CHAPTER 18

6.9K 139 15
                                    

> NATE'S POV <



NAGLALAKAD KAMI NGAYON nina Edward, Jasper, Kyle, Zab at Karl papuntang shop kung nasaan sina Cristy at Lhyn. Kunin na raw namin yung suit namin, para daw kaming walang pakialam sa prom bukas. Eh, bukas pa naman, alas-kwatro pa lang ng hapon.



Pagpasok namin sa shop, napatili si Lhyn. Nakita namin siya na naka-gown at agad siyang pumasok sa fitting room.



"Promlema nun?" si Edward.



"May saltik yun, eh." Si Jasper. Natawa lang kami. Pero kumislap naman yung mata niya. Nagandahan naman kay Lhyn.



"Di n'yo dapat kami makita na naka-gown! Baka di matuloy ang prom!" sigaw ni Lhyn habang nasa loob siya ng fitting room.



"Kasal lang?" ako tapos tawanan kami. Si Lhyn talaga di na nahiya, di lang kaya kami ang tao dito.



Lumabas si Cristy ng fitting room, bitbit niya ang gown niya. Nag-smile ako sa kanya and she smiled back. Halos kasunod niya lang na lumabas si Lhyn na nahubad na yung gown.



"Wedding lang ang peg, girl?" si Cristy kay Lhyn.



"Malay n'yo naman. Ang mahal-mahal kaya ng gown." Sagot ni Lhyn.



Siningkitan lang ni Cristy si Lhyn. Senyas na mahiya ka naman at nandito yung may ari. Kami naman napangiti na lang. Napaka-straight forward talaga nito ni Lhyn magsalita.



"Babe, sukat n'yo na suit n'yo." Sabi sa 'kin ni Cristy.



"Oo nga boys, para kung may kailangan i-repair. At wag kayong magpapakita sa 'min. Baka di matuloy." Si Lhyn. At pinilit pa talaga ang gawa-gawa niyang pamahiin.



"Excited ka talagang ma-date ako, 'no?" Si Jasper kay Lhyn.



"Chora mo!" sagot naman nito sabay pouted.



"Di na siguro kailangan isukat. Sinukatan naman kami, di ba?" ako. Katamad naman kasi magsukat pa.



"Oo nga naman." Si Edward, at nag-agree din yung iba. May isang isip kami ng mga 'to minsan, eh. O mga tamad lang talaga?



Habang nakaupo ako at nakatingin sa mga gown, naisip ko na naman si Excuse me girl. A-attend kaya siya sa prom bukas? Tanong ko sa sarili ko. Tapos yun, system malfunction na naman.



"Problema, bro?" si Kyle.



"Parang namumutla ka?" si Karl.



"Natatae ka?" si Zab. Loko 'to, hah. At pinagtawanan nila ako. Mga ugok talaga 'to.



Nag-smirked lang ako. Tapos tumayo ako para lumabas. Pag-uuntugin kong mga 'to, eh!



"Sa'n ka punta?" si Edward.



"Pahangin lang." sagot ko lang. Nasu-suffocate kasi talaga yung pakiramdam ko.



Pagbukas ko ng pinto, may dumaang dalaga. Siguro di niya ako napansin? Nagulat talaga ako. Excuse me girl? Sabi ko sa utak ko. System malfunction upgrade. Oh, shit! Kung saan-saan sumusulpot ang babaeng yun. Kabute ba siya? Parang nag-slowmo pa. Ba't napapa-slowmo na ang pakiramdam ko 'pag 'andyan siya? Haist! Sinundan ko siya ng tingin. Saan kaya siya pupunta? Siya ba talaga yun? Tanong ko sa sarili ko. May doubt pa kasi ako kung siya talaga yun. Di kasi naka-uniform.



"Hoy!" tapik sa 'kin ni Edward. Nagulat pa ako.



Kakagulat naman ang mokong na 'to. Tapos pinagtawanan pa ako. Napangisi na lang ako at tiningnan siya nang masama.



"Nakatulala ka kasi. Sino tinitingnan mo?" may pang-aasar pang tanong niya.



"Hangin. Nakita mo?" pilosopong sagot ko. Siya ba talaga yun? Muling tanong ko sa sarili ko. Tapos pumasok na ako sa shop. Sumunod naman agad si Edward. "Mauna na ako, guys." Paalam ko, tinginan lahat sila sa 'kin.



"Why, babe?" tanong ni Cristy.



"Medyo masama pakiramdam ko."



Lumapit si Cristy sa 'kin at hinawakan ako sa noo. "Wala ka naman lagnat?"



"Wala nga. Pero sama talaga ng pakiramdam ko."



"Kaya pala kanina ka pa parang wala sa sarili mo?" si Edward. Tumango lang ako.



"Bro, hatid mo na lang yung suit ko sa bahay." Pakiusap ko kay Edward. "Mukhang matatagalan pa kasi."



"Okay, gusto mo hatid na kita?"



"Wag na, bro. Pasundo na lang ako sa driver."



"Bye, babe. Ingat ka. Pagaling ka, hah. Pa'no yan bukas 'pag nagkasakit ka?" pag-aalala ni Cristy at niyakap ako. At yun talaga ang concern niya, yung prom bukas.



"Text na lang ako, guys." Tumango sila. Bago ako lumabas ng pinto I mouthed Cristy, I'll call you tonight.



Naglakad ako kung saan direksyon pumunta si Excuse me girl. Patakbo pa akong maglakad. Naabutan ko siya, pero syempre para akong spy na nakasunod. Haist! Ba't ko ba ginagawa 'to? Pambihira! Tatalikod siya? Nang makita kong paharap na siya sa direksyon ko, tago agad ako sa likod ng poste. Buti na lang magaling ako at lakas ng reflexes ko.



Lakad, lakad, lakad. Tumigil na nanam siya. Alam niya kayang may nakasunod sa kanya? Tindi ng babaeng 'to! Paharap na naman siya sa likod niya. Tago agad ako. Buti may matabang lalaking nakahinto na kumakain ng kwek-kwek. Sinilip ko si Excuse me girl, palingon-lingon siya. Tago ulit ako. Pagsilip ko ulit naglalakad na siya. Alam niya talagang may nakasunod sa kanya? Lupet! Narinig kong napatikhim si taba. Paglingon ko nakasimangot, parang kakainin ako ng buo. Nag-smile lang ako at yumuko bilang paumanhin. Upakan ko 'to, eh!



Sunod, sunod, sunod. Tago, tago, tago. Hanggang sa pumasok siya sa mall. Aba matinde! Di pumasok sa school, kala mo may sakit. Yun pala magmo-malling lang. Pasok din ako ng mall. Sunod, sunod, sunod. Tago, tago, tago na naman ako. Sumakay siya ng escalator, sakay din ako. Ewan, pero parang may kontento akong nararamdaman habang pinagmamasdan ko siya kahit likod lang. Buang na ako dong, shit! Tapos, lakad, lakad, lakad. Sunod, sunod, sunod na naman.



Pumasok siya ng department store, pasok din ako. Ugh! Ba't ko ba ginagawa 'to? Patago-tago ako sa mga damit at pasilip-silip sa kanya. Pumipili siya pero parang di naman bibili. Window shopping? Bigya ko ng pera 'to, eh!



Habang pinagmamasdan ko siya, parang nakakahumaling. Nakakahumaling? Lalim, hah? Ganun ba talaga yun, nagiging makata? Haist! Pero kasi, parang gumaan ang pakiramdam ko. Napapa-smile ako habang nakatingin lang sa kanya. Tapos 'pag parang lilingon siya sa direksyon ko, tago naman agad ako. May mga sales lady pang pinagtitinginan ako. Pero gagantihan ko lang sila ng smile, tapos yun kilig-kiligan naman sila. Pero ano ba talagang ginagawa niya rito? Parang wala naman siyang balak bilhin. Papili-pili lang? Bigyan ko na talaga ng pera 'to, eh!



At wala talaga siyang binili. Ako ang may nabili, napabili ako ng cap ng wala sa oras. Di pa naman ako mahilig magsuot nito, masisira kasi ang hair style ko. Pero napabili ako may nakita kasi akong mga girl students na taga sa 'min. Nakita kong nagbulungan sila at alam kong si Excuse me girl ang pinag-uusapan nila dahil itinuro siya nung isa. Masama ang kutob ko sa apat na 'to. Sila pa naman yung mga babaeng gangster kong makaasta sa school. Mga fans sila ng love team namin ni Cristy. Sila yung admin sa isang page namin na 'Crinate' ni Cristy. Kilala ko sila. Paktay! Alam kong may mga binabalak 'to, sinundan kasi nila si Excuse me girl.



Ako naman, sunod agad. Payuko pa ako para matakpan ng cap ang mukha ko. Pero sana pala bumili na rin ako ng jacket na may hood. Kaso naisip ko naman na baka mapagkamalan akong member ng Martilyo gang. Pero ako na siguro ang pinakagwapong magiging member nila?



Sinusundan nga nila si Excuse me girl. Para silang mga siga lang ng Tondo. Lumiko si Excuse me girl, sunod naman yung apat, papunta silang restroom. Sunod naman ako, pero nawala sila sa paningin ko. Siguro nakapasok na sila sa girl's restroom. Ako naman tumuloy sa boy's restroom na katapat lang.



Nagtago lang ako roon at nakiramdam. Para akong tangi na nakasandal sa pinto at pasilip-silip sa labas. Kapag may papasok at lalabas pinagtitinginan ako. May mga bumababae pang kinindatan ako, napangiwi na lang ako at di sila pinansin.



"Chelsa, sandali! Ba't ka nagmamadali? Tinatawag ka namin, hah?" agad ako sumilip sa labas sa narinig. Nakita ko si Excuse me girl na sinundan ng apat 'pag labas niya ng CR. "Sabi ko hintayin mo kami, di ba?" si Joyce pala yung tumawag sa kanya at inakbayan siya nito.



Si Joyce ang tumatayong lider ng apat. Feeling close siya sa tropa namin, lalo na sa 'min ni Cristy. Minsan kasi napaaway sila nun. Mga babaeng taga kabilang school ang mga nakabangga nila, nagulpi sila ng mga yun. Sakto namang napadaan kami ni Cristy at tinulungan namin sila. Di naman ako nakipagsuntukan, mga babae yun. Tinulak-tulak ko lang sila at umawat lang ako. Pero si Cristy nakipag-away talaga. Dun nag-umpisa na hangaan niya kami at maging fans namin sila.



Agad akong nagtago baka makita nila ako. Ramdam ko ang takot ngayon ni Excuse me girl. Parang sasabog na naman ako. Kung mga lalake lang ang mga 'to inupakan ko na, eh!



"Wag kang feeler! Lumagay ka sa lugar mo, bitch!" dinig kong sabi ni Joyce.



Sumilip ako, nakita kong tinutulak-tulak si Excuse me girl. Cover up naman yung tatlo para di gaanong pansin. Kapag may dumadaan tumatahimik sila. Parang gusto ko talagang manadyak! Nakahanda na rin ang mga kamao ko. Eh, kaso nga mga babae yun! Haist! Lumaban naman si Excuse me girl, hinahawi niya ang kamay ni Joyce kapag tinutulak siya.



"Lumalaban ka? Matapang ka?" sita ni Joyce sabay tulak.



"Ano bang kailangan n'yo sa 'kin?" tanong ni Excuse me girl. Kita kong galit na rin siya.



"Wala! Gusto ka lang namin pagtripan. Epal ka, eh!" at hinila-hila ni Joyce ang buhok ni Excuse me girl at mahinang sinapak-sapak pa.



Napapaatras na si Excuse me girl. May ilan nakakakita pero di naman sila pinapansin. Tinulak rin niya si Joyce at parang napalakas.



"Aba, talagang!" daing ni Joyce at malakas siyang itinulak nito. Nawala siya sa balanse. Natumba siya. Napa-aray siya. Di na ako nakatiis. Shit 'tong mga 'to, hah! Nagka-system malfunction na naman kasi ako.



"Itigil niyo yan!" sigaw ko.



Napatingin lahat sila sa 'kin. Napaatras sina Joyce. Si Excuse me girl, nakaupo pa rin sa sahig. Nakita kong lumuluha siya. Naghahabol ako ng hininga at nakatingin lang kami sa isa't isa. Lumapit ako sa kanila, nakatitig pa rin ako sa kanya. Gusto ko siyang yakapin para mawala ang takot niya.



"Itong pelengerang 'to!" si Joyce at hinila pa ang buhok ni Excuse me girl. Napaaray siya. Hinawakan ko ang braso ni Joyce na nakahawak kay Excuse me girl. Diniinan ko at napadaing ito.



"Bitawan mo siya." Mahina ngunit madiing sambit ko at agad naman itong bumitaw. Kay Excuse me girl pa rin ako nakatingin. "Ano sa tingin n'yo ang ginagawa n'yo?" tanong ko kina Joyce, pero ang mga mata ko nasa babaeng… gusto kong protektahan.



"Pero – "Tiningnan ko nang masama si Joyce at di na niya itinuloy ang sasabihin niya.



"Umalis na kayo. At wag n'yo nang uulitin 'to. Kundi ako makakalaban n'yo." Galit na sabi ko. Agad naman umalis yung apat. Napa-sighed ako nang kami na lang dalawa. I bend my knees and kneel down in front of her. At hinawak ko ang mukha niya to wipe her tears. "Ba't ba ang hilig mong umiyak?" nasabi ko. Wala siyang sinagot, nakatingin lang siya sa 'kin.



Parang huminto na naman ang oras. Ang epic, parang unti-unti kong nilalapit ang mukha ko sa kanya. Bigla siyang napayuko at hinawakan ang kanang paa niya. Nakita ko sa mukha niya na may dinadaing siyang sakit. Ayun, medyo namamaga pala yung kanang paa niya.



"Aray!" daing niya nang inaalalayan ko na siyang tumayo.



"Na-sprain ka?" tanong ko. Tumango lang siya.



Binuhat ko siya at nakita ko sa reaksyon niya ang pagkagulat. Parang slowmo na naman habang naglalakad akong buhat siya. Para akong superhero na sinagip siya sa panganib. Ramdam kong nakatingin lang siya sa 'kin. At nang lingunin ko siya, di nga ako nagkamali. Ang cute niya, pulang-pula na yung mukha niya. I smiled a bit, at parang lalo siyang nagkamatis.



May mga taong pinagtinginan kami, may ibang kinilig pa nga. Buti may mga upuan sa gitna ng mall na pwedeng mag-rest ang mga shoppers. Dinala ko siya roon, buti walang nakaupo nang mga oras na yun.



"Dito ka lang." sabi ko sa kanya at iniwan ko siya nang walang paliwanag.



Pumasok ako sa isang fast food chain. Ewan kung ba't ang lakas ng loob ko nang mga sandaling yun, humingi ako ng tube ice. Pinalagay ko sa plastic bag at sinabi kong emergency lang.



"Sir, para saan, sir?" tanong ng service crew.



"S-Sa girlfriend ko. Na-sprain nga paa niya." Sagot ko. Pero sinabi ko lang na girlfriend para ma-touch sila at masweetan. Wag kayong mag-isip ng kung ano, readers! Para magbigay lang sila ganun, kaya nasabi ko yun. Sinabi ko na ngang emergency at may na-sprain, nagtanong pa ulit? Ba't ganun, laging nagtatanong ulit kahit nasabi mo na naman? Parang walang tiwala sa 'yo? Pero binigyan naman nila ako at nagmadali akong binalikan si Excuse me girl.



Agad kong nilapatan ng yelo ang paa niyang na-sprain. Napansin kong medyo nasasaktan siya sa bawat pagdiin ko ng yelo sa napinsala niyang paa, naririnig ko kasi ang pagdaing niya. Kaya naman extra gentle ang ginawa kong paglapat ng yelo. Di siya nagsasalita, di ko alam kung nakatingin siya sa 'kin, nakayuko lang kasi ako. Parang naiilang kasi akong tingnan siya. Baka kasi kung ano na naman iniisip ng babaeng 'to? Bigla na lang naman kasi akong sumulpot kanina at tinulungan siya. Pero parang may reason naman kung mag-isip man siya sa pangyayaring 'to. Pambihira!



"Nate, kaya ko nang gawin yan. Umalis ka na, baka kasi may makakita pa sa 'tin dito na taga-school." Pag-aalala niya. Nilingon ko siya pero di ko pa rin binitawan yung paa niya. "Thanks, sa lahat." Mahinang sabi niya.



"Wala namang masama sa ginagawa natin, di ba?" tugon ko sa kanya at ipinagpatuloy ko lang ang paggamot sa paa niya. "Buti di naman gaanong malala." Napangiti ako nang mapagmasdan ko ang mga paa niya. Ang cute. Ang liliit. Nakangiting sambit ko sa sarili ko.



"Pero," pero niya – pero di ko siya pinansin. Tinuloy ko lang ang ginagawa ko.



"Ba't di ka pumasok ngayon? Tapos nandito ka sa mall namamasyal? Ayos ka rin, hah?" Pero ba't parang galit ako sa tanong ko? Shit! Naiinis ba ako dahil di siya pumasok? Haist!



"Ano bang pakialam mo? binasted mo nga ako, di ba?" may pagtataray niyang sabi. "Aw!" napa-aw siya nang diinan ko ang paa niya. Lokong 'to, buti walang gaanong tao. Dyahe kaya.



Di na ako nagsalita at muli ko siyang nilingon. Di ko alam kung anong isasagot sa sinabi niya. Parang nagka-malfunction na naman ang pag-hinga at ang puso ko. 'Tong babaeng 'to talaga ang dahilan, eh! Taong virus ata 'to, eh?



Nakatingin lang ako sa kanya – nakatingin din siya sa 'kin. Parang sinusuri ko ang sarili ko kung siya nga ba ang dahilan nito? Ng pagkapos ko ng hininga at bilis ng tibok ng puso ko. Pero parang imposible naman? Eh, halos kailan ko lang siya nakilala kahit na halos ilang buwan ko na siyang classmate.



Parang gumaganda siya? Sa isip ko. Ano daw? Ugh! Alisin mo na nga ang tingin mo sa 'kin Excuse me girl! Dahil di ko kayang iiwas ang tingin ko sa 'yo! Parang nakakaadik kang pagmasdan! Shit ka! Haist!



"Nate?!" tawag ng babae sa likod ko na may galit ang tono. Pero sana mali akong siya yun.

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now