CHAPTER 67

3.8K 88 20
                                    

CHAPTER 67

Napag-isa ako. Nakaupo ako sa buhangin habang pinagmamasdan ang dagat at ang bawat paghampas ng alon. Ang sarap sa tainga ng tunog ng paghampas ng alon, nakaka-relax. Nililipad ng malakas na hangin ang buhok ko. Sana liparin narin ang sakit sa puso ko. O kaya sana, liparin si Nate papunta sa tabi ko. Napangiti ako nang maisip ko yun. Minsan kong pinangarap na makasama siya sa tabing dagat. Isa sana yun sa mga list ko na gagawin namin sa loob ng isang buwan. Plano ko nun na makalipas ang isang buwan, bigla nalang akong mawawala. Akala ko yun na ang pinakamasakit na mangyayari sa buhay ko bukod sa kamatayan ko. Pero natalbugan pa ng mga nangyayari ngayon. Mas malupet ‘to at mas masakit.

Palubog na ang araw, kulay orange ang kalangitan. Parang ako ngayon ang dapit-hapong ‘to. Nag-aagaw ang liwanag at dilim, at matatalo ang liwanag. Parang ang buhay ko na wala nang ibang pupuntuhan kundi ang kamatayan. Yun ngalang wala nang bukas pang sa’king naghihintay, di tulad ng liwanag na muling sisilay. Sa mga ganitong oras, mas tumitindi ang pangungulila ko sa kanya.

 

Minsan kong pinangarap na makasama siya sa tabing dagat. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Natanong ko sa sarili ko habang nangangarap na sana may isang gwapong binata na aahon sa dagat na Nate ang pangalan.

“Pwedeng tumabi?” nagulat ako ng may lalaking nagsalita mula sa likod ko.

“Ginulat mo naman ako, Edward. Kaasar ka!” ngumiti lang siya sa sita ko sa kanya. Gusto ko siyang hampasin, kaso si Nate nagseselos yun kapag may iba akong hinahampas. Kahit na nasasaktan siya gusto niya siya lang ang hinahampas ko.

Tumabi sa’kin si Edward at malalim na napabuntong-hininga. “Iniisip mo siya, ‘no? Miss mo?” tanong niya.

“Sobra,” Matipid na sagot ko. Kapwa kami nakatingin lang sa dagat. “Halata ba masyado?” nakangiting tanong ko.

“Hindi. Wala ngang bakas, eh.” Sarkastikong sagot ni Edward at sabay kaming natawa. Pero bigla siyang sumeryoso. “Ramdam kita.” At nagbuntong-hininga siya.

Napangiti ako. “Miss mo si Annie?” tanong ko.

“Sobra,” Ginaya niya ang sagot ko. Muli kaming natawa pareho at sabay nagbuntong-hininga. “Sabi mo sa’min wag kaming magalit sa kanya, ikaw ba, di ka ba galit sa ginawa niya?”

“Ayaw kong magalit sa kanya,” Nakangiting sagot ko. Nagpakatotoo lang ako. Dahil ano ba ang karapatan kong magalit sa ginawa niyang paglayo.

“Tama yan. Akala ko sasabihin mong galit ka?” ngumiti si Edward. “Sasabihin ko sanang wag kang magalit sa kanya. Dahil saksi ako kung gaano ka niya kamahal. For sure may mabigat na rason yun sa paglayo niya.” lumingon siya sa’kin, napangiti ako. Alam ko rin kung gaano ako kamahal ni Nate, at nakakatuwang marinig yun sa ibang tao. Pero may pitik ng lungkot at sakit akong naramdaman. Dahil ramdam ko rin ngayon kung gaano siya nasasaktan.

“Sino nga palang nakaisip ng outing na ‘to?” tanong ko para maiba ang usapan.

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now