CHAPTER 71

4.3K 84 36
                                    

CHAPTER 71

Hawak ko na ang door knob, binuksan ko ito ng nanginginig kong kamay. Agad akong tumakbo palabas nang makita ko ang mala-demonyong lalaking may pakpak na pasugod na sa’kin kasama ang dalawang dambuhalang lobo. Iniisip kong sana panaginip lang ang lahat ng ito, pero hindi. Mas nakakatakot pa ‘to sa mga panaginip na mga naranasan ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at di mawala ang panginginig ng katawan ko sa takot. Parang nararamdaman ko na ang nalalapit kong kamatayan. Natatakot ako para sa buhay ko. Natatakot akong di ko na muling makita si Chelsa, ang pamilya ko, at ang mga kaibigan ko.

Ibinigay ko ang pinakamabilis kong takbo pababa ng hagdan. Naririnig ko ang nakakahilakbot na tahol ng mga halimaw na aso at ang yapak ng pagtakbo ng malalaki nilang mga paa kasabay ng pagtilapon ng pinto ng aking kwarto sa sahig sa baba.

“Manang! Manong Billy!” takot na takot na sigaw ko para humingi ng tulong at para balaan narin sila sa panganib na posibleng mangyari.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakahandusay sa sahig si ate Grace. Nakita ko rin sa di kalayuan si ate Wendy. Hindi ko alam kung patay na ba sila o buhay pa. Wala akong nakitang dugo o bakas na pinagmalupitan sila, para lang silang natutulog. Lumundag sa tabi ko ang isang lobo at nasira ang sahig dahil sa talim ng mga kuko nito.

Napa-atras ako at muling tumakbo palabas ng bahay. Tinungo ko ang kotse at narinig ko nalang ang malakas na kalabog na tila pagsira sa pinto ng aming bahay. Nakita ko si manong Billy na nakahandusay padapa malapit sa kotse. Binuksan ko ang pinto ng kotse, pero napaatras ako nang lumundag sa bubong ng kotse ang isang lobo. Nayupi ang kotse sa bigat ng lobo. Tatakbo pa sana ako palayo pero pagtalikod ko nasa harap ko na ang diwatang lalake. Mas lalong nanginig ang buo kong katawan sa matatalim niya at nanlilisik na mga mata. Tila nakikita ko na si Kamatayan sa mga titig niya. Nanlamig ang buo kung katawan. Parang nablangko ang utak at di ko na magawang makakilos pa. Pakiramdam ko hinuhukay na ang libingan ko sa kinatatayuan ko. Pinagpapawisan na ako sa sobrang takot kasabay ng pagdaloy ng luha ko mula sa aking mga mata.

“Wag mo nang pagurin ang sarili mo, bata!” May pagbabantang sabi ng diwata. “Ang kailangan mo lang gawin ay matulog, para di kana makaramdam pa ng takot.” Mala-demonyong ngiti nito at may inihipan ito mula sa kanang kamay. Tila magic dust na tulad ng ginamit sa’kin ni Chelsa nun. At tulad din ng epekto nun, nakaramdam ako ng matinding antok hanggang sa magdilim nalang ang paligid ko.

~~~

> CHELO’S POV <

Binuhat ko palabas ng kotse ang wala ko pang malay na anak na si Chelsa. May bakas pa ng luha sa mukha niya mula sa kanyang mga mata. Alam kung naguguluhan lang siya ngayon kaya ayaw niyang tanggapin ang lahat. Masyado niya lang pinapairal ang puso niya. Balang araw alam kung mauunawaan niya rin kami bilang magulang niya at matatanggap niya ang nagawa namin para sa kanya. Alam kong balang araw ipagpapasalamat niya rin ang lahat ng ito.

Sinalubong kami ng asawa ko pagkapasok namin ng bahay. Nagulat siya nang makita kami. Tiningnan ko lang siya at tumuloy ako sa kwarto ng anak namin, at sumunod naman siya. Nilipag ko si Chelsa sa kama at nilapitan ako ng asawa ko.

“Anong nangyari sa anak natin?” kinakabahang tanong ni Melisa. Wala pa siyang alam sa biglaang pagkakasatuparan ng aming plano.

The Girl From NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon