CHAPTER 61

4K 84 32
                                    

CHAPTER 61

Nasa sampuang mesa kami ngayon na di madalas gamitin ng pamilya namin. Magkakatabing naupo sina Nate, Edward, Cristy at Kristan. Sina Cristy at Kristan kanina ko pa napapansin na laging magkadikit. Katabi ko naman si ate, ay hindi pala, may isang bakanteng upuan sa pagitan namin. Hindi man lang magpanggap ‘to na close kami sa harap ng mga bisita namin. Si Nate nakaupo sa tapat ko na kanina pa nakatitig sa’kin. Balak niya ba akong tunawin para makaganti siya sa pananakit ko?

                                                    

“Talaga bang friend niyo ‘to si Chelsa?” tanong ni ate na nakakapangliit naman. Pero tama naman yung reaksyon niyang ganun. Di ko naman talaga sila kaibigan. “At ikaw, bf niya?” tanong niya kay Nate with rolling eyes pa. Si ate talaga kahit kailan ‘to.

“Oo.” Si Cristy ang sumagot. Ngumiti siya sa’kin ng tingnan ko siya. “Starting today.” At nag-sip siya ng konti sa kape. Si ate naman mukhang naguluhan sa sagot niya. Kahit ako naguluhan. Nakikipagkaibigan ba siya?

“Well, ang totoo niyan ex niya ako. At liligawan ko siya para maging kami ulit.” Deritsong sagot ni Nate na nakatitig sa mga mata ko. Natigilan nalang ako. Sira talaga ang taong ‘to. Hindi nga pwede, eh. Parang may mga adik na chef na hiniwa-hiwa ang puso ko. Ang sakit. Nasasaktan ako sa mga ginagawa niya. Mukhang hindi magiging masaya ang mga huling araw ko sa mundo. Kung sana lang talaga pwedeng hawak ko nalang ang kamay niya hanggang sa bawian ako ng buhay, siguro mamatay akong masaya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at uminom ako ng kape. Piling ko kasi magkakagripo na naman ng luha ang mga mata ko.

“Mabuti naman wala na kayo. Dahil di kita type para sa kapatid ko.” May pagtataray sa boses ni ate na ikinagulat ko. Well, lagi naman siyang mataray sa’kin. Nagulat lang ako na sabihin niyang ayaw niya si Nate para sa’kin. “Mukhang hindi ka mapagkakatiwalaan.”

“Hah?” gulat na tanong ni Nate.

“Mukhang chickboy ka. Baka lokohin mo lang ang kapatid ko. Baka paiyakin mo lang. Ang chaka pa naman niyan kapag umiyak.” Napanguso naman ako dun. Thanks ate. Ang supportive niya talaga.

Ang mokong na Nate parang natuwa naman. “Magpapakalbo ako kapag nasaktan ko siya.” seryosong sabi niya.

“Hindi pa nagpapakalbo yan mula ng magkaisip yan.” Si Edward. Oo nga pala, masyadong sensitive si Nate pagdating sa buhok niya.

“Talaga? Eh, ano naman?” pouted ni ate. Tapos sinamaan niya ng tingin si Nate. “Basta masyado kang gwapo para maging bf ng sisteret ko.” Napakunot-noo si Nate. “Gusto mo tayo nalang?” biglang hirit ni ate. Adik talaga ‘to!

“Ate?” pasaway na sabi ko.

“Jelly?” pinandilatan niya lang ako.

“Ate, naman. Walang dahilan,” Tinitigan ko si Nate. Nakatitig din siya sa’kin. “Wala na kami. Hindi ko siya mahal.” Nakatingin silang lahat sa’kin. Gusto ko sanang sabihing mas bagay siya kay Cristy. Pero nag-alangan ako dahil kay Kristan. At mukhang may something na sa dalawang yun.

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now