CHAPTER 8

9.1K 174 15
                                    

> EXCUSE ME GIRL'S POV <



BA'T ANG SAMA niya makatingin? Inaano ko ba siya? Pero? Waaaahhh! Kinilig ako!



"Chelsa, thanks nga pala!"



"Chelsa, business n'yo ba 'to?"



"Ang sarap ng loli-cake!"



"Gawa n'yo yun?"



"May mga ibang flavor ba? Order ako?"



Saad ng mga classmate ko. Nang bigyan ko sila ng loli-cake halatang nagulat sila, ako nga rin nagulat sa ginawa ko. Pero dahil yun sa isang tao kaya ko yun ginawa. Nang tanungin nila ako ba't ko sila binigyan, sabi ko na lang, Happy Valentines! Tapos talikod ako sa kanilang nakayuko.



Thank you sila nang thank you, pero nakayuko lang ako. Nahihiya pa talaga ako sa kanila. Patapos na ang school year ngayon ko lang sila halos nakausap. Sabi kasi ni ate sa 'kin marami raw bully sa high school. High School is Hell! Yun ang laging sinasabi ni ate kaya iwas ako sa mga tao rito. Pero parang mababait naman sila? May ilang nangbu-bully, pero patay malisya na lang ako.



I'm Chelsa nga pala. Kaya sana palitan na yung EXCUSE ME GIRL'S POV! may name naman ako.



Bago lang ako sa outside world. Pero di ako galing sa Bahay ni Kuya, hah? Later ko na lang ekwento kung bakit. Basta home study lang ako hanggang mag-third year high school. At kahit nasa bahay lang ako, updated naman ako sa mga current events. Lagi kasi akong online. Ang alam ko madaldal ako, pero kapag nandito ako sa school, ang tahimik ko at nagsasalita lang kapag may nagtatanong.



Buti napilit ko sina mama at papa na maranasan kong mag-aral sa labas. Gusto ko kasing maranasan magkaroon ng mga kaibigan, kaso pagdating ko rito, nahiya ako at naging ilag sa mga ka-schoolmate ko. Hanggang ngayon patapos na ang klase, wala pa rin akong kaibigan. May mga nakikipag-usap naman sa 'kin pero ako na lang ang  umiiwas. Kaya madalas kong marinig na bulungan nila na ang weird ko raw. May sekreto kasi akong di nila dapat malaman kaya kailangan ko silang iwasan. Di ko pala kaya makipagkaibigan – natatakot ako.



Minsan parang ayaw ko nang pumasok, ayaw ko nang ituloy na maranasang maging normal na teenager, yung magpaka-millennial. Pero dahil sa Star ko, nai-excite akong pumasok! Dahil ang gusto ko talagang maranasan ay ang ma-in love. At nagkakaroon ako ng pag-asa dahil sa kanya. Naisip ko kung sakaling ma-in love rin siya sa 'kin, matatanggap niya kung ano ako. Tulad sa mga Korean drama, yung mayayamang lalaki nai-in love sa mahirap na babae. At kahit tutulan pa ang pag-iibigan nila, handa nila itong ipaglaban. Nagkaroon ako ng hope at nawala ang takot ko na subukang magmahal. Naniniwala rin kasi ako na habang may pag-asa kang pinanghahawakan, may buhay.

~~~

***FLASHBACK



"ANAK, SIGURADO KA ba talaga? Samahan na lang kasi kita, hah?" si mama. Gusto ba naman akong samahan sa whole year ko sa 4th year? Makiki-seat in pa raw? Ano yun?



Nasa loob kami ng kotse sa tapat ng school na papasukan ko, ang magarang Brilliant Mind Academy. Private school na halos lahat anak mayaman ang nag-aaral. Gusto ko sana sa public lang. Pero sabi nina mama, mas okay rito kasi di gaanong crowded at mas mababantayan nila ako. Mababantayan talaga? Kindergarten lang ang peg? At di naman daw problema ang pera kaya dito na nila ako in-enroll. Nakarating na kami rito pero pilit pa rin akong pinipigilan ni mama na wag nang ituloy ang gusto ko.



"Ma, kaya ko na po. Di na ako bata." Muli kong paintindi kay mama.



"Pero ano ba ang alam mo sa mundo rito sa labas?" Nagpupumilit pa talaga si mama. Kasi naman kayo kinulong n'yo ako sa bahay sa halos buong buhay ko. Pero di ko naman sila masisisi, dahil yun ang tama at yun ang makakabuti para sa 'kin. Buti na lang ngayon, kaya ko nang makontrol ang sekreto kong yun.



"Madalas naman ako manood ng TV at nagre-research, kaya alam ko na mga ganap. Alam ko na rin kahit papaanong kumilatis ng tao. Sa dami ba naman ng Korean drama kong napanood. Di na bago sa 'kin ang buhay rito sa labas. Ma, nakapag-aral naman po ako. Kayo ang teacher ko, di ba?"



"Pero wala ka sa Korea, anak?" toinks! Tama naman si mama. Nahilig kasi ako sa Korean movies at Korean dramas. Kasi ang gaganda ng lugar at may snow pa. Tapos ang ku-cute ng lead actors! At nakakakilig talaga story nila; walang gaanong iyakan, kidnappan at patayan. So far, yung mga napanood ko lang naman.



"Maraming bully sa high school! Mararanasan mo ang saklap at pait ng buhay! Lalo pa't bagong mukha ka. Kaya kung ako sa 'yo umiwas ka sa mga tao! High school is Hell!" madiing pagkakasabi ni ate Kheizhara. Bilin ba yun o banta? Para siyang biglang sumulpot mula sa gitna ng kadiliman. Tapos magsasalita nang nakakatakot! Ang pasaway kong ate! Lagi akong inaaway nito. Di rin daw naging normal ang buhay niya dahil sa 'kin. Ano kayang kinalaman ko dun. Eh, nagkapag-aral naman siya sa labas.



"Zhara! Imbes na suportahan mo 'tong kapatid mo tatakutin mo pa!" thanks ma!



"Ikaw nga pinapa-back out mo!" may point si ate.



Ayun habang nagsasagutan sila lumabas ako ng kotse. Kumaway na lang ako sa kanila nang papasok na ako sa gate. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang sa sobrang bilis lalabas na ng dibdib ko!



"Okay! Inhale! Exhale! Chelsa, focus lang!" mahinang sambit ko sa sarili ko bago ako humakbang papasok sa magarang gate ng school para palakasin ang loob ko. Yung piling na para kang papasok sa lungga ng mga kriminal? Ganun ang piling ko.



"Miss!" nagulat naman ako dun sa laki ng boses na yun. Ako lang naman ang pumasok, hah?



Napalunok-laway akong nilingon si manong guard. "B-Bakit po?" nauutal kong tanong.



"Miss, exit yan. Doon sa kabila ang entrance. At pakisuot ang ID." Itinuro ng guard yung kabilang gate. Wow mali, pala ako. Yumuko na lang ako at nagmadali na akong lumipat at sinuot ang school ID ko.



~~~

ANG LAKI PALA talaga ng school na 'to? May tatlong mahahabang building na magkakadikit na nasa apat na palapag. May bonggang function hall sa likod at malaking gymnasium. At balita ko pa, may garden sa likod ng school na 'to at ang malawak na soccer field. Siguro pwedeng dun ako magtago sa garden kung sakaling may mga bully talaga sa school na 'to. At naisip ko na talaga ang plan na yun? Kasi naman ang supportive kong ate, panay pananakot ang pabaon sa 'kin! Kung pwede lang mangkalbo na kapatid? Naku!



Nasa loob na ako ng main building, at naliligaw na ata ako? Saan ba yung room namin? Anong floor? Pero kailangan ko munang mahanap ang restroom! Naiihi na ako! Nakaka-tense naman kasi! Si manong guard naman kasi sinimulan akong takutin!



Lakad, lakad, lakad. Akyat-baba, akyat-baba. Hay! Ba't ba kasi di na lang ako magtanong? Chelsa! Ang taong mahiyain walang mararating at magdurusa! sa totoo lang, ilang beses ko yan pinaulit-ulit sa sarili ko kagabi. Eh, ngayon, di ko magawa. Kaya ito, di ko marating yung CR at nagdurusa ako sa pagtiis ng ihi! Puputok na ata pantug ko?



After 200 years ng paghahanap, nahanap ko rin yung CR! Sa pagmamadali ko, mukhang boys restroom ang napasok ko? May nakita akong lalaking naghihilamos. Naagaw ko yata yung pansin niya pagpasok ko, lumingon siya sa 'kin. Kumikislap ang mukha niya at kumikinang-kinang? Para siyang star? Pero mas masarap siyang pagmasdan. Yan na ba ang tinatawag na perfect guy? Ang gwapo, ang tangkad, pang-model o baka model talaga siya? Ang shiny ng black hair niya. Ang tangos ng ilong at ang pupungay ng mga mata. Nakakahimatay ang titig niya. At ang pupula ng maninipis niyang mga labi. Agaw eksena pa ang napaka-manly niyang makakapal na kilay. Yung totoo? Tao ba siya o alien na nagmula sa Planet Handsomeness?



Tugudog-tugudog! Sabi ng puso ko. Parang nakikipagkarera sa bilis ng tibok? Parang di normal? Ngayon ko lang naramdaman 'to! Tapos ngumiti pa siya! Waaahh! Naloko na! Ito na ba yung tinatawag nilang, kinikilig? ayyeeeiii! Parang gusto kong himatayin!



"Sa kabila ang restroom ng girls." Nakangiting sabi niya. Waaahh! Kinausap niya ako! Parang love song ang boses niya! nakaka-LSS – parang ang sarap ulit-ulitin!



Restroom ng girls? Yun ba ang sabi niya? waaahh! Oo nga pala, naiihi ako? Nagmadali akong tumalikod para pumunta sa kabilang CR, nang biglang – BOG!



"Aray! Nasara ko pala 'to?" ang sakit! Nasara ko pala yung pinto? Hawak ko ang noo ko tapos may biglang nagbukas ng pinto.



TOG! At tinamaan ako sa mukha. Naramdaman ko na lang ang unti-unti kong pagtumba. Sabi ko kanina, parang gusto kong himatayin. Guys, be careful what you wish for. Baka biglang matupad.



Buti may nakasalo sa 'kin. Ang star ko? Ang cute niya! Lalo siyang kumislap. At may mga star pang umiikot-ikot?



"Miss, are you okay?" pag-aalala niya. Nag-smile lang ako. Tapos biglang dumilim.



Tapos, nagising na lang ako sa clinic. At wala na ang star ko.



***END OF FLASHBACK

~~~

KAPAG NAIISIP KO yun kinikilig pa rin ako, yun ang unang pagtatagpo ng landas namin ni Nate. Isipin ko pa lang na sinalo niya ako at binuhat papuntang clinic, parang gusto ko ulit mauntog sa pinto at himatayin. Ayyeeeii! My star is my hero!



Sa unang beses na nagkita kami ni Nate, talagang pinakaba niya ako. Ninakawan niya ako. Inagaw niya ang lahat sa 'kin. Sinakop niya ang isip ko. Napakamakasarili niya pa, pati kasi puso ko, kanya na! Pero parang di niya na naaalala yun? Pero ako, kung tatanungin ako kung sino ang first love ko? Siya na ang isasagot ko.



Pero ba't ba talaga ganun siya makatingin kanina? Siguro di niya nagustuhan yung gift ko? Buti na lang naisip kong mag-plan B. Na kapag di niya nagustuhan ang lolli-cake at kapag di niya tinanggap, o kung mag-isip siya ng kung ano? Ay bibigyan ko rin ang lahat ng classmate namin para di naman awkward. Pero halos lahat naman ng classmate namin nagustuhan? Bakit siya hindi?



Hala! Parang palapit si Nate sa 'kin? Nakatulala lang ako habang palapit siya. Parang nag-i-slow motion pa siya habang papalapit sa 'kin na may pa-smoke effect pa at flying red petals. Dreamland ba 'to? Grand entrance ang datingan niya na parang sasagip sa isang prinsesa!



Waaahh! Totoo? Nasaharapan ko na siya! Si Nate! Rinig ko ang bulungan ng mga classmate ko. Sana di ako mamula para di ako obvious.



"Sumama ka sa 'kin!" ang siga naman nito makatanong? Para siyang gangster sa mga Korean drama na naniningil ng pautang. Sinipa niya pa yung upuan ko! Waaahh! Di ko alam kong kikiligin ako o matatakot? Parang gusto kong maihi!



"A-Ako?" kinakabahan kong tanong. Di siya sumagot. Nag-smirked lang siya. Ang cute niya! Pero sama niya makatingin! Di ko talaga alam kong kikiligin ako o matatakot? Pero mga ganitong moment ang inaasam ko!



"S-Saan tayo pu-" di ko na natapos yung sasabihin ko. Bigla na niya akong hinila palabas ng classroom. Waaahh! Holding hands kami! Ayyeeiii! Pero ang sakit sa kamay ng hawak niya, in fairness. Galit ba siya? Nagtanong pa ako. Eh, ang sakit ng hawak niya sa kamay ko at super salubong pa ang kilay niya. Scary but lovely!

The Girl From NowhereDonde viven las historias. Descúbrelo ahora