CHAPTER 11

8.1K 160 7
                                    

> CHELSA'S POV <





NANG MARINIG KO ang binasa ni Sir, napatingin ako sa unahan at nakita ko ang hawak na card niya. Yun ang nakasabit sa loli-cake na bigay ko kay Nate, siya lang ang binigyan ko na may card. Sulat kamay ko pa yung For my Star. Ang sakit, parang gusto ko ulit maiyak.





Gusto kong makihiyaw at makitawa para di ako madala ng damdamin ko - pero di ko magawa. Bigay ko yun, eh. Di ko madaya ang sarili ko, ni ngumiti di ko kaya.





Pagpasok ni Nate, nakita ko na napatingin siya sa 'kin. Umiwas ako. May na-realized ako na nagpangiti sa 'kin, ngiting sampal dahil sa kagagahan ko. Sa one sided love pala, nagiging masyado kang assuming? Yung tingin niya siguro wala lang yun. Pero binigyan ko ng kahulugan. Siguro nagi-guilty siya? Pero siguro hindi? Yan ang mga pumasok sa isip ko.





Nakatingin ako sa labas. Nagulat ako nang umusog ang upuan sa tabi ko - alam kong siya yun. Ramdam kong si Nate yun, tugudog-tugudog sabi ng puso ko. Yun ang tibok ng puso ko kapag nandyan siya. Oo nga pala? Pinaupo siya ni sir sa hulihan, at sa tabi ko lang may bakante.





Ayaw kong tumingin sa kanya. Ayaw kong kiligin.





Pero ilang saglit lang, heto ako, nakatingin sa kanya - nakatingin din siya sa akin - nakatitig kami sa isa't isa - napaka-magical ng moment. Piling ko kami lang ang tao sa classroom. Assuming mode on na naman ako. Ewan ko kung may ibang nakatingin din sa 'min? Parang ibang dimensyon? Parang ibang mundo? Hindi ko alam kung ano 'to?





Bakit ka nakatingin? Tanong ko sa kanya sa isip ko. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. Lumingon-lingon siya sa paligid nang may pagtataka.





Muli siyang humarap sa 'kin. "May sinabi ka?" tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot? May sinabi ba ako? Nagsalita ba ako?





~~~



> NATE'S POV <





OH, SHIT! KAINIS naman si sir! Ba't kailangan pa akong paupuin sa hulihan? Ugh!





Wala bang ibang upuan? Bakit sa tabi niya? Ewan, pero parang ang awkward? Ang alam ko wala naman akong dapat ihingi ng sorry sa kanya. Nagpasama lang naman ako, hah? Marami kayang girls rito na nagkakandarapa makasama lang ako kahit saglit. Siya nahawakan ko pa nga sa kamay. Dapat nga mag-thank you pa nga siya sa 'kin, eh.





Pagkaupo ko sa tabi niya iba yung pakiramdam. Ewan, mahirap i-explain? Basta kakaiba. Sabi ko sa sarili ko sa unahan lang ako titingin at di ko siya papansinin. Babalewalain ko na lang yung nangyari kanina. Parang wala lang, ganun. Para di na rin maging isyu sa kanya at baka kasi humaba pa. At isa pa, 'pag nakita pa kami ni Cristy na nag-uusap pagselosan pa.





Pero, ano 'to? Unti-unti kong nililingon ang direksyon kung saan siya nakaupo.





Nakatingin na ako sa kanya - nakatingin din siya sa 'kin - sabay kaming napatingin sa isa't isa.





BAKIT KA NAKATINGIN?





Nagulat ako nang may marinig akong boses. Parang boses niya yun? Pero di naman siya nagsalita? Di naman bumuka yung bibig niya. Lumingon ako sa iba naming kaklase pero sa harap sila lahat nakatingin. Muli kung tiningnan si Excuse me girl. At sa kanya lang naman ako nakatingin kanina, hah?





"May sinabi ka?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako. Parang nagulat siya sa tanong ko. Pero wala naman talaga siyang sinabi, eh? Nababaliw na ata ako? Pero siguro kung may malikmata? May maliktainga? May ganun ba? Haist! Guni-guni? Tama, baka guni-guni lang?

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now