CHAPTER 23

7.5K 149 26
                                    

"FRANCHESCA ELISA ODEA!"



Napaupo yung Marden at simangot na napainom ng juice dahil sa announcement ng emcee.



Si Cristy, napakuyom ng palad sa ilalim ng mesa hawak ang laylayan ng gown niya. Pero naka-smile pa rin. Naks! Pero sa loob-loob nito gusto ng pabaliktarin ang mesa.



Di naman makapaniwala si Chelsa na siya ang tinawag. Kung di pa siya sinundo ng mga naka-costume ng pang-sundalo ng palasyo, di pa siya tatayo.



Si Nate, napanganga na lang habang palapit siya sa stage. Eksena ng binatang di maitago ang paghanga sa isang dalaga. Animo'y prinsipeng ikakasal sa pangarap niyang prinsesang papalapit sa kanya.



Habang naglalakad si Chelsa, may tatlong gate crasher na sobrang saya at naluluha-luha pa. Ang mga fairy Godmother niya na patagu-tago. Pero wala siyang idea na may mga nakabantay pala sa kanya. Akala niya kasi umuwi na ang mga ito at magpapasundo na lamang siya kapag pauwi na. Ang mama, papa at ate niya, masayang pinagmasdan siya sa pag-akyat niya ng stage.

~~~

> NATE'S POV <



BA'T PARANG MAY iba akong nararamdaman na siya ang palapit sa 'kin? Ba't tila saglit ko pang hiniling na siya ang tawagin? Kanina, habang ia-announce pa lang ang prom Queen, iniisip kong sana si Cristy dahil pangarap niya kasi 'to. Pero kay Excuse me girl ako nakatingin sa mga sandaling yun. At siya ngayon ang palapit sa 'kin bilang reyna ko. Ba't parang natutuwa ako?



Nakatingin ako sa kanya na parang siya lang ang tao sa lugar na 'to. Nasa kanya ang spot light at madilim lang ang lahat. It feels like a dream? Nag-slowmo ang lahat. At ewan, pero humahakbang ako palapit sa kanya habang paakyat siya ng hagdan ng stage. May sinabi bang sunduin ko siya? Haist! Pero ito ako inaalok ang kamay ko sa kanya para alalayan siya.



Nakita ko ang di makapaniwalang tingin niya. Dahan-dahan niyang inabot ang kamay ko. System malfunction mode ako. Pero masaya ako. Parang, parang ano? Haist! Parang tanga lang! Di ko ma-explain ang nararamdaman ko!



Naglakad kaming magkahawak kamay papunta sa gitna ng stage. Maingay ang paligid. Pero parang nabingi ako sa tunog ng tibok ng puso ko. Sa kanya lang ako nakatingin. Sa maganda niyang mukha na may nakakaakit na ngiti. Nakakaadik. And at the same time, nabubwisit ako sa sarili ko! Bakit ba hinayaang kong gawin niya sa 'kin 'to?



This girl from nowhere does something strange to me. I don't even know what I felt now? Am I in love? What about Cristy?



"Our Queen, Chelsa!" pagpapakila ng emcee.



May nagpalakpakan pero may nag-boo. Pero di ko nakitang nawala ang ngiti niya. Naka-smile lang siya at kumakaway pa. Natuwa naman ako sa kanya, mukhang sanay na siya sa mga ganung eksena.



Lumingon siya sa 'kin at nahuli niyang nakatingin ako sa kanya. Napalunok-laway na lang ako. Medyo na awkward ako. Haist! Ba't nagkakaganito ako sa harap ng isang babae. Dapat siya ang mahiya sa 'kin. I'm Nate! The Famous Nate!



Pero di ko naalis ang tingin ko sa kanya. Ngumiti siya at napa-smile din ako. Unti-unting nawala ang malfunction ng puso ko. At hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.



Wait? Di pa rin ako bumitaw? Napatingin ako sa mga kamay namin na magkahawak. Parang destined na silang magkadikit? Haist! Ano ba 'tong mga nasa isip ko?!



"Our prom King and Queen!" nagpalakpalak na naman ang lahat at isinuot na sa amin ang crown. Piling ko talaga hari't reyna na kami. Parang mag-asawa lang. What? Hay, naman!



Pero nang napatingin ako kay Cristy, parang medyo na awkward na naman ako. Siguradong galit siya ngayon. Siguradong-sigurado ako dun. Tapos si Excuse me girl pa ang nandito sa tabi ko na pinagselosan niya at kinaiinisan.



"Ladies and gentlemen, make way for our King and Queen's official dance!"



Naglakad kami pababa ng stage na magkahawak kamay pa rin. Pumunta kami sa dance floor malapit sa fountain. Nag-dim ang light at biglang lumiwanag ang fountain. Napaka-magical ng moment na yun. Paiba-iba ang kulay ng fountain na sinabayan pa ng slow music. Tapos yung spot light tumutok sa 'min. It feels like, it's just the two of us now.



We start to dance. Binitawan ko siya at dahan-dahan kong nilagay ang mga kamay ko sa baywang niya. Pero siya, nakatingin lang sa 'kin at kita kong di niya alam ang gagawin niya. Kahit ako di ko alam kung ganito ba dapat ang pagsayaw namin?



Hinawakan ko ang kamay niya at lumapit pa ako sa kanya. Nakita kong parang namula siya, ang cute niya. Napangiti na lang ako. Nilagay ko ang mga kamay niya sa balikat ko at muli kong hinawakan siya sa baywang niya.



"Ganito ba dapat kalapit?" medyo awkward na tanong niya.



Tumango ako. "Pwede mo pa nga akong yakapin." Naks! Medyo pang bedroom boys ang voice ko dun,hah!



Nakatitig lang siya sa 'kin. Di ko rin maalis ang tingin ko sa kanya. Para akong wala sa sarili. Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Yumuko ako ng konti at nagdikit ang mga noo namin. Para talaga akong na-hypnotized? At dahan-dahan ko siyang hinalikan sa labi. Parang huminto ang oras. Pero smack lang naman yun. And then suddenly the sparks fly. Parang may fireworks sa paligid. At napatulala na lang ako sa ginawa ko. I just kissed her.



Nagulat ata siya, dahil bahagya siyang napaatras? Napukaw naman ang diwa ko sa hiyawan ng mga tao at flash ng mga camera. Oh, shit! Oo nga pala, nasa gitna kami ng maraming tao? Haist! Pamibihira!



Nakita ko ang pagtayo ni Cristy. Masama ang tingin niya sa 'kin at bigla siyang patakbong naglakad palabas. Nakita kong tumayo din si Kristan at patakbong sinundan siya.



Hinarap ko si Excuse me girl, nakita ko sa mga mata niya ang pagkabigla. "S-Sorry." Sambit ko na di pa rin makapaniwala sa kalokohan ko.



Ibinaling niya ang tingin niya sa mga naghihiyawan. Parang takot siya. May mga hiyaw kasi ng pangungutya. Muli niya ako tiningnan. Nakita ko ang pagluha niya at tinalikuran niya ako. Patakbo siyang umalis. Naiwan akong nakayuko lang sa gitna. Bakit ko ba ginawa yun? Stupid ka Nate!



Kailangan kong humingi talaga ng sorry. Pero kanino? Kay Cristy o kay Excuse me girl? Haist! Bahala na! Patakbo rin akong lumabas habang nagkakagulo pa rin ang mga tao.

~~~

> THIRD PERSON'S POV <



"OKAY! PARTY PEOPLE! Party-party!" sigaw ng emcee pagkalabas nina Chelsa at Nate. At biglang nag-play na ang club music.

~~~

DI MAKAPANIWALA SI Chelsa sa ginawa ni Nate. Oo, at gusto niya si Nate. Pero di naman siya ganun uri ng babae. Piling niya pinaglalaruan siya. Dahil ba alam niya na gusto ko siya kaya niya ako hinalikan? Di naman kami kaya di niya dapat ginawa yun. Yun ang nasa isip niya habang umiiyak na lumabas ng function hall. First kiss ko pa naman yun. Okay sana dahil siya, pero di naman sa harap ng maraming tao. At dapat naman sana alam ko! Kainis ka Nate! Ngitngit niya pa nang makalabas na siya. Pero sa totoo niyan, kinilig naman siya. Natatakot nga lang siya ngayon dahil sa naging reaksyon ng mga schoolmate nila. At alam niyang may girlfriend ang binata.



Naiisip niya na baka lalo siyang pag-initan ng mga schoolmate niya na fans ng CriNate. Naiisip niya na rin ngayon na lalo nang di na magiging normal ang mga natitirang araw niya sa high school.



Halikan ba naman siya ng Mr. Popular, campus celebrity, campus crush, cool guy and rich kid na si Nate, The Famous Nate, sa harap ng mga schoolmate nila at sa harap pa mismi ng girlfriend nito. Trending ka na girl!

~~~

"WHAT THE HELL?!" iritang sabi ni Lhyn.



Lahat sila sa tropa nila di makapaniwala sa nangyari. 'Anong kalokohan yun?' Yan halos ang mga nasa isip nila.



Napatayo si Jasper. "Sundan natin sila!" makikita ang inis nito. Galit ito sa ginawa ni Nate. Nakakuyom ang mga kamao nito.



"No, Jasper. Wala naman tayong magagawa. Hayaan nating ayusin nila yun." Saway ni Edward at muli namang naupo si Jasper. "Maaga pa. Let just enjoy this night. Maaayos din nila yun. Bukas, we'll talk to them. I know it was just a misunderstanding." Dagdag pa nito. Tumango naman ang lahat at napainom na lang sila ng juice.



"I really hate that bitch!" sambit ni Lhyn at pabagsak na binaba ang baso.



"Relax, Lhyn. Si Nate ang humalik." Muling saway ni Edward.



"Whatever!"



I knew it! So, tama ako? Sa isip ni Edward. Mukhang naka-score na naman si tamang hinala king.

~~~

KUNG HALOS LAHAT galit, sina Carly at Evy, natutuwa. Natuwa sila sa reaksyon ng mukha ni Cristy. Para itong sinampal ng sampung Hapon sa pagkabigla.



"Great plan!" pabulong ni Evy kay Carly.



"I know right!" sagot ni Carly at nag-apir sila.



Planado nina Carly at Evy ang pagkapanalo ni Chelsa sa pagiging prom Queen. Alam kasi nilang galit si Cristy kay Chelsa. At dahil alam din nilang pinagseselosan ito ni Cristy kaya naisip nila ang planong yun. Akala nga nila mapupornada na ang plano dahil baka di dumating si Chelsa. Kaya naman laking tuwa nila nang dumating ang dalaga. May kasabwat sila sa committee na tinakot pa nila. Inutusan nila itong mapili si Chelsa at gumawa ng fake votes at pagpalitin ito sa original votes.



Pero sa isip ni Carly, may di siya gusto sa mga nangyari. Ang pagsunod ni Kristan kay Cristy. Mahal niya na si Kristan at natatakot siyang baka maging way pa ang mga nangyari para magkabalikan ang dalawa.

~~~

"CRISTY!" SIGAW NI Kristan. Nakasunod ito sa dalagang balot ng sama ng loob.



"Pwede ba, wag mo akong sundan!" sigaw na sagot ni Cristy. Tumakbo siya sa parking lot sa gilid ng function hall kung saan walang ibang tao.



Hindi pinakinggan ni Cristy ang nag-aalalang binata. Hinawakan siya ni Kristan sa kamay, pumiglas siya kaya naman nabitawan siya nito. Ngunit mapilit ito at niyakap siya. Umiyak na lamang siya. Sobra siyang nasasaktan sa mga nangyari at galit na galit siya. Naiinsulto siya na piling niya ngayon na napakapangit niya ba? Hinalikan ng boyfriend niya ang ibang babae sa harap niya at sa harap ng maraming tao. Di na nga siya naging prom Queen na matagal niya nang pinangarap at ngayon harap-harapan pang nag-cheat sa kanya ang boyfriend niya.



"Tahan na." pagsuyo ng nagsusumamong binata at hinaplos ang buhok niya. Napaiyak na siya at sinuntok-suntok ang dibdib ni Kristan. "Sige, okay lang. Ilabas mo ang galit mo. Okay lang yan." Masuyong hinaplos nito ang mukha niya para pahirin ang luha. Dama niya ang pag-aalala nito sa kanya. Hinawakan siya nito sa baba at dahan-dahan inangat ang kanyang mukha.



"What are you doing?" mahinang tanong niya.



"Iki-kiss kita." Pabulong nito namang sagot nito.



Umiwas siya pero muli nitong inangat ang mukha niya at masuyong hinalikan siya sa labi. Nadala siya at napapikit na lamang. May pag-aalangan sa isip niya ngunit wala na siyang nagawa. Sinabayan ng mabilis na pintig ng puso niya ang katanungan ngayon sa isip niya.

~~~

NAGKATAONG SA GILID ng function hall din napatakbo si Chelsa kung saan naroon sina Cristy at Kristan, at nakita niya ang mga ito. Napapunas siya ng luha at bahagyang nagtago sa likod ng isang sasakyan. Napahawak siya sa bibig niya sa tumambad na eksena sa kanya. Nadagdagan pa ngayon ang mga bagay na gumugulo sa kanya.



Paalis na sana siya, ngunit pagtalikod niya ay nakita niya si Nate na ikinagulat niya. Galit ito na nakitingin kina Kristan at Cristy. Nanlilisik ang mga mata nito. Para itong bomba na anumang segundo ay handa nang sumabog. "N-Nate?" nasambit niya. Nilapitan niya ito at hinawakan ang mga kamaong handa ng manuntok. Inisip niyang ilayo ito ngunit malakas na iwinaksi siya nito dahilan para tumama siya sa sasakyang pinagtaguan niya.



Naglakad si Nate palapit kina Kristan at Cristy. Laking gulat naman ng dalawa nang maghiwalay ang mga labi nila at nakitang palapit ang galit na binata. Sinugod ni Nate si Kristan at sinuntok sa mukha. Tinulak naman ni Kristan si Nate at gumanti ito ng suntok. Ilang beses silang nagkatamaan sila sa mukha. Hanggang sa magsakalan. Napasandal sa pader si Kristan habang sakal ni Nate na pilit nitong tinatanggal.



Napatulala sa pagkabigla si Chelsa sa kanyang nasaksihan. Si Cristy naman galit na nakatingin lang sa kanya. Parang balewala lang dito na magpatayan na ang dalawa.



"Ano ba ang ikinagagalit mo?! Ginawa mo rin yun!" nakangiting tanong ni Kristan kay Nate kahit kita ang hirap nito sa mukha. Ngiting nagpapamukha ng kagagohang ginawa ni Nate.



Natigilan si Nate at binitawan si Kristan. Napatingin ito kay Cristy na galit nang nakatitig sa kanya. "Let's talk." Ani nito sa dalaga.



Tinalikuran ni Cristy si Nate at binalewala ang sinabi nito. Linapitan ng dalaga si Chelsa at walang kibong sinampal siya nito. Nabigla siya sa nangyari. Napahawak na lamang siya sa kanyang mukha sa lakas ng pagkasampal ni Cristy sa kanya. Kusang dumaloy ang luha mula sa kanyang mga mata.



Nang sasampalin pa siya nito sa ikalawang pagkakataon, naharang ni Nate ang kamay ni Cristy. Nahawakan ng binata ang kamay nito at hinila na lamang nang walang kibo palayo ang dalaga.



Natigilan na lamang si Chelsa habang pinagmamasdan ang mga ito palayo. Nagpunas na lamang siya ng luha sa mukha. Paglingon niya kay Kristan, nakita niyang palapit ito sa kanya. May dugo ang bibig nito at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Hinawakan siya nito sa braso, mahigpit na hawak. Napangiwi siya sa sakit. Nakakatakot ang mukha ng binata. Nakatagilid lang ito at di siya tinitingnan.



"Nasasaktan ako." Daing niya. Pero lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya.



"Walang sino man ang pwedeng manakit kay Cristy. Handa akong ipagtanggol siya, kahit kanino. Lahat gagawin ko para sa kanya." Madiin nitong pagkakasabi habang nagpupunas ng dugo sa bibig at dumura ito sa may paanan niya.



Patulak siyang binitawan ni Kristan at bumunggo siya sa kotseng nasa likod niya. Iniwan na siya nitong mag-isa. Natakot si Chelsa ng mga sandaling iyon. Halos mapaluhod na siya sa takot. Napaiyak na lamang siya. Napaka-hopeless ng pakiramdam niya ngayon. Iyak na lamang siya ng iyak. Ang isa sa pinakamasayang gabi niya, ay siya ring pinakamasakit na gabi para sa kanya.



Alam niyang isa iyon sa mga consequences na dapat niyang maranas sa nangyaring paghalik sa kanya ni Nate. Kaya naman natatakot siya sa mga susunod pang mangyayari. Iniisip niya rin kung saan ba siya nagkamali? May mali ba talaga siya sa nangyari?

~~~

> NATE'S POV <



"PLEASE, CRISTY MAG-USAP tayo." Pagsuyo ko. Pero sinampal niya lang ako.



Natahimik lang ako. Hindi ako kumilos. Naghintay pa akong sampalin niya ulit. Dahil alam kong mali ako. Pero pilit niya lang binuksan ang naka-lock na kotse ko at di ako pinansin. Hanggang sa tumunog ito.



"Shit! Shit" sigaw niya at pinalo nang paulit-ulit ang kotse.



"Mag-usap tayo."



"Take me home!"



"Please, babe." Hinawakan ko siya pero pumiglas siya.



"Now!" sigaw niya.



"Okay. Tawagan ko lang yung driver."



"You can drive, right?"



"Pero, babe wala sa 'kin yung susi."



"Oh, common! Stop lying Nate! Baka mautot ka lang! I know you have the key. At alam kong umuwi na yung driver!"



Oh, shit! Pa'no niya alam? Ayun, wala na ako nagawa. Pinagbuksan ko na lang siya ng pinto. Gusto ko sana sa tabi ko siya pero sa likod siya naupo.



Napakatahimik ng byahe namin. Gusto kong kausapin siya, pero naiisip kong hayaan na lang muna. Ipagpabukas na lang, kapag di na siya ganun kagalit.



Pagdating namin sa bahay nila, ni di niya na ako pinababa ng kotse.



Nandito pa rin ako sa tapat ng bahay nina Cristy. Nagagalit ako sa nakita kong ginawa nila ni Kristan. Pero parang sampal lang din sa 'kin yun. Dahil ginawa ko rin yun. At nauna akong gawin yun. At sa harap pa ng maraming tao. Alam ng lahat na kami ni Cristy. Kaya ano na lang ang sasabihin ng mga tao. Haist! Gago ka talaga Nate! Gago! Gago!



Pero bigla ko na lang pinaharurot ang kotse nang maalala ko si Excuse me girl. Mag-isa lang siya dun. Baka kung mapa'no siya? Baka mapahamak siya dun? Sinong magtatanggol sa kanya kung wala ako? Sa isip ko habang nagmamaneho pabalik ng school.

~~~

NAKAHINGA AKO NG maayos nang makita kong pasakay na siya ng kotse. Yun ba ang pamilya niya? natanong ko sa isip ko. Nakita ko kasing niyakap siya ng babaeng may edad na. Maganda yung ginang, kamukha niya. Mayaman din pala sila. Alam kong mamahalin ang sasakyang gamit nila.



Dumaan sila sa harap ko habang nasa loob pa rin ako ng kotse. Gusto ko sana siyang makita pero di ko siya maaninag sa loob.



Nakokonsensya talaga ako sa ginawa ko. Ipapahamak ko na naman siya. Nasampal siya ni Cristy kanina dahil sa kagagohan ko. "I'm sorry, Chelsa." mahinang nasabi ko. "Ako ang magtatanggol sa kanya. Ako na ang protector niya mula ngayon. Hindi ko siya hahayaang masaktan." At napahawak ako sa dibdib ko nang mabigkas ko sa sarili ko ang mga salitang yun. I made a promise. Pangakong hindi ko alam kung bakit kailangan kong ipangako. Baliw na ata ako.



Alam kong di na dala ng guilty feelings 'to for what I did. I'm starting to like her. Or maybe I already am?

The Girl From NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon