CHAPTER 40

5.3K 98 16
                                    

"SIGURO ALAM MONG mayaman ako? Kaya kung maka-order ka wagas?" sita ko kay Chelsa. Pa'no ba naman kasi, halos lahat ng foods sa counter gusto tikman.



"Ikaw! Sabihin mo lang kung nagdadamot ka at kaya ko 'tong bayaran! Di pa kaya ako nag-breakfast at di rin ako nag-snack! At isa pa may utang ka sa 'kin, di ba?" tinaasan niya ako ng boses at naningil pa. "Sobrang aga ko kayang pumasok para sa 'yo. Ni di nga ako nakapag-handa ng baon!"



Napangiti na lang ako. Kanina pala nasa room lang siya habang recess. Nang magbayad ako sa cashier, kita ko ang pagtataka sa mukha ng babae sa dami naming order. Order niya, burger, pasta, french fries, fried chicken, siomai, siopao and a cup of rice. Ako nag-rice na rin at fried chicken. At may 1 liter of soft drinks pa kami. At yung libreng sabaw pa pala. Well, good luck sa kanya, sana maubos niya.



"Sure kang kaya mong lahat yan?" tanong ko nang naglalakad na kami pabalik sa table namin.



"Ewan ko sa 'yo!" inis na sagot niya. Kasi siya pinadala ko ng in-order niya. Kitang nahihirapan siya sa dami nun. Nabibigatan siguro? Eh, order niya kaya yun.



Paglapag namin ng tray sa table bumalik ako sa counter para kunin yung soft drinks at para sa spoon and fork at baso namin. Pagbalik ko sa table namin, malalim na napabuntong-hininga na lang ako.



"Nate, pwedeng makiupo? Ang sikip na kasi dun sa table ng tropa." Si Cristy and she gave me her sweetest smile. Di ako sumagot at nilapag ko lang ang mga dala ko sa table. Tahimik akong naupo. "Okay naman kay Chelsa na nandito ako. At di naman ako hihingi sa food n'yo. I have my own."



Di ko pa rin nilingon si Cristy na ngayon ay katabi ko. Nakatitig lang ako kay Chelsa na nasa tapat ko. Bahagya siyang ngumiti. Tumango ako at tsaka ko na pinansin si Cristy.



"Okay lang. Ano ka ba, tropa tayo." Kaswal na tugon ko sa kanya. "Let's eat?" nakangiting tanong ko sa kanila. Pero pambihira, sinong niloko ni Crisry? Kaming walo nga kasya sa table na yun. Ngayon masikip, eh, wala nga ako?



Nagsimula kaming kumain. At nakaka-tatlong subo pa lang ako, napabuntong-hininga na naman ako nang sobrang lalim! Gusto ko nang maging rude sa situation ngayon nang may dumating pang bungol. Kaso naiisip ko si Chelsa. Alam kong ayaw niyang makita ang part na yun ng personality ko. Ayaw kong ma-disappoint siya sa kilos ko. At ayaw kong muling matakot siya dahil sa away namin ng dumating na pang-asar.



"Pre, pwedeng makiupo?" may nakakaasar na ngiting tanong sa 'kin ni Kristan. Tiningnan ko siya nang masama at may pagbabanta. Pero wala pa akong sagot agad na siyang naupo at nilapag ang hawak niyang tray ng pagkain. Katabi niya ngayon si Chelsa at katapat niya si Cristy.



Naramdaman ko na may tumapik sa paa ko. Nilingon ko si Chelsa, tipid siyang ngumiti and she mouthed, okay-lang.



Nagsalita si Kristan. "Ayos, hah! Para tayong nagdu-double date?" at inakbayan niya si Chelsa. Gusto ko nang manapak, hah!



"Bitawan mong girlfriend ko!" I said with authority. Na may deadly look.



"Waoh! Relax, pre! Ang layo ng kamay ko kay Cristy!" natatawang sagot ni kumag.



"Si Chelsa ang girlfriend ko." Madiing sabi ko at inalis ko ang kamay ni Kristan sa balikat ni Chelsa. Parang gusto ko nang baliin mga daliri, eh!



"Wait? Pinagsasabay mo sila? Wow! Lupet!" sarkastikong sabi ni Kristan.



"Wala na kami ni Cristy. Si Chelsa ang girlfriend ko. Alam mo yun, di ba?" pinilit kong maging cool.



"Bagay kayo ni Chelsa, Kristan." Biglang nagsalita si Cristy na tuloy lang sa pagkain.



Nakakalokong napangiti si Kristan. "Talaga? Kaso taken na si Chelsa." muling umakbay si Kristan kay Chelsa. "Alam n'yo sayang kayong dalawa. Bagay na bagay pa naman kayo. Fan nga ako ng love team n'yo, eh!" sarkastikong pagkakasabi uli nito at tiningnan kaming dalawa ni Cristy. Sarap isubsob sa mesa ang mukha ng gago!



Well, the tension is on! At ramdam ko rin yun sa mga nakakarinig sa conversation namin. Halos nasa gitna kasi ang pwesto namin. At di naman kami nagbubulungan habang nag-uusap kaya dinig. At kahit magbulungan kami, for sure pipilitin ng mga taong 'to sa paligid na marinig ang pinag-uusapan namin. Yung mga tropa ko nasulyapan ko na parang walang pakialam at masaya silang nag-uusap lang sa may unahan namin, pero alam kong nakikiramdam sila. Yung grupo naman ni Kristan nasa bandang likod namin. Alam kong nakahanda lang ang mga yun. Siguro kundi lang dahil kay Chelsa, nagsimula na ako ng gulo?



Ngumiti ako at kalma-kalma lang may time naman. "Seriously?" I laughed. "Pero sa tingin ko mas bagay kami ni Chelsa." cool na pagkakasabi ko at muli kong inalis ang kamay ni Kristan sa balikat ni Chelsa.



"Tingin ko rin." Nakangiting pagsang-ayon ni Chelsa at hinawakan niya ang kamay ko. "Mas bagay kami ni Nate." Naks! Palaban din ang gf ko, hah!



"Di rin!" smirk ni Cristy. "Well, siguro? The Prince and the Frog?" at pinakawalan niya ang trademark evil laugh niya. Pero napatingin lang kami sa kanya with what-look with matching frowned faces. "Okay! JK! Just kidding!" pagbawi niya nang tingnan ko siya nang masama.



Biglang tumawa si Chelsa. An innocent laugh, na may parang ibig sabihin? "Ikaw talaga Cristy patawa ka! You're funny! You're referring Nate and you, right? Past is past! Move on girl!" shit, man! Ang hot ng gf ko! Ang weird talaga nito? Saan galing ang mga banat niyang yan? I secretly smiled. Syempre di ko pwedeng ipakita kay Cristy. I love her as a friend. Alam niya naman yun. Wish ko nga talaga maging maayos between sa 'min ang lahat.



"Shut up!" inis na sabi ni Cristy.



Tumawa nang malakas si Kristan. "Cristy, nakakatawa talaga yun. Baka naman kasi Beauty and the Beast ang ibig mong sabihin sa kanila?" tanong niya kay Chelsa at nag-evil laugh din si ugag! What the – ?! Ano suntukan na? Hasit!



Okay! I smiled and mimic there laugh with a little bit exaggeration. Chillax pa rin ako. "Nice! Alam n'yo kayo ang bagay?" I referring Kristan and Cristy. "Parehas kayong funny, mukha kayong clown. Pwede kayong comedic duo."



At biglang tumawa si Chelsa. Napatingin kaming tatlo sa kanya. "Ang weird nun! Frog and a Beast?" tawa niya na nakahawak pa sa tiyan. Okay, so ang babaw ng kaligayahan ng gf ko? Bagay kami, corny ako eh. But I felt sorry for Cristy.



"Bitch!" galit na pasigaw ni Cristy kay Chelsa. Nagpantig ang tainga ko.



I look her with my evil eyes. "Don't call her bitch, Cristy!" I said with authority.



"Don't look her like that, Nate!" may pagbabantang sabi sa 'kin ni Kristan. Any seconds parang sasabog na siya sa galit.



"Who the hell are you?"



"And who f*ck are you?"



Sarkastiko akong ngumiti. "Well, I'm her ex na hinahabol-habol niya." I smirked. "Di tulad ng iba d'yan na parang asong nakabuntot sa kanya!"



I saw the devil nang tingnan ko si Kristan. Galit niyang hinampas ang mesa na halos umangat ang mga plato at may natumba pang baso. Napatayo na siya pero ako nanatiling nakaupo at sumandal pa. I crossed my arms at naghintay sa gagawin niya. I just smiled nang magkatitigan kaming dalawa at napansin ko ang nanginginig niyang mga kamao na nangangati nang manuntok. I know him, masyadong maikli ang pasensya ng kumag na 'to sa kabila ng mapang-asar niyang personality.



Sa ingay na ginawa ni Kristan sapat na yun para matahimik ang lahat sa canteen. Nasa pause mode ang lahat at naghihintay sa susunod na eksena naming apat na nasa sentro ng atensyon nila.



Galit na tumayo si Cristy at natumba pa ang upuan niya. Nilingon ko siya at isang malakas na sampal ang sumalubong sa kaliwang pisngi ko. Napanganga na lang ako sa pagkabigla. At nang tingnan ko siya, nakita ko ang galit sa kanyang mukha at ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa kanyang mga mata. Pinukol niya nang nakakatakot na tingin si Chelsa bago niya ako muling tiningnan nang masama. At agad na siyang umalis. Wala siyang binitawang salita at yun ang mas pinag-aalala ko. Siguradong matindi ang galit niya ngayon sa 'kin. I admit, alam kong foul yung sinabi kong yun. Alam kong nasaktan ko siya dun.



"Gago!" diretsong sabi sa 'kin ni Kristan at sinundan niya si Cristy.



Sinundan din ng tropa si Cristy. Bago sila umalis, nakita ko sa mga mukha nila ang sobrang disappointment. Kay Jasper, nakita ko ang galit. Maging si Edward napailing sa 'kin. Haist! Ang shit ko lang! Pero nasabi ko na – wala nang bawian. Siguro naman titigilan na ako ni Cristy. Pero sana di matigil ang pagiging magkaibigan namin. Ayaw kong masira ang tropa.



At sa pangyayaring yun, lalong natahimik ang lahat. Pero kasunod din nun ang mga nakakabinging bulungan. Mga kung ano-anong nakakairitang marinig. So, mukhang ako na ang magiging Most Hate sa school na 'to, next to Chelsa? Maybe sooner or later, I'm not that Famous Nate at all? Kami na ang Hatest Couple of campus. I sighed deeply. At naramdaman ko na lang ang malamig na mga kamay na tumakip sa tainga ko. Si Chelsa, nakangiti siya pero kita ang lungkot sa mga mata niya. Tinakpan niya ang tainga ko para di ko marinig ang mga bulungang yun. Inangat ko ang mga kamay ko at tinakpan ko rin ang mga tainga niya, dahil alam kong mas masakit para sa kanya ang marinig ang mga salitang yun.



Pagkatapos namin mag-lunch naisip naming umakyat muna sa roof top ni Chelsa dahil may 25 minutes pa naman bago mag-time. At para na rin makaiwas sa mga mapanuring mga mata.



"Sure kang kayo mong umakyat?" tanong ko. Pa'no ba naman kasi, matapos nang mga nangyari naubos niya pa rin yung foods niya. eh, ako nga halos di makakain.



"Oo naman." Sagot niya at hinawakan ko ang kamay niya. Naisip ko nga, baka habang nasa taas kami ma-jebs pa 'to, eh? Malayo-layo ang CR.



Pagkaakyat namin…



PAK!



Isang sampal ang natanggap ko mula kay Chelsa sa kanang mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Yung pakiramdam tulad kanina nang sampalin ako ni Cristy. What?



"Para sa'n yun?!" gulat na tanong ko.



"…Para pantay?" medyo na-awkrward na sagot niya. Dahil siguro sa pagkabigla ko at napasigaw ako. Pero natatawa siya.



"What? Really, Chelsa?" kunot-noo kong tanong habang himas ang kanang pisngi ko. Tapos yun tuluyan na siyang natawa at tumakbo palayo. Para pantay sa sampal ni Cristy sa kaliwang mukha ko? Loko yun, hah! Humanda siya 'pag naabutan ko siya!



Naghabulan kami. Napakasaya niya. Parang walang nangyaring tensyon kanina. Napapangiti na rin ako, pero yung kirot sa mukha ko nandun pa rin. Kaya humanda siya!



Nang maabutan ko siya, I grabbed her waist at nilapit ko siya sa katawan ko. Slowmo mode. Nagkatitigan kami at lalo kung nilapit ang katawan niya sa katawan ko. At nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.



"Humanda ka!" pabulong ko sa kanya.



"A-Anong gagawin mo?" may kabang tanong niya. Tinitigan ko kasi siya with my evil eyes. Pero may pagka-romantic naman in some point.



"Susuntukin ko mukha mo!" madiin kong sagot.



"Ang sama mo!" Pumalag siya at pilit kumakawala sa pagkakahawak ko sa baywang niya. At hinampas niya ako nang paulit-ulit.



Pero pinulupot ko na ang mga braso ko sa kanya kaya yakap ko na siya, at natigilan siya. Lalo kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Magkadikit na ang mga noo namin at napansin kong napalunok-laway na siya at pulang-pula na. Di ko alam kung natatakot ba 'to o kinikilig na? Nararamdaman ko ang mainit niyang paghinga sa mukha ko. Naamoy ko na rin ito, amoy ng pinagsama-samang pagkain!



"P-Pa'no mo ako masusuntok kung yakap mo ako at ganito tayo kalapit?" mahinang tanong niya.



Binitawan ko siya at napaatras siya. Hinanda ko na ang kamao ko at pinatunog ko pa ang buto ng mga daliri ko. Yung hitsurang parang mananapak talaga. At hinimas-himas ko pa ang kanang kamao ko.



"Susuntukin mo talaga ako?" nakita ko ang takot sa mukha niya.



"Gaganti lang ako! Kanina pa kaya ako kating-kati makasuntok." sagot ko.



"Nate, over ka!" napangiti na ako sa reaksyon niya. Pero yung talim ng titig ko sa kanya nandun parin. Actually, kanina ko pa gustong tumawa.



"So, anong gusto mo? Itong kamao ko?" itinutok ko sa kanya ang kamao ko. "O itong lips ko?" at pilyo kung nginuso sa kanya ang labi ko. Humakbang ako palapit.



"Kaloka ka Nate!" sigaw niya.



"Mamili ka!" At muli akong humakbang. Napasandal na siya sa pader malapit sa pinto.



"L-Lips." Nakayukong sagot niya.



"Wish granted!" Sinugod ko siya, at ikinulong ko siya sa mga braso kung nakatukod sa pader. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Too close that I could feel her breath on my face. At naamoy ko na naman ang pinaghalo-halong amoy ng pagkain. At nangibabaw pa ang toasted chilly and garlic na toppings ng siomai. Pambihira! Panira ng romantic scene!



"N-Nate?" mahinang sabi niya. Napansin ko ang butil-butil na pawis niya.



"Pumikit ka." I whispered intensely. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sa lapit ng mga katawan namin naririnig ko ang bilis nang tibok ng puso niya. Pero shit! Pati ako na-trap sa sarili kong patibong! Bumilis din ang tibok ng puso ko. Tinitigan ko lang siya habang nakapikit siya. I really love her! Nasabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko siya. Napangiti ako nang makita kong ngumuso siya. May ini-expect? Nilapit ko ang bibig ko sa tainga niya. "Uy, naghihintay!" bulong na biro ko.



Bigla siyang dumilat na may nakakatakot na mga titig. Para akong lalamunin ng buo. "Hindi kaya! Kainis ka talaga Nate!" sigaw niya at tinulak niya ako. Napaatras ako sa lakas ng pagkakatulak niya at pinaghahampas niya pa ako. Di ko na napigilan ang tawa ko. Nagpa-flashback sa utak ko yung pagnguso niya. Kaso lalo niya atang ikinagalit.



"Hey! Biro lang, tama na!" daing ko. Ang sakit na kasi ng mga hampas niya. Di pa nga ako nakaganti sa ginawa niyang pananampal tapos ito na naman? "Na-disappoint ka?" natatawang tanong ko.



"Hindi kaya! Napaka- mo talaga!" at nagpahabol pa siya ng isang hampas.



"Napaka-?" tanong ko habang himas ang braso kong hinampas niya.



"Basta! Napaka-ewan mo!" tapos tinalikuran niya ako.

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now