto ko na siyang makita. Pinipilit kong maging masaya at ngumiti dahil gusto kong maging normal sa mga huling araw ko sa mundo. Kaya nga pumapasok parin ako para makita ang mga kaibigan ko. Lagi kong iniisip na kasama ko siya. Na nasa tabi ko siya at hawak niya ang kamay ko. Minsan gusto ko siyang kausapin sa isip ko, pero natatakot ako sa pwede niyang sabihin sa’kin. Ayaw kong muling marinig na ipagtabuyan niya ako. Mas gusto kong maalala ang masasayang araw namin bago ako mawala. Sa dalawang gabing nagdaan, pumupunta ako sa kwarto niya at nahihiga sa kama niya. Para kahit papaano mabawasan ang pangungulila ko sa kanya.

Narito kami ngayon sa canteen ng tropa, may importanteng sasabihin raw si Edward. Alam kong may kinalaman ‘to kay Nate. Dahil kanina bago pumunta dito para sa lunch namin, sinabi niyang may mahalaga siyang sasabihin na kailangan kong malaman. At nasabi niya rin na tila di pinahihintulutan ng tadhana ang love story namin ni Nate. Dati ako ang nawala, ngayon naman si Nate ang biglang naglaho. Lahat kami nakatingin kay Edward at naghihintay sa sasabihin niya.

“Okay, guys. It’s about, Nate,” Panimula ni Edward at tiningnan niya ako. Hindi na ako nagulat. Napatingin nalang ako sa magkahawak kong kamay na nakapatong sa mesa. “Mag-a-abroad na siya.” nagulat ang lahat. Sino ba naman kasi ang di magugulat. Hindi pa tapos ang klase at graduating pa, mangingibang bansa? Pero inasahan ko narin yun. Kahit ako, kung alam kong may tangka sa buhay ko, kung may pera naman ako, pupunta na ako ng ibang bansa.

“Hah? Mag-o-OFW siya? Di ba mayaman ang pamilya nila?” estupidong tanong ni Awin.

“Tol, hindi yun.” Si Kristan. “Magseryoso ka nga.” natatawang saway nito.

“Pupunta na siya ng ibang bansa,” Patuloy ni Edward. “Narinig ko si mommy na kausap si tita. Nakorner ko si mommy, napilitan siyang sabihin sa’kin dahil narinig kong tungkol kay Nate ang pinag-uusapan nila. Nalakad na ni mommy ang ticket ni Nate at handa narin ang passport. Pero di sinabi ni mommy kung saang bansa at kung kelan ang alis niya. Yun lang ang nalaman ko… at –”

“At, ano?” tanong ni Cristy.

Tumingin sa’kin si Edward bago siya sumagot. “At baka hindi na siya bumalik.” Malungkot na sabi niya.

At baka hindi na siya bumalik. At baka hindi na siya bumalik. At baka hindi na siya bumalik. At baka hindi na siya bumalik. At baka hindi na siya bumalik.

Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang mga katagang yun. Ang sakit nang pakinggan, nagpaulit-ulit pa. Pumasok na sa isip ko na baka di ko na siya makita hanggang sa mamatay ako. Pero nang marinig ko ang sinabi ni Edward, nasaktan parin ako. Parang sana, hindi nalang totoo. Na sana bumalik pa siya. Na sana balikan niya ako. Kahit saglit man lang na muli ko siyang makita. Kung alam ko lang kung nasaan siya, pupuntahan ko na siya. Kahit dalawang segundo lang na makita ko man lang siya o kasing bilis lang ng kurap ng aking mga mata. Basta masilayan ko siya at kahit likod niya lang, okay na.

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now