CHAPTER 26

6.5K 132 7
                                    

PAGLAPIT NIYA SA 'kin agad niyang kinuha sa kamay ko ang bag. Nakatingin lang siya sa 'kin. Hala baka pagbintangan pa ako? "N-Nakita ko lang dyan." Paliwanag ko at itinuro ko ang trashcan. Haist! Di ko talaga alam ba't ganito ako sa harap ng babaeng 'to? Tiningnan niya lang ulit ako at nilapitan niya ang basurahan. Naluluha siya habang kinukuha yung lunch box at tumbler na wala na ang mga laman. "Wag kang umiyak. Baka may makakita – isipan pang inaway kita." Sabi ko.



"Salamat." Mahinang sabi niya habang nagpupunas ng luha.



Bigla ko siyang hinila palapit sa 'kin at nagtago kami sa baba ng hagdan sa sulok. May mga yapak ng paa kasi akong narinig na pababa, nag-uusap ang mga ito. Ewan, ba't kailangan magtago. Pero iwas dagdag usapan na lang siguro.



Ang epic dun – dahil yakap ko siya. As in, talagang yakap! Nasa likod niya ang mga kamay ko. Sobrang nabigla ata siya – nanigas na lang siya. Nabitawan niya pa ang bag na hawak niya. Buti di yung baunan, siguradong maingay yun.



Nakadikit ang mukha niya sa dibdib ko dahil payuko ko siyang niyakap. Naaamoy ko ang mabangong buhok niya. Parang may bomb threat, ang bilis ng tibok ng puso ko at parang sasabog. Haist! Dyahe baka marinig niya. Napalunok-laway na lang ako. May naririnig akong, togtog-togtog! Pero alam kong di lang akin yun. For sure, mabilis din ang tibok ng puso niya. Yakapin ko ba naman siya. Eh, type kaya ako nito.



Parang tumigil ang oras habang magkayakap kami. Minsan talaga siguro nagpapahinga rin ang Time keeper kaya may mga slowmo na nagaganap. Lalo na pag-in love. Truly that love is a funny thing. Ang weird. Ang strange. May mga pakiramdam pang tulad ngayon na parang lumulutang ako. Ewan ko kung nararamdaman niya 'to? Pero parang di maramdaman ng mga paa ko ang pag-apak nito sa sahig?

                            

"A-Anong ginagawa mo?" tanong niya. Medyo nadyahe talaga ako. Parang lugi pa siya, hah?



"Yakap ka. Tanga ka ba?" I smirked.



"Makatanga!" ngiwi niya.



"Ssshh! Baka makita tayo." At humigpit pa ang yakap ko. Napapahinga na ako ng malalim. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.



Nang makalayo na yung mga babaeng estudyante, pinakawalan ko na siya. Napa-smile ako. Pulang-pula kasi siya tapos napayuko na lang. Pero natigilan din ako. Haist! Awkward!



"Anong hinahanap mo?" tanong ko nang makita ko siyang may tinitingnan pa sa basurahan.



"Yung pulang paper bag na lalagyan ng baunan ko." Sagot niya. Pero wala siyang nakita. Nakita ko na naman yung lungkot niya. Pero ngumiti siya sa 'kin. "Baka wala na." sabi niya lang.



"Ba't ba kasi nandyan mga gamit mo?"



Ayun, lumuha na naman siya. "Na-misplaced ko lang." sagot niya. Ano daw?



"Seriously?" napanganga talaga ako.



"Syempre hindi! Tanga ka ba?" smirked niya. Mukhang ginaya niya pagkakasabi ko kanina. Loko din 'to, hah!



"Makatanga!" at ginaya ko naman siya. Pero napangiti na lang ako. Nakita ko kasing natawa siya. "Gumaganti ka, hah." Nakangiting sabi ko. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at pinunasan ko ang luha niya sa mukha. "Di ba sabi ko, wag kang iiyak. Mas okay, kapag ganyang nakangiti ka." Sincere na sabi ko. Full of emotions yun, hah. Gusto ko kasi talagang maramdaman niyang concern ako sa kanya. Na di siya nag-iisa.



"Salamat." Nakangiting sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko na nasa mukha niya. Natigilan tuloy ako. Parang nag-freeze pa.



"Di ko na itatanong kung anong nangyari. B-Basta…" napahinga ako ng malalim. "Basta, maghintay ka lang. Magpapakalalaki na ako. Aayusin ko 'to." Sabi ko.

                                            

"B-Bakla ka?" gulat na tanong niya.



"What?!" sigaw ko at pinandilatan ko siya ng mata. "Di ganun! Ako, bakla? Haist! Gusto mo sampolan pa kita dyan ng…" medyo humina boses ko. Natigilan ako. Napalunok-laway ako nang matitigan ko ang mapupula at maninipis na labi niya.



"Ng?" at nagtanong pa?



"W-Wala!" medyo nautal ako. Tapos natawa siya. Ugh! Pinagtatawanan niya ako? Pero natawa na lang din ako. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayong nakikita ko siyang nakangiti. Kaya ayun, tawanan kami.



Natigil ang tawa ko nang makita ko si Kristan. Nakita ko ang pagtataka nito nang makita kami ni Chelsa. Napalingon naman si Chelsa. Nakita ko sa mukha niya ang takot – at bigla niyang iniwas ang tingin niya kay Kristan. Di ko alam kung anong nangyari sa kanila. Huli kong nakita sila nun sa prom mukhang okay naman sila. Ang di ko lang alam kung may nangyari pa nang iwan namin sila ni Cristy nang gabing yun.



Tiningnan ko ng masama si Kristan. Nakita ko kasi kong pa'no niya tingnan si Chelsa. Di ko nga alam kong anong nangyari sa kanila, pero gusto kong i-secure si Chelsa na wag siyang matakot dahil nandito ako.



"Anong ginagawa n'yo?" mataray na tanong na mula sa likod ko.



Napatingala ako sa likod ko, nakita ko si Cristy sa hagdan. Ayun na naman yung mga mata niya. Kung kutsilyo yun, tadtad na kami ni Chelsa ng saksak. "Wala." Matipid na sagot ko.



Nagkatinginan din sina Cristy at Kristan. Pero bigla lang nilang binawi ang tinginan nilang yun. Tumingin ako kay Chelsa, nakayuko lang siya. Si Kristan naman naglakad na palayo.



"Tara na Nate. May quiz tayo." Pautos na sabi ni Cristy.



Naglakad ako para sundan siya. Pero dahan-dahan ang paghakbang ko paakyat ng hagdan dahil hinihintay ko ang pagsunod ni Chelsa – pero di siya kumikilos.



Muli ko siyang nilingon sa baba. "May quiz daw tayo." Sabi ko. Tiningnan niya lang ako. Nag-smile ako sa kanya, gumanti naman siya ng matipid na ngiti. Muli akong naglakad. Pasimple ko siyang tiningnan. Nakita kong naglakad na rin siya pasunod sa 'kin.



Magkakasunod kaming tatlong naglalakad, nasa hallway kani papuntang classroom. Halos dalawang dipa ang layo sa 'kin ni Cristy – ganun din ang layo ko kay Chelsa. Di ko magawang habulin si Cristy para sabay na kaming maglakad. Dahil ang gusto kong gawin ay tumigil para makasabay si Chelsa sa paglalakad.

~~~

> CHELSA'S POV <



MAGKAKASUNOD KAMING NAGLALAKAD nina Cristy, Nate at ako, papasok ng classroom. Napapalingon ang mga ibang estudyante sa loob ng classroom nila na dinadaanan namin. Nakatingin lang ako sa likod ni Nate. Waaaaahh! Sayang, di ako gumanti ng yakap. Napatulala kasi ako. Pero ang bango niya talaga. Ang init ng katawan niya. Napakakomportable ng pakiramdam. Truly that love is amazing. It heals everything. It takes away your sorrows and pain. Tanggal ang worriers mo. Happiness lang ang mararamdaman mo.



Pero love din ang magdudulot sa 'yo ng labis na pait. Pero kung happy ka naman ngayon, ba't kailangan mong mag-worries. Enjoy every seconds. Kung wala pang problema, steady lang.



Feeling ko pa kanina habang yakap niya ako, para akong lumilipad. Parang siya si Superman at ako si Lois Lane. Dati pangarap ko lang yun – ang mayakap siya. Talaga ngang hold on to your dreams!



Pumasok na si Cristy. Si Nate papasok na – pero nilingon niya pa ako. Pero tuloy lang ako sa paglalakad habang nakatingin sa kanya hanggang sa makapasok na siya. Sa likod kasi ako dadaan.



Pagkapasok ko agad akong tumuloy sa upuan ko. Tahimik ang klase pero palipat-lipat naman ang tingin nila sa 'ming tatlo, tapos magbubulungan. Si sir, napansin kong iba rin yung tingin sa 'min. Ma-echos din talaga 'to si sir.



Waaaaahh! May quiz nga. May isasagot ba ako?



Ending, halos wala akong naisagot. Puro pachamba lang. Ba't ba kasi ang hilig nito ni sir sa surprise quiz? Nangangamote talaga ako sa sagot. Good luck sa results. Sinabayan pa nang pag-iisip ko sa sinabi ni Nate. Ano ba ang ibig niyang sabihin dun?



Basta, maghintay ka lang. Magpapakalalaki na ako. Aayusin ko 'to. Ang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko. Ano bang ibig sabihin nun talaga? Ano ang aayusin niya? Waaaaaahh! Di ko gets! Parang mga tanong lang ni sir sa quiz! I hate physics! And logic!

~~~

SNACK TIME – PERO dito lang ako sa room, mag-isa lang ako rito. Nagutom pa naman ako sa quiz. Hay, naman. Mamayang lunch, tiis na naman. Nanghihinayang talaga ako sa hinanda naming pagkain ni mama.

~~~

> NATE'S POV <



"NAPA'NO KAYA YUNG bibig ni Kristan?" tanong ni Kyle.



"Baka patanga-tanga, kaya nasubsob." Sagot ni Karl.



"Baka may hinalikan, tapos sinuntok." Natatawang sagot ni Jasper.



"Baka naman pader yung hinalikan?" tawa din ni Zab.



Nandito kami ngayon sa canteen para mag-lunch. Pinag-uusapan nila si Kristan. Pero di ako nakikisali. Wala silang alam sa nangyaring suntukan namin nung prom. Itong si Edward naman, may mga naiisip na naman siguro? Parang judge na naman sa hukoman kung makatingin, may hinala na naman 'to. Wala talaga akong lusot sa ugok na 'to. Tinitingnan ko na siya ng what-look, pero wala pa rin. Haist! Sinamaan ko na ng tingin – sige pa rin.



Katabi ko si Cristy pero tahimik lang siya. Ni di pa rin niya ako tinitingnan. Di rin siya nakikisali sa usapan. Si Edward patingin-tingin din sa kanya. Haist! Lokong 'to talaga!



"Bakit anong meron?" si Lhyn.



"Sweety-creamy pie, may putok sa labi yung ugok." Sagot ni Jasper sabay akbay. Ano daw? Sweety-cearmy pie?



"Hoy! Manligaw ka muna! At anong Sweety-creamy pie? Ang baduy mo!" singhal ni Lhyn sabay tanggal sa kamay ni Jasper.



Natawa na lang kami. 'Tong dalawa talagang 'to. Pero si Cristy, tahimik lang. Na-awkward tuloy ako at tumahimik na rin. Pero yung tropa tuloy pa rin sa tawanan.



Pasimple kong nililibot ang paningin ko, hinahanap ko si Chelsa. Kanina kasi di na siya nag-snack. Tapos ngayon parang wala din siya rito. Natapon pa naman yung baon niya. Pero sino kayang baliw ang gumawa nun? Di naman siguro si Cristy kasi halos kasunod lang namin sila ni Lhyn? Tanong ko sa isip ko. "Shit!" ako, haist! Ba't ba minsan di ko mapigilan ang sarili ko? Ayun, tinginan sila.



"Bro, 'no na naman?" si Edward, na ang mga tingin may ibig sabihin. Lokong 'to talaga!



"Wala. Wala lang akong ganang kumain." Tumayo ako na di pa nauubos  ang pagkain ko. "Alis lang ako. Lakad-lakad lang."



"Akin na lang tira mo?" si Zab. Tumango lang ako. Sa tropa namin siya makinain. Pero di naman tumataba.



"Hahanapin mo siya?" tanong sa 'kin ni Cristy. Pero di siya nakatingin sa 'kin – patuloy lang siya sa pagkain. Napakablangko ng mukha niya.



"Maglalakad-lakad lang ako." Sagot ko lang. Tapos umalis na ako. Balak ko lang naman talaga maglakad-lakad. Pero umaasang makita siya.

~~~

WALA SIYA RITO? Lumabas kaya siya ng campus? tanong ko sa sarili ko pagpasok sa classroom. Nagbakasakali kasi akong makikita ko siya. Handa na ang rason ko kung sakaling nandito siya o may ibang tao. Kunwari may kukunin lang ako sa bag ko. Kaso wala siya at wala rin ibang taon.



Naglakad ako palapit sa upuan niya. Parang gusto ko lang ulit tingnan yung drawing sa arm chair niya. Nandun ang mga gamit niya at ang baunan niya. Muli kong napansin ang butterfly sa bag niya. Tapos ibinaling ko na yung tingin ko sa drawing. Hinawakan ko yung drawing sa arm chair – napangiti ako. Butterfly, heart at star, mga shape na lang ang pangit pa ng drawing niya.



"Kami kayang dalawa 'to?" nakangiting nasabi ko. Baka kasi siya yung butterfly at ako yung star?



May nakita akong nagliliparang paruparo sa labas ng bintana, ang gaganda nila. Lumapit ako sa bintana. Nagliparan pababa ang mga paruparo na sinundan ko ng tingin. At nakita ko siya – nakatingala siyang pinagmamasdan ang mga paruparong lumilipad palapit sa kanya. Malungkot siya habang pinagmamasdan ang mga ito.



Pero bakit siya malungkot? Tanong ko. Nung makita ko kasi siya minsan na pinagmamasdan ang mga paruparo nakangiti siya. Baka gutom? Pinagmasdan ko lang siya. Napahinga ako ng malalim. Anong klase ka ba ng babae? Ba't ibang-iba ang dating mo? You're weird, but I felt something special for you.



Tumalikod ako, dahil pupuntahan ko siya. Di ko alam kung ano talaga ang definition ng love. Pero baka malaman ko, kung pupuntaha ko siya. Baka masagot niya. Haist! Ang OA ko!

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now