CHAPTER 45

5.2K 91 28
                                    

"I'M SORRY. SORRY, kung naduwag ako." Sabi ko at yumakap na rin ako nang mahigpit kay Nate.



"It's okay. Di mo naman kailangan ipagsigawan. Nararamdaman ko naman yun. Tahan na, mahal ko." Nakangiting sabi niya at pinunasan niya ang luha ko sa mukha. Tagos na tagos sa puso ko yung sinabi niya! Waaaaaahh! Mahal ko? "Pero ako, kaya kong ipagsigawan sa mundo na girlfriend kita." Hawak niya ang magkabilaang-mukha ko. Nararamdaman ko ang init ng bawat paghinga niya sa lapit ng mukha namin. Tapos bigla siyang nag-smirked! Yung nakakainis niyang expression na yun! Yung patabingi niyang ngisi!



"Nanunumbat ka ba!" sabay hampas ko sa kanya.



"Umm? Oo?" sagot niya. Nakakaloko ang tingin. At…nakakabaliw!



Pagwapo nang pagwapo ang lalaking 'to! Yun ang rumihestro sa utak ko. "Sira ka talaga!" pero yan ang lumabas sa sa bibig ko at hinampas ko siya ulit!



"Joke lang!" tawa niya. "Alam mo ikaw, pagdating sa 'kin ang siga mo! Pero sa iba duwag ka naman!" Hinawakan niya ang mga kamay ko. Tapos smile siya sa 'kin. Eeeeeee! Yan na naman siya at sinabayan pa ng nakakatunaw niyang tingin!



Napakunot-noo ako. "Ba't parang ang saya mo, matapos yung kanina? Daig mo pa ang climate change sa pabaga-bago ng mood mo." Sabi ko, tapos sinayaw niya ako. Adik ba 'tong bf ko?



"Ngayong kasama kita, may rason ba para di ako sumaya?" sabi niya.



"Eeeeeee! Kainis ka!"



"Bakit?"



"Pinapakilig mo ako!" tawa lang siya. Para kaming tangang sumasayaw ng walang tugtog. Pinapaikot-ikot pa ako. In fairness, nakakahilo. "Bakit ba kasi?" tanong ko.



"Wala. May naisip lang akong brilliant idea!" sagot niya. "Bagay na bagay nga ako dito sa Brilliant Mind Academy sa taba ng utak ko." Ang humble niya, promise! "Naisip ko yun dahil sa 'yo." Sabi niya at ayan na naman yung killer smile niya with murderous eyes na nagpapabilis ng tibok ng puso ko! "Dahil sa pagtanggi mo sa 'kin." Ngising patabingi na naman siya.



Tiningnan ko siya nang masama. Tumawa siya, pero nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Siguro pinapasaya niya lang ako sa sitwasyong 'to? Siguro pinipilit niya lang ngumiti para sa 'kin?



Tumigil kami sa pagsasayaw. Huminga siya nang malalim, hinawakan niya ang kamay ko at biglang naging seryoso. "Sana wag kang matakot sa tropa ko. Mabait ang mga yun. Ako na ang humihingi ng tawad. Sana wag kang magalit sa kanila."



Hinawakan ko ang mukha niya habang hawak niya pa rin ang kamay ko. "Hindi. Hinding-hindi." Nakangiting sagot ko.



"Salamat. Ako na ang bahalang kumausap sa kanila." Nakangiting sabi niya.



"Basta, wag ka na rin magalit sa kanila." Sabi ko at tumango siya.



Alam kong mahalaga sa kanya ang tropa niya, kaya nga sinasabi niyang wala siyang pinipili. Alam kong malungkot siya. Wala man lang ba akong magagawa para sa kanya? Napaka-unfair ko at napaka-selfish. Lahat ginagawa niya para sa 'kin. Pero ako, ang dami kong nililihim. Alam kong marami siyang katanungan. At mas lalo akong nagi-guilty dahil alam kong naghihintay lang siya ng paliwanag ko.

~~~

> JASPER'S POV <



"Aaah! Aray!" gandang babae, parang lalaki kabigat ang kamay ng Lhyn na 'to! Kung di ko lang lalabs 'to, eh! "Dahan-dahan naman, asawa ko." May paglambing ko. Nandito kami ngayon nina Karl, Kyle, Zab at Lhyn sa labas ng convenience store nina Edward. Si Edward, ewan kung saan na nagsuot. Lately, mukhang ang daming activities ng taong yun?



"Asawa mong mukha mo! Kung ano-ano na lang ang tinatawag mo sa 'kin!" pouted ni Lhyn tapos diniinan pa yung paggamot sa pumutok kong labi dahil sa suntok ng lokong Nate na yun. "Di nagmumog ka ng dugo mo. Nakaka-disappoint ka talaga! May ugali ka palang ganun?" simangot niya. Kanina pa ako nito pinagsasabihan. Yung tatlo naman panay, tsk, tsk, tsk, lang ang sinasabi. Di kasi nila nagustuhan yung sinabi ko kanina kay Nate na kung naglalaro lang siya, share niya na lang sa 'min si Chelsa kapag nagsawa na siya.



"Nag-sorry na nga ako, di ba, honey creamy pie?" Muli kong pagpapakumbaba. Alam ko naman kasi na medyo below the belt yung sinabi ko. Sobrang guilty ko nga ngayon, lalo 'pag naaalala ko yung mukha ni Chelsa nang sabihin ko ang mga salitang yun. Parang gusto kong hanapin siya at mag-sorry. Pero hindi rin, naiinis talaga ako sa Nate na yun! Putik siya! Di man lang ako nakaganti!



"Ewan ko sa 'yo! Honey creamy pie? Mukha mo! Akala ko pa naman iba ka sa mga lalaking ganun. Akala ko galit ka sa mga lalaking pinaglalaruan ang mga babae? Tapos nasasabi mo ang ganun? Turn off much ka! Buti wala ako dun. Kung nagkataon ako mismo sumuntok sa 'yo!"



"Pwedeng mag-sorry, kaya pwedeng patawarin, di ba?" okay, di ko na alam kung ilang beses ako nag-apologized? "Dala lang naman yun ng galit ko kay Nate."





"Tsk, tsk, tsk." Yung tatlo. Kanina pa ganyan mga yan habang nakatayo sa harap namin at naka-crossed arms pa. Parang mga bouncer lang sa club at mga butiki sa kisame na puro tsk, tsk, tsk.



"Babae din kasi ako. Kahit anong galit ko sa girl na yun dahil sa ginawa niya kay Cristy, di ko naman gugustuhin na makarinig ng ganun. Anong tingin n'yo sa 'ming mga girls laruan?" sinamaan ako ng tingin ng sweetie caramel ko. "Mauna na nga ako sa inyo!" pouted niya sabay tayo at talikod.



"Saan ka pupunta, juicy fruit?"



"Para kang sira! Bubble gum lang?" ayan na yung mukha niyang nakaka-in love. Kaya kung ano-ano tinatawag ko dito, eh. Daling maasar. "Pupuntahan ko si Cristy!"



"May klase pa tayo, hah?"



"Absent ang bestfriend ko, kaya absent na rin ako! Kaya babosh!" at tuluyan nang naglakad palayo si Lhyn.



"Iiwan mo boyfriend mo?" pahabol ko.



"Tse!" yun lang sagot.



"Tsk, tsk, tsk." Yung tatlo na naman.



"Tigilan n'yo nga ako!" tapos pinagtawanan lang ako. Parang wala sila dun kanina. Ako na nga ang nasaktan, eh! Di ko alam kung kanino kampi ang mga 'to, eh?



Nagpaalam na din yung tatlo. Di na rin daw sila papasok at pupuntahan na lang yung mga girlfriend nila. Isang school lang kasi pumapasok ang mga college girlfriend nila. Kaya ako ito, mag-isa. Sorry naman talaga sa nasabi ko kay Chelsa. Nainis lang talaga kasi ako. Nang dahil kasi sa kanya nagulo ang tropa. At ngayon di ko alam kung pa'no ko pakikitunguhan si Nate. Parang naiirita ako kapag nakikita ko siya. Naiinis ako sa ginawa niya. Ito ang pinakaayaw kong mangyari. Ayaw ko nang may pagbabago. Minsan nga iniisip ko na sana, habambuhay na lang kaming high school ng tropa at magkakasama sa trip. Alam kong impossible naman yun. Dahil lahat naman talaga nagbabago at walang pernamente mundo. Ewan, basta duwag ako sa pagbabago. Nakakagago lang kung iisipin, basta ewan, nakaka-miss lang kasi wala pa man. Siguro dahil sa nangyari sa pamilya namin kaya ganito ang thinking ko.



Masaya ang family namin nang biglang malugi ang family business namin. Tapos ang masiyahin kong ate, niloko ng asawa niya at nagtangkang magpakamatay. Sana lang talaga may forever. Kaso talaga sigurong wala. Tama nga siguro si Edward sa lagi niyang sinasabi na wala talagang forever.



Pero sana maayos kami hanggang matapos ang high school. Patapos na ang school year nagkaganito pa. Nilabag ni Nate ang nag-iisang rule ng tropa. Na dapat WISE, Walang Iwanan Sa Ere.

~~~

> CHELSA'S POV <



NASA ROOF TOP pa rin kami at nakaupo lang. Nag-ring na yung bell, means tapos na ang recess. Pero sabi ni Nate dito lang kami. Pumayag naman ako. Minsan talaga bad influence din ang bf. Or baka naiilang lang siyang makasama ang tropa niya?



"I guess, di ko na kailangan 'to?" nakangiting sabi niya tapos may binunot na nakatiklop na papel sa bulsa niya. Yung may drawing niyang ulap, I mean, puso.



"Para saan ba kasi yan?" tanong ko.



"Gusto mo?" howaw! With full of confidence na tanong niya.



"Anong gagawin ko d'yan?"



"Masterpiece 'to!" Ngisi niya. "Maihahanay 'to sa gawa ni Leonardo de Carpio at iba pang mga legend."



"Masterpiece na cloud sketch?"



"Heart nga 'to! Puso! Haist! Bopols ka talaga! Kanina ka pa!" tapos kinutusan ako. "Di mo ba nakikita?" nagsalubong na naman yung kilay. Sarap bunutin! At nilapit pa sa mukha ko yung drawing niyang ewan!



"Hindi ako bulag! Malay ko ba kung heart-shaped na ulap yan? Um!" kinurot ko nga sa tagiliran, makaganti lang. Napa-igting siya. "Kung makabopols ka! Leonardo da Vince yun! Di de Carpio!"



"Binago na?"



"Baliw ka talaga!" natatawang sabi ko tapos inakbayan niya ako na parang magkumpare lang kami.



"Di natawa ka? Wag mo na kasing isipin yun. Sabi ni Edward, di masamang isipin ang future. Ang masama kung di mo i-enjoy ang ngayon." Seryosong sabi niya. Gusto niya pala akong patawanin. Siguro napansin niyang nag-emo na naman ako dahil sa mga iniisip ko. Ang deep naman pala ni Edward? May pinaghuhugutan? Pero tama siya, just think positive.



"Para saan nga kasi yan?" tanong ko. Di ko kasi gets kung para saan ang drawing niyang yun. Wala naman kaming project na ulap. Okay, puso! Lumingon siya sa 'kin. Ayan na naman yung mga ngiti at mata niya. Tusukin ko na kaya?



"Para sa couple shirts' day. Para sa 'tin." Nakangiting sagot niya.



"Eeeeee!" tinulak ko siya. Ayun, nahulog sa upuan at lumagabog.



"Bakit?" kunot-noo niya. Nasaktan ata at nabigla?



"Sorry! Kinilig lang! Akala ko kasi di mo naisip yun?" hiya-hiyaan ko pang sagot.



"Baliw!" ngiwi niya. Nasaktan nga. Tumayo siyang ika-ika. At ang sama ng tingin sa 'kin. Naupo siya at pinitik ako sa noo. Sweet 'no? Napa-aray na lang ako, di na lang ako gumanti.



"Pero buti nagbago isip mo. Ang pangit kaya ng drawing mo." ngiwi ko habang himas ang noo ko.



"Loko ka, hah! Di kaya ako nakatulog sa design na 'to!" sinamaan niya ako ng tingin.



"Over! Pinagpuyanatn mo na yan?" tiningnan niya ako nang masama sa sinabi ko tapos nilukot yung papel at tinapon. So, silent na me. Mukhang galit na siya. "Eh, ano na ang naisip mo?" tanong ko.



"Surprise." ngiti niya. At umandar na naman yung kahambugan!



Na-excite naman ako nang super-super! Kasali yun sa list ko, na magsuot kami ng couple shirts. Mula nang malaman ko ang kwento tungkol sa event na yun ng school, sobrang na-excite na talaga ako wala pa man kami ni Nate. Parang ang saya lang kasi makakita ng mga lovers na pareho ang damit. Di ko inakalang mararanasan ko din yun.



Sina Mr. and Mrs. Torres na founder ng Brilliant Mind Academy ay naging mag-asawa dahil sa kanilang aksidenteng couple shirts. Tinukso sila ng mga classmate nila. Hanggang maging love team sila ng klase nila at mauwi sa totohanan. How sweet! Kaya nang magpatayo sila ng school which is same dreams nila, dahil pareho silang teachers, naisip nilang magkaroon ng Couple shirts' day. Hindi upang ipalaganap ang kalandian. Kundi para mahanap ng bawat isa ang kanilang true love. Gaya ng nangyari sa kanila. High school din kasi sila noon. Ginawa nilang March 3, dahil yun ang araw na sinagot ni Mrs. Torres si Mr. Torres. At laging nagpapaalala ang araw na yun ng kanilang love story. At di lang naman for couples ang event na yun ng school. Maging mag-bestfriend at magkakaibigan nagsusuot ng kani-kanilang couple shirts to express their true friendship.



Hinawakan ni Nate ang kamay ko. "Alam mo ba ang kwento tungkol sa couple shirts' day ng school?" tanong niya.



"Um." Tumango ako.



"Sana tayo din maging tulad nila. Sabi mo walang forever? Bakit sila?"



"Sigurado ka ba sa mangyayari sa kanila? O sa nangyayari sa kanila? Pa'no kung may lihim sila sa isa't isa?"



"Haist! Basag trip ka talaga!"



Napangiti ako. "Wala naman tala – "



"Wala talagang forever?" pagputol niya sa sasabihin ko. "Pero may destiny. Kaya nga may tayo, di ba?" murderous eyes attack na naman siya! "Tayo ang destiny." Tagos na naman na pagkakasabi niya. Parang gusto kong maiyak.



Tumango ako. "Umm." Yun lang ang nasabi ko at sumandal ako sa balikat niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya baka kasi tuluyan na akong maiyak. At baka kung ano na naman ang isipin niya? Napakasarap pakinggang ng sinabi niya. Tayo ang destiny. Ang sarap talagang pakinggan at ang sarap ulit-ulitin sa utak ko. Palihim akong naluha at napatulala nalang nang makita ko ang purple na paruparo na papalapit samin.



"Nandyan na naman yung mga paruparo. Parang pakunti sila nang pakunti?" Narinig kong sinabi niya. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya at ipinikit ko na lang ang aking mga mata.



Nandyan na naman ang mga paruparong nagpapaalala sa 'kin na wala talagang forever. At pakunti na sila nang pakunti. Wala na sa isang-daan ang bilang nila. At yun na lamang ang bilang ng araw na meron ako sa mundo.



"Chelsa?"



"Um?"



"Ang weird lang? Kapag nakikita ko ang mga paruparong yan, parang kinakabahan ako?" Napadilat ako sa sinabi niya. Natatawa-tawa siya sa sinasabi niya, pero nararamdaman ko sa boses niya ang pag-aalala.



Nasa harapan namin ang mga paruparo. Para silang sumasayaw sa hangin. Ang ganda nilang pagmasdan. Pero takot ang nararamdaman ko. Sana hindi sa kamatayan ang destiny ko. Sana sa piling na lang ni Nate.

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now