CHAPTER 49

4.7K 93 33
                                    

HANGOS SI EDWARD nang marating niya ang school building dahil sa pagtakbo niya. At patakbo niya pa rin hinanap ang room 103 kung saan siya itinuro ng dalawang babaeng estudyante. Nasa first floor lamang iyon ng gusali at alam niya kung saan ito banda kaya agad niyang tinungo ang direksyong iyon. Umaasa siyang iisa nga ang babaeng tinutukoy ng natanungan niya at ang babaeng si AnnieMAZING na chat-mate niya. Pinagsamang kaba at excitement ang nararamdaman niya.



Napahinto siya nang makita ang numero ng kasunod na classroom. "Okay." Huminga siya ng malalim para matanggal nang kunti ang kaba. Nasa tapat na niya ang room na hinahanap niya. Bahagya itong nakabukas at dahan-dahan niya itong inangat. Bumilis ang tibok ng puso niya, slow motion mode begin nang makita niya ang babaeng nakasuot ng kakulay ng damit niya at agad niyang napuna ang 'Looking for HIM' na tatak sa damit nito. Napangiti siya, nahanap na niya ang ka-couple shirts niya.



Siya nga. nasabi niya sa kanyang sarili. Humakbang siya papasok at naagaw niya ang pansin ng dalaga na pakiramdam niya buong buhay niya nang hinahanap. Nagulat ito at nabitawan ang hawak nitong folder. Agad niya itong nilapitan upang tulungan dahil nagkalat ang mga papel na laman nito.



"Tulungan na kita." Siya na mismo ang dumampot ng mga iyon.



"Salamat." Sambit nito nang iabot ni Edward ang pinulot niyang mga papel at inilagay sa folder.



"Ako na." Presenta niya ng makita itong itatago sana sa backpack nito ang folder.



"Salamat ulit." Muling pasasalamat ng dalaga at muling ngiti lamang ang naging tugon niya.



"Hi?" sambit niya. Napansin niya ang kaliwang paa nitong nakatingkayad at ang mga saklay na nakaalalay rito.



Yumuko ito na tila nahiya nang tingnan niya ang paa nito. "H-Hi?" sagot nito na di siya tinitingnan.



"Nagkita din tayo, AnnieMAZING." Galak na sabi niya at inalok niya ang kanyang kanang kamay.



Bahagya itong ngumiti at inabot ang kamay niya. "Hello, xiunoxki?" tiningnan na siya nito sa mga mata ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang hiya.



"Edward nga pala." Pagpapakilala niya



"Annie." Pagpapakilala ng dalaga.



Naramdaman niya ang lamig ng kamay ni Annie. At init ng kamay naman ni Edward ang naramdaman nito. Kinakabahan pa rin siya, pero napakasaya niya. Naramdaman niya ang pagkailang nito. Maging siya medyo nahiya din at ang bilis ng tibok ng puso niya. Nawala pa sa isip niya ang mga linya at kilos na prinaktis niya kapag nakita niya ang ka-chat niya. Basta talagang napakasaya niya ngayong nagkita na sila, finally.



At sa sobrang saya niya bigla niya nalamang itong niyakap. Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa gulat at nabitawan nito ang hawak na mga saklay na nakaalalay sa pagkakatayo nito.



Dahil sa yakap na yun, nawala ang ilang nila sa isa't isa. Naupo sila at nagkwentuhan tulad nang napag-usapan nila. Inalam ang buhay ng isa't isa at ang sanhi ng mga kabiguan nila. Syempre ang pagiging wasak ng puso nila ang sentro ng kanilang usapan. Wasak na puso nilang unti-unti nilang pinupulot isa-isa at sinusubukang mabuo. Nagsilbi ang matatamis nilang ngiti bilang pandikit sa mga piraso ng puso nilang nadurog.



Pareho silang nasa forth year at magkaiba lang ng section. Maganda si Annie, katunayan sumasali ito sa mga beauty contest. At minsan na rin itong sumali sa pageant ng school nila nung third year ito. Kaya pamilyar na rin ang mukha ng dalaga kay Edward. Masiyahan at full of confidence ang pagkatao nito, hanggang sa nangyari ang aksidente na nagpabago sa buhay nito pitong buwan na ang nakakaraan. Napilay ito at dahil dun naging mahiyain ito at lumayo sa mga tao. At ang mga kwento ni Edward sa wattpad ang nagbigay kasiyahan kay Annie at ng bagong pag-asa.

                                             

"Naaksidente kami sa motor ng kuya ko." Malungkot na panimulang kwento ni Annie nang tanungin niya ang nangyari sa paa nito. Ayaw niya sanang itanong pa yun baka muli itong mailang, pero ito na rin ang nagbukas ng topic about dun kaya natanong niya na rin matapos niyang makwento ang nangyari sa great love niyang si Nicole. "Itong paa ko ang nagrabehan. At ito nga ang dahilan kaya iniwan ako ng boyfriend ko. Hindi niya matanggap na pilay na ako. Hindi ko alam kung makakalakad pa ba ako ng normal? At dahil dun, bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Piling ko wala nang taong tatanggap sa 'kin."



"Eh, baliw pala ang taong yun, eh!" smirked niya.



Natawa ang dalaga sa reaksyon niya. "Minsan nga iniisip ko, siguro yung ganda ng paa ko ang nagustuhan niya at hindi ang ganda ng mukha ko at kaseksihan ko." Pagbibiro nito.



"At baka di pa marunong magbilang yun? Di niya ba alam na nakakalamang ka na, dahil bukod sa maganda ka na apat pa ang paa mo." biro niya. Natawa ito, at siya naman ay napangiti na lang at napatitig sa masayang mukha ng kausap. Mistulang huminto pa ang oras. At bigla niya na lamang itong hinalikan sa pisngi malapit sa labi nito.



"Para saan yun?" gulat na tanong nito na napahawak pa sa mukha sa part na hinalikan ni Edward.



"H-Hah?" di makapaniwalang reaksyon niya sa ginawa niya. Napayuko na lang siya at napatingin sa ibang direksyon. Ano bang ginawa mo, Edward? Baliw ka na ba? Sita niya sa kanyang sarili. "Sorry." aniya nang lingunin niya ito.



Ngumiti ito. "Nagandahan ka sa 'kin, 'no?" pagbibiro nito. Napangiti siya at napakamot-ulo. "Kaso, pilay nga lang." May lungkot sa tinig nito.



"Wag mo ngang sabihin yan. Para mo naman minamaliit ang sarili mo niyan."



Saglit namayani ang katahimikan.



"Thank you, hah." Seryosong sambit ng dalaga.



"Saan?" tanong niya at nagkatitigan sila.



"Sa 'yo." Matamis na ngiting sagot Annie at hinawakan nito ang kamay ni Edward na nakapatong sa arm chair na kinauupuan niya.



Napatingin siya sa mga kamay nilang magkahawak. Gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Ngayon na lang ulit naramdaman ni Edward ang pakiramdam na iyon. Payapa at pero kasabay nun ang mabilis na pintig ng puso niya.



"And sorry." Sambit ng dalaga.



"For what?" tanong niya.



"Nakita na kasi kita kanina, after lunch at nagtago ako."



"Pambihira ka! Ba't mo naman ginawa yun?"



"Dahil nahiya ako. Hindi ko naman kasi alam na ikaw yan. Sobrang kabog nga ng dibdib ko, eh, nang makita ko ang suot mo. Sikat ka kaya rito sa school, kayo ng tropa mo. At maraming nangkakagusto sa 'yo. Sa classmate ko pa lang ang dami nang may crush sa 'yo, alam kasi nilang single ka. Natakot akong magaya kay Chelsa. At isa pa, ganito ang kalagayan ko. Baka pagtawanan mo lang ako. Baka kapag nakita mo ako, ma-disappoint ka? Kaya nga kanina mula nang makita kita, panay na ang takip ko ng damit ko ng folder." mahabang explanation nito.



"Ganun ba ang tingin mo kay xiunoxki? Na pagtatawanan ka? Ang daya mo. Samantalang ako gustong-gusto kitang makita! Napagod kaya ako sa kakahanap sa 'yo."

                 

"Kaya nga, sorry."



"Sorry lang? May utang ka sa 'kin." With authority na sambit ni Edward na parang wala na itong karapatang tumanggi at magbayad na lang.



"Utang?"



"Basta! Maniningil na lang ako." Smirked niya. "And wait, ba't mo naman naisip na magaya ka kay Chelsa? At ba't ka naman mahihiya, if friends lang naman tayo? At ba't ganyan ka maka-explain?" sabi niyang may nakakalokong ngiti.



"Hah? Wala lang." napayuko ang dalaga.



"Gusto mo ako?" diretsong tanong niya. Di ito nakasagot at napatango lang. "Mabuti naman." Nakangiting aniya at hinigpitan ang hawak sa kamay nito. Palihim naman itong napangiti at matamis siya nitong sinulyapan at nahuli niya iyon. Kinindatan niya ito at napayuko ito sa hiya. Pero di pa rin maalis ang ngiti sa mukha.



Naging napakasimle nang usapan nila bago sila lumabas nang tumawag ang sundo ni Annie na nasa labas na ng school building.



"Bakit ka nakangiti? Nakakaloko ka!" sita ni Annie sa kanya nang naglalakad na sila palabas.



"Wala. Natutuwa lang ako na sanay ka na sa apat mong paa." Sagot ni Edward.



"Piling ko pinagtatawanan mo ako!"



"Hindi, ah!" tanggi niya. "Masaya lang ako. Sabi mo kasi nahihiya ka sa kalagayan mo. Pero sa nakikita ko, mukhang hindi na."



"At dahil sa 'yo yun." Nakangiting sagot nito. "Pero minsan nami-miss ko ang maglakad sa dalawang paa. At rumampa, mga ganun. Dahil gusto ko talaga maging beauty queen." Nakangiti pa rin ang dalaga ngunit bakas ang lungkot sa tinig.



Puwesto siya sa unahan ni Annie at pumormang bubuhatin ito sa likod niya.



"Anong ginagawa mo?" gulat na tanong nito.



"Di ba miss mo na ang maglakad sa dalawang paa? Sakay na." aniya.

                                               

"Mabigat ako." Tanggi nito.



"Malakas ako." Pilit niya.



Yumuko ito at payakap na sumampa sa likod niya. Hawak nito ang mga saklay sa unahan niya.



"In fairness, bigat mo nga." biro niya nang buhat niya na ito at magsimula na siyang maglakad. At may mga estudyanteng pinagtinginan sila at may kumuha pa ng picture. Kahit sino ba naman, may bigla na lang mag-piggyback sa hallway ng school ninyo talagang mapapatingin ka.



"Sabi sa 'yo, eh. Bahala ka, di na ako bababa rito."



Natawa siya. "Kumusta ang piling na maglakad muli sa dalawang paa?" tanong niya.



"Masaya. Sobrang saya." Sagot ni Annie na may panginginig ang tinig.



"Naiiyak? Na-touch ka, 'no?"



"Umm," tango nito na di na napigilan ang pagbuhos ng luha at isinandal nito ang ulo sa matipuno niyang balikat. Di talaga kasi ito makapaniwala na nangyayari iyon. Buong akala ni Annie, wala nang tatanggap sa kanya. Na imposible nang maging masaya.



Maging si Edward gusto na rin maluha. Di niya mapaliwanag ang nararamdaman niya? Siguro in love na talaga siya sa babaeng buhat niya.



"Edward?"



"Umm?"



"Di ba, sa mga story mo lagi mong tanong, what is love? For you, what is love?"



Saglit siyang natahimik. "Ang love, parang kulangot. Para makuha mo, kailangan mong sumundot." Seryosong sagot niya.



"Hah? Seryoso ka?" kumunot ang noo ni Annie sa sagot niya.



Naramdaman niyang na-disappoint ito sa kanyang sagot kaya napangiti siya. "Ang love, wala naman exact definition yan. Dumidepende yan sa nararamdaman ng tao. Kung masaya ang tao or so much in love, sasabihin niyan, love is beautiful, wonderful, amazing, love makes you happy, love is everything to me, mga ganyan. Pero kapag broken hearted or iniwan, sagot niyan, love sucks!"



Natawa ang dalaga. "Relate much. Tama ka." sambit nito. "Base sa nararamdaman mo ngayon, what is love?" muling tanong ni Annie.



Palabas na sana sila ng building, ngunit bumuhos ang ulan. Napatingala si Edward at napangiti. "Ang love, parang ulan. Bigla-bigla na lang dumarating sa di mo inaasahang panahon." Makahulugang sagot niya. "For you, what is love base sa nararamdaman mo ngayon?" balik na tanong niya sa dalaga.



"Parang ulan din." Makahulugan din sagot nito na nagbigay ng kakaibang ngiti sa kanyang labi. Sabay nilang in-enjoy pagmasdan ang pagbuhos ng malakas na ulan.



Aww. What is love? Parang ulan. Gaya-gaya din 'pag may time.

~~~

> CHELSA'S POV <



PAGDATING NAMIN SA bahay ni papa, napakatahimik niya pa rin. Ni wala kaming pag-uusap habang nasa byahe. Masaya ba talaga siya para sa 'min ni Nate o hindi? Naguguluhan ako sa mga kilos niya. Parang may inililihim siya? Mayroon pa ba akong di alam sa pagkatao ko? May dapat pa ba akong matuklasan?



Pagpasok ko sa kwarto ko, agad kong niligpit ang mga gamit ko. Pagkatapos ko magligpit, lumabas agad ako ng kwarto na di pa nagbibihis para ilagay sa kusina ang mga baunan na ginamit ko. Narinig ko ang pagtatalo nina mama at papa nang mapadaan ako sa kwarto nila. Bahagya kasing nakabukas ang pinto kaya dinig ko ang usapan nila sa loob. At dahil na rin siguro iba ako, kaya medyo mas malakas ng konti ang pandinig ko sa pangkaraniwang tao. Napaluha ako sa narinig kong usapan nila. Nanginig ang buong katawan ko.



Agad akong lumabas ng bahay. Hindi ko alam kong ano ang dapat kong maramdaman. Napaiyak na lang ako pagkalabas ko ng gate. Pero inayos ko ang sarili ko. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang makita si Nate at yakapin siya. Natatakot ako. Maging sa sarili ko takot ako.



Nagpunas ako ng luha at kinuha ang cellphone sa bulsa ko.



"Hello, Nate?



Nasan ka?



Hintayin mo ako d'yan, pupuntahan kita.



Na-miss lang kasi agad kita.



See you, bye."



Agad akong lumayo sa bahay at pumara ng taxi para puntahan si Nate matapos ang aming pag-uusap. Naroon pa siya sa convenience store nina Edward. Gusto niya kasing yayain itong uminom. Habang nasa byahe, ang narinig kong usapan pa rin nina papa at mama ang nasa isip ko. Hindi ko alam kong dapat ko bang narinig pa ang pagtatalo nila. Dahil nagbago ang tingin ko kay papa. Hindi ko alam na magagawa niya ang bagay na yun. Pero dapat ko lang talagang marinig ang mga bagay na yun. Dahil hindi ako papayag na mangyari yun. May pag-asa pang mabuhay ako, pero hindi katanggap-tanggap ang kapalit nito. Mas gugustuhin ko nang mamatay kaysa mabuhay akong may galit sa sarili ko kung bakit nabuhay pa ako.



Hindi ko napigilan ang mapaiyak. Kinakausap ako ng driver pero di ko siya pinapansin. Hindi ko na kaya! Parang gusto ko na lang biglang mawala! Ayaw ko! Ayaw ko na! Hindi ko na talaga kaya! Ayaw kong mangyari yun nang dahil sa 'kin. Diyos ko…



Pagdating sa convenience store agad akong nagbayad at bumaba para makita si Nate. Saktong palabas siya ng pinto at ako naman palabas din ng pinto ng koste. Napakaaliwalas ng mukha niya at napakatamis ng ngiti niya. Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap ko siya. Mahigpit na mahigpit na yakap. Sana lang talaga may forever na. Dahil ayaw ko nang pakawalan siya.

The Girl From NowhereOnde as histórias ganham vida. Descobre agora