CHAPTER 46

5K 93 29
                                    

***<> COUPLE SHIRTS' DAY <>***



> THIRD PERSON'S POV <



TINAWAGAN NI CRISTY si Lhyn na sabay na silang papasok. Tatlong araw siyang absent, kaya naman nagtataka si Lhyn kung bakit ngayon pa niya naisip na pumasok? Sa araw mismo ng couple shirts' day.



"Cristy?" nabigla si Lhyn nang makita siya. Suot niya kasi ang t-shirt na matagal na niyang pinagawa para sa couple shirts' day, na para sa kanila ni Nate. Purple ito at may print na 'my babe and i forever' na may cute chibi character pa nila ni Nate na magkayakap at sa likod ang word na 'CriNate'. At kapansin-pansin ang pagiging blooming niya di tulad ng nakaraang tatlong araw na namamaga ang mga mata niya sa kakaiyak. Ang akala nga ng bestfriend niya magiging loner na siya?



"What?" tanong niya.



"Ba't suot mo yan? And blooming mo today, hah?"         



"Well, couple shirts' day today?" taas kilay na sagot niya. "And this one, for Nate." Ipinakita niya sa kaibigan ang damit na para kay Nate bago ipinasok sa bag. "And I'm blooming, because I'm in love." Nakangiting pahayag niya.



"Pero wala na kayo. Don't do this. Please!" her friend started to freak out dahil sa ikinikilos niya.



"Girl, relax." She smiled. "Like what you always said. Move on, life must go on. Well, I'm moving on with my depression. Nate is my life, so I'm going on!" sabay suot niya ng bag at lakad palabas ng pinto.



"So, it's my fault pa?" pouted ni Lhyn. At di na nawala ang tulis ng nguso nito nang sundan siya papasok ng kotse.



"Hey? Wag ka ngang ganyan? Hindi ako gagawa nang kagagahan, promise." Puna niya sa kaibigan nang di mawala ang simangot nito habang nasa byahe na sila.



"Promise?"



"I promise!" at niyakap niya ito. "Wait, why naka-uniform ka? Nasaan ang couple shirts n'yo ni Jasper?"



"Ewan ko dun?" muling napasimangot si Lhyn.



"For sure, may surprise yun!" kinikilig-kilig niya pang tulak sa kaibigan. Cristy feels pathetic sa ginagawa niya ngayon kung bakit pa siya papasok suot ang couple shirts nila ni Nate. Pero gusto niya lang ipaglaban ang nararamdaman niya. Nasa personality na niya yun. Ayaw niyang maging loser sa game na di niya nilaro. Tatlong araw siyang nag-isip, try to let go and find herself. But still she's into Nate.

~~~

"KAINIS!" KAMOT-ULO SI Jasper paglabas niya ng bahay nina Lhyn. Gusto niya kasi itong i-surprise na sunduin. Well, siya ang na-surprise dahil nakaalis na ito. "Ba't di niya ako hinintay? Alam naman niyang couple shirts' day ngayon. Dapat sabay kaming papasok at suot ang couple shirts namin! First couple shirts' day pa naman namin 'to as a couple! And, aaah, it's the last!" himutok niya pagpasok niya ng kotse. Kahapon kasi nagtampo si Lhyn sa kanya dahil wala siyang sinasagot sa tanong nito tungkol sa isusuot nila this day. Naisip niya kasing baka di magustuhan nito ang idea niya para sa shirts nila.



Suot na niya ang couple shirts nila ni Lhyn at dala ang para sa nobya. Indigo ang color ng t-shirt niya at pink naman ang para kay Lhyn. Pero ayun, nagsuot siya ulit ng uniform para matakpan ang damit dahil sa tampo.

~~~

"SEE-YOU-LATER!" ABOT TAINGANG ngiti ni Edward habang tina-type ang see you later! at i-send ito sa ka-chat niya sa wattpad na kilala niya lang sa username na 'AnnieMAZING', pero may hinala na siya na Annie ang name nito dahil obvious naman. "See you, Annie." Matamis na ngiting sabi niya habang nakatingin sa salamin suot ang couple shirts nila. Isa lang ang pinagawa niya dahil separate ang pagawa nila ng ka-chat niya. Yellow-green ang kulay nito na MMDA lang ang peg. Naisip niya ang kulay na yun para kita sa malayo at kahit sa dilim man. At naisip niya na malamang walang mag-iisip ng ganung kulay sa mga ka-schoolmate niya. Para hindi sila mahirapan hanapin ang isa't isa. May naka-print na 'Looking For Her' at nasa half-heart shaped na image ang 'Her'.



"Nicole, sabay natin hanapin siya. Tulungan mo ako." Nasabi niya nang hawakan niya ang picture nila ni Nicole na nakadikit sa salamin. May lungkot na naman sa mga mata niya. Ngunit nakangiti siya sa pag-asang si AnnieMAZING na ang babaeng muling magpapatibok ng puso niya.



Paglabas niya ng pinto, sumalubong sa baba ng hagdan sina Kyle, Karl at Zab. Na pare-pareho naman ang suot. Naka-itim ang mga ito at may print na 'single for now'. Yun ang couple shirts nilang tatlo. Mga loko talaga. Nasa ibang school na kasi ang mga girlfriend nila dahil college na ang mga ito.



"Woah! Looking for her!" sabay-sabay na sabi ng tatlo nang makita siya at umakbay ang mga ito sa kanya. Pagpapakita ng suporta ng mga ito. Pero pinagtawanan din nito ang kakornihan niya at kulay ng damit na napili niya.



"Are you ready for love?" tanong ni Kyle. Nakangiting huminga lang siya ng malalim at inalog-alog ang katawan para maalis ang tensyon at kaba.



"Good luck, bro!" tapik ni Karl.



"Patuli ka na kapag nakita mo na siya!" biro ni Zab.



"Gago tuli na ako!" tulak niya kay Zab at nagtawanan sila habang naglalakad papuntang school.



Pagdating nila sa campus, napakamot-ulo siya nang makitang di lang siya ang may ganun kulay ng damit. Sobrang daming kapareha. Epic fail attack!

~~~~

Si Kristan at ang kanyang grupo na sina Awin, Arvin, Melcho, Carly at Evy ay pumasok nang magkakasama. Para silang bagyong humawi sa mga estudyanteng kasabayan nilang maglakad. Naka-uniform lang sila dahil lahat naman sila single. Di naman sila bitter niyan. Sina Arvin at Melcho, kaka-break lang sa mga gf nila kaya medyo mas ampalaya mode ang mga ito.

~~~

BRILLIANT MIND ACADEMY'S COUPLE SHIRTS' DAY 2014! LOVE, LOVE, LOVE!



Yan ang nakasulat sa banner na nakasabit sa taas ng gate ng school na sasalubong sa papasok na mga estudyante. Lahat excited at looking forward sa iba't ibang kulay ng couple shirts at designs ng mga ito at sa statement ng bawat t-shirts. Bawat couple sabay na pumasok suot ang couple shirts nila at magkahawak-kamay. Ang iba, may mga flowers pa for their girlfriends. Some are stuff toys at kung ano-ano pa para ipakita ang pagmamahal nila. Lahat kinikilig kapag nakita ang friends nila na naka-couple shirts. Damang-dama talaga ang extended valentine's day sa school. Maliban sa ibang bitter at kj na single at sa mga kaka-break pa lang sa jowa nila na naka-uniform lang at di maipinta ang mukha.



May mga magkaibigan naman at group of friends na pare-pareho ang damit. Para ipakita ang malupet nilang friendship. At may mga naka-uniform lang talaga na walang paki. Or naghihintay lang ng someone? Karamihan sa mga yun single na hoping na may magbigay sa kanila ng couple shirts. May booth din kasi sa school na pwede kang bumili at magpa-personalize ng couple shirts para dun sa mga walang na-prefer or sa mga boys and girls na gustong mag-confess ng kanilang pag-ibig.



Ang founder ng school na sina Mr. and Mrs. Torres, naka-couple shirts din at masayang pinagmamasdan ang mga estudyante habang magkahawak-kamay mula sa bintana ng kanilang office.

~~~

HALOS NAGKASABAY LANG sa parking lot ng school sina Cristy, Lhyn at Jasper. Magkakasama silang naglakad papuntang classroom. Sina Lhyn at Jasper kung todo iwasan. Natatawa lang si Cristy sa dalawa na halatang naghihintayan lang. Maraming mga matang nakatingin at bulungang umalingaw-ngaw. Kung nagkabalikan na ba sina Cristy at Nate? At kung break na agad sina Jasper at Lhyn?



Pagdating nila sa classroom, nadatnan na nila sina Kyle, Karl, Zab at si Edward, na nauna nang napagchismisan kung may gf na daw ba ito dahil sa suot nito? Nagkatinginan naman ang apat nang makita ang damit ni Cristy. Nagulat sila tulad nang naging reaksyon ni Jasper. Pero niyakap na lang nila ito dahil ilang araw din nila itong di nakita. Napansin din ng mga ito ang LQ nina Lhyn at Jasper.



Nagsenyasan ng mga nakakalokong tingin ang apat. "Tsk, tsk, tsk." Pang-aasar pa ng mga ito na ikinakunot ng noo ni Jasper.



"Kumusta?" si Edward kay Cristy.



"Pretty pa rin." Nakangiting sagot nito. "I hope, mahanap mo na siya." sabi nito at inayos-ayos pa ang damit niya.



"Sana ikaw din. Mahanap mo na sana siya." sagot ni Edward at pinatong niya ang kanyang mga kamay sa magkabilaang-balikat ni Cristy. Sad smile lang ang naging tugon nito. Alam nitong hindi si Nate ang tinutukoy niya. Kung sino man? Only God knows.

~~~

"READY?" TANONG NI Nate kay Chelsa na kausap niya sa cellphone sa kabilang linya.



"Yes." Sagot ni Chelsa.



Halos sabay silang bumaba sa kani-kanilang kotseng sinakyan na magkatapat na nakaparada sa tapat ng school gate. Nakatayo silang nakangiti sa isa't isa suot ang couple shirts nila. Naglakad sila palapit sa isa't isa. At natupad ang isa sa ten list ni Chelsa na gagawin nila ni Nate for one month.



#3. MAGSUOT KAMI NG COUPLE SHIRTS NI NATE!



"Nice shirt." Nakangiting bati ni Nate.



"I know. Sa 'yo din, type ko shirt mo." Nakangiting sagot ni Chelsa.



Simple white shirts lang ang couple shirts nila na may black ink statement prints na 'boyfriend ko si NATE' sa t-shirt ni Chelsa at 'girlfriend ko si CHELSA' sa t-shirt naman ni Nate na naka-Arial font. Napakasimple lang. Pero ika nga nila, simple pero rock! At yun ang pinagmamalaking brilliant idea ni Nate. Na naisip niya nang di makasagot si Chelsa sa tanong ng tropa niya kung talaga bang sila na. Well, may sense naman at sweet din naman.



Nag-holding hands sila at nakangiti nilang tiningala ang mahabang banner na nakasabit sa gate at nag-selfie sa kanya-kanya nilang cellphone na agad ginawang wallpaper, bago sila naglakad papasok ng gate. First and last couple shirts' day nila ito sa kanilang school kaya naman tini-treasure talaga nila ang moment na 'to.



Nang mga oras na yun. Masaya silang pinagmasdan ng ama ni Chelsa. Ngunit mababakas sa mga mata na may malalim itong iniisip. Na may konsensyang umuusig ngunit kailangan gawin.



Maraming mga matang nakatingin sa kanila habang papasok sila sa school building, na nakasanayan na lang nila. Balewala na sa kanila ang mga iyon, maging ang mga bulungan ng mga ito. Dahil sabi nga ni Edward na lagi nilang paalala sa isa't isa, walang masamang isipin ang future. Ang masama kung di mo i-enjoy ang ngayon. At lagi rin nilang sinasabi sa sarili nila na, di nila dapat idepende ang kasiyahan nila sa iilang tao lang na ayaw sa kanila. Kaya naman sa nakalipas na tatlong araw, animo'y may sarili silang mundo. Kapag umibig ka nga naman. May ibang tanggap na sila at kinikilig na rin sa tambalan nila. Pero mas marami pa rin talaga ang ayaw sa kanila. At mas maraming si Chelsa lang talaga ang ayaw.



"I love you." Pabulong ni Nate kay Chelsa na diretso lang ang tingin habang naglalakad sila.



"I love you, too." Pabulong din sagot ni Chelsa na diretso lang din ang tingin.

~~~

"NANDYAN NA SI Nate." Sabi ng isa sa classmate nila sa isa pa nilang classmate na ikinaliwanag ng mukha ni Cristy nang marinig niya ito.



Tumayo si Cristy at binuksan ang bag para kunin ang t-shirt na para kay Nate.



"Are you sure?" pagpigil ni Lhyn sa kamay niya na makikita ang pag-aalala sa maaring gawin niya.



"Ibibigay ko lang 'to sa kanya. Kami pa nang ipagawa ko 'to. So, kanya 'to." Nakangiting sagot ni Cristy. Simangot na binitawan na lang ni Lhyn ang kamay niya.



Si Jasper at yung apat napa-sighed na lang at napatingin sa malayo nang lingunin sila ni Cristy. Kinuha niya ang damit at lumabas siya ng classroom. Sumunod naman ang mga kaibigan niya.



Nakangiti si Cristy paglabas niya. Pero biglang nawala iyon at na-awkward siya nang makitang magkasama sina Nate at Chelsa na magka-holding hands. Si Nate lang kasi ang narinig niyang paparating kaya inakala niyang mag-isa lang ito. Itinago niya sa likod niya ang damit na para sana rito. At may humablot ng damit sa kamay niya. Napangiwi siya ng makita kung sino ito nang lingunin niya, si Kristan.



"Para sa 'kin ba 'to?" may nakakalokong ngiting tanong ni Kristan kay Cristy at inikot-ikot pa nito sa hangin ang damit.



"Ibalik mo nga yan. Hindi sa 'yo yan!" inis na sagot niya.



Naghiyawan ang mga estudyanteng nakatingin sa kanila nang bigla na lang hubarin ni Kristan ang polo nito at sando. At isinuot ng binata ang damit na para sana kay Nate.



"Bagay ba?" tanong nito at umikot pa. "Alam mo di ko gusto ang ganitong kulay, pero okay na rin."



"Hubarin mo nga yan!" napangiti siya. Pero di niya napigilan ang maluha habang nakatitig sila ni Kristan sa isa't isa. Makabuluhan ang mga titig nito sa kanya. At bigla na lamang siya nitong hinila palayo nang makita nito na papalapit na sina Nate at Chelsa. Di na siya nagtanong kung bakit at saan sila pupunta. Dahil pakiramdam niya nun, may superhero na nagligtas sa kanya. Ang mga tropa niya walang nagawa at pinagmasdan na lang sila habang papalayo. Hinayaan na lang ng mga ito na ganun ang mangyari kaysa kung ano pa.



Nadaanan nila ang mga kaibigan ni Kristan na kanina pa sa kanila nakatingin. Si Carly, napayuko na lang at nagbabadya ang pagtulo ng luha sa mga mata. To the rescue naman si Evy na bestfriend nito at niyakap ang dalaga. Si Awin naman sa iba nakatingin, kay Lhyn. At napangiti nang makitang hindi naka-couple shirts sina Lhyn at Jasper. Isa pa 'tong Awin na 'to sa 'AND I WILL DO ANYTHING FOR LOVE CLUB' eh, 'no?

~~~

NANG NASA TAPAT na sina Nate at Chelsa ng classroom nila nagpulasan ang mga bitter na nag-aabang sa pagdating nila nang makita ang kasweetan nila. Inakala kasi ng mga ito na magkakaroon nang eksena dahil kay Cristy. Pero nasiyahan naman ang mga ito sa eksenang ginawa ni Kristan kaya, party-party! Tuloy ang chismisan! High school nga naman, pagdating sa love life mas maraming alam kesa sa lecture ni ma'am.



Naiwan ang tropa ni Nate. Nag-smile siya sa mga ito pero tiningnan lang siya at tinalikuran ng mga kaibigan sabay pasok sa classroom. Matapos kasi ang away nila ni Jasper hindi pa siya kinausap ng mga ito kahit nag-try na siyang mag-reach out at makipag-ayos. Si Edward nagpaiwan at bumati sa kanila.



"Ayos, hah? May nagtanong ba?" biro ni Edward sa kanila ni Chelsa nang mabasa nito ang nakasulat sa couple shirts nila. Napangiti sila.



"Sira!" sambit ni Nate at nag-hand shake silang magkaibigan. Nakipagkamay rin si Edward kay Chelsa. "Hinanap mo na?" tanong niya.



"Hindi pa, bro. Medyo kinakabahan ako. Bilis ng tibok ng puso ko kapag naiisip ko."



"System malfunction yan. In love ka na, bro!" saad ni Nate at mahinang sinuntok-suntok niya ito sa dibdib.



Natawa si Edward. "Parang ikaw kay Chelsa nun? Nang magka-system malfunction ka dahil sa pagka-in love!" biro nito sa kanya.



"Gago!" Nagtawanan sila. OP naman si Chelsa na natuwa na lang sa masayang usapan nilang dalawa.



"Pero galing nang naisip niyo, hah? Kaninong idea yan?" ani ni Edward.



"Kanino pa bang matalinong utak sa tingin mo?" pagyayabang na sagot niya.



Napangiwi si Chelsa at hinampas siya sa braso. "Para mo naman sinabing ang bobo ko?!" sita nito.



"Well, ikaw ang may sabi niyan, Chelsa." Sagot niya sa nobya at lalo tuloy siya nitong sinaktan. Natawa na lang si Edward sa kakulitan nilang dalawa.



"Pero sa tingin ko parang di naman gaanong pinag-isipan?" Hirit pa ni Edward na ikinahalakhak ni Chelsa.



"Haist! Loko ka, hah! Gusto mo masaktan?!" salubong-kilay niyang sigaw.

~~~

"SAAN BA TAYO pupunta?" tanong ni Carly kay Evy. Hinila kasi siya ni Evy nang makalayo na sina Kristan at Cristy na dumaan sa tapat nila.



"Basta sumunod ka na lang, may surprise ako sa 'yo." Nakangiting sagot nito. At sa CR sila pumunta.



"Anong gagawin natin dito?" natatawang tanong niya sa kaibigan. Pero seryoso ang mukha nito at pinunas ang natitirang bakas pa ng luha sa kanyang mukha.



"Here. Isuot mo." inabot ni Evy sa kanya ang damit na kinuha nito sa bag at tinulak siya papasok ng cubicle. At pumasok din ito sa isa pang cubicle.



Paglabas nila, suot na nila ang pareho nilang kulay yellow na damit at humarap sila sa salamin. May print ng mukha nila ang mga suot nila.



"See? May couple shirts din tayo!" masayang sabi ni Evy at inakbayan siya. "Don't cry na friend. Ba't di mo ako gayahin. Kahit single pretty pa rin. Ayaw naman sa 'kin ng gusto ko. Kaya ayaw ko na rin sa kanya!"



Pero lalo lang siyang naluha dahil sa care ng bestfriend niya. "Thanks friend. Natats ako." Iyak niya.



"Don't cry na nga kasi! Smile!"



"Okay." Ngumiti siya at nagpunas ng luha. "I love you, friend." Niyakap niya ang kaibigan.



"I love you, too, friend!" sigaw na sagot nito at nagyakapan sila na parang ang tagal na di nagkita.



"That's my tomboy?" komento nang pumasok na school mate nila sa CR nang madatnan silang magkayakap. Natawa na lang sila nang malakas.



Minsan di mo naman talaga kailangan ng love life or ng boyfriend or girlfriend. True friend lang sapat na. True friend na masaya kapag masaya ka. Malungkot kapag malungkot ka at dadamayan ka pa para sumaya ka. That's a kind of love na pang habambuhay. What is love? Love is a friendship na mahirap mahanap. Yung nand'yan lagi sa tabi mo sa ups and downs ng buhay mo.

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now