CHAPTER 24

7.2K 128 24
                                    

> CHELSA'S POV <



NANGYARI BA TALAGA yun? Hindi ba imagination ko lang? Pero naramdaman ko yung lips niya. Parang isang kurap lang yun – pero parang umabot ng isang minuto. May narinig pa akong kakaibang tunog. Parang bell? Tapos parang nagkaroon ng fireworks at nagliliparang mga stars kasabay ng mga paruparo?



And sure akong di naman talaga imagination lang yun or panaginip, nararamdaman ko pa rin kasi yung sampal ni Cristy.



Pero bakit niya ba ginawa yun? Gusto niya na ba ako? Ang hirap naman. Mag-a-assume ba ako? Baka kasi pinagtitripan niya lang ako, dahil alam niyang gusto ko siya? Level up na pantitrip, sa harap pa ng lahat?



Di ko makuhang kiligin ng todo sa kiss niyang yun. May kaba akong nararamdaman. Lalo na kapag naalala ko si Kristan at ang mga mata niya. Pati na rin si Nat, nakakatakot din yung mga mata niya. Natatakot din ako sa mga pwede pang gawin ni Cristy sa 'kin. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Diyos ko, sana wala namang mangyaring malala sa 'kin. Kaya kong gamutin ang sarili ko, pero nararamdaman ko pa rin naman ang sakit. Ang hirap pala talaga maging masaya. Di porket nag-decide ka na hayaan ang ibang tao sa sasabihin at iisipin nila, eh, makakamtan mo na ang happiness. Hindi pala talaga ganun kadali. Maaapektuhan ka pa rin talaga ng iba.



Sina mama, papa, at ate, bigla na lang sumulpot kanina. Di ko alam na nandun lang pala sila. Nakita kaya nila yung mga nangyari? Gusto ko sana silang tanungin, pero naisip kong wag na lang. Baka di naman nila nakita. Mas okay nang ganun. Tuwang-tuwa sila sa pagiging prom Queen ko at di naman nila tinatanong ang tungkol sa paghalik sa 'kin ni nate.



Pero ba't ba kasi ganito yung powers ko? Pwede ko silang kausapin sa isip lang, pero di ko naman mabasa ang iniisip nila. Kailangan may permiso pa. Maririnig nila ako kung kakausapin ko sila, pero ako kung di nila kakausapin, di ko naman mababasa ang nasa isip nila. Ano kaya yun?

~~~

NARITO AKO NGAYON sa kusina. Di ako makatulog, halos madaling-araw na. Uminom ako ng tubig at ngayon nakatulala na lang ako habang pinag-mamasdan ang baso. Tapos biglang papatak ang luha. Ba't ba ang hirap magpaka-okay?



"Di ka makatulog?" nagulat ako. Pero kilala ko ang boses na yun – si papa. Uminom din ng tubig si papa. Naupo siya sa tapat ko at hinawakan ang kamay ko. "Pwede kang magkwento sa 'min."



"Okay lang po ako." Matipid na sagot ko.



"Sino yung binatang yun?" 



"Hah?" nagulat naman ako sa tanong ni papa. Medyo nasamid-samid pa ako.



"Gusto mo siya?" Napayuko na lang ako. Anong isasagot ko? Parang obvious naman kasi ako. Sabi nga nila, bukod sa sakit ng ngipin – di mo rin maitatago kapag in love ka. "Walang masamang magmahal. Sundin mo kung ano ang nasa puso mo. Para namang gusto ka rin niya, eh." Di ako makapaniwala sa sinabi ni papa. Akala ko papagalitan niya ako at pagbabawalan sa kakerihan ko?



"Talaga po?"    



Tumango si papa. "Wala namang masama kong susubukan mo. Gusto kong maging masaya ka, anak. Gusto kong maranasan mo ang magic ng love."



Ngumiti ako habang nagpupunas ng luha at tumango ako kay papa. Niyakap niya ako bago siya umalis.



Nagtaka lang ako, kasi dati ni ayaw nila akong makisalamuha sa ibang tao. Tapos ngayon okay lang na ma-in love ako? Parang ang weird lang? Pero siguro gusto lang nilang maging masaya ako sa mga natitirang araw ko sa mundo.



Pero pa'no kung gusto na nga ako ni Nate at mahal niya na ako? Pa'no siya kapag nawala na ako? Ayun, naluha na naman ako. Totoo ngang ang pag-ibig ang pinakamagandang bagay sa mundo. Pero yun din ang pinakamahirap mahanap. Makita mo man, wala pa rin assurance na yun nga ang pag-ibig na para sa 'yo. Magulo. Komplekado. Nakakasira ng ulo.



Okay. Ang drama ko lang. Time to sleep na.

~~~

> NATE'S POV <



MONDAY, MONDAY, MONDAY. What a boring day? Wala akong amats. Pero masakit ang ulo ko. Dala pa rin nang kaiisip sa kagagohan ko.



Di rin ako nag-online – alam ko kasi kung ano ang mga naka-post dun. Makakasira lang ng araw. Haist! Stress!



Kagabi niyaya kong mag-shot ang tropa kaso tinanggihan nila ako. Gusto ko sanang pag-usapan yung nangyari sa prom. Si Cristy di ko makontak mula nang gabing yun. Pinuntahan ko pero di rin ako hinarap. Ang drama naman kasi ni Jasper. Nag-text kagabi si Edward magkakasama sila nina Kyle, Karl, Zab at Jasper. Pinigilan daw sila ni Jasper na magkipagkita sila sa 'kin.



Maloko yun si Jasper pero siya naman ang pinaka-sensitive sa tropa namin. Lalo na pagdating sa dalawang girls namin sa tropa. Ayaw niyang ni isa man sa dalawang yun masaktan. Di ko naman siya masisisi. Si Lhyn gusto niya at sa pamilya ni Cristy malaki ang pagkakautang nila. Nung magkaproblema kasi sa business ang pamilya nina Jasper, nakiusap si Cristy sa papa niya na tulungan ito. Kaya medyo nakabawi sila. Kami kasi wala naman magawa. Tulad ko – ang parents ko madalas wala naman sa bahay. At dahil din yun sa ate niyang nag-suicide dahil sa asawa nitong nambabae. Buti di namatay ang kapatid niya. Pero dahil dun, galit na siya kapag nakakakita ng babaeng niloloko. Kapag nalalasing nga yun minsan pinangangaralan niya kami.



Haist! Parang tinatamad tuloy akong pumasok. Pero naiisip ko siya – si Excuse me girl. Ano ba ang dapat kung gawin sa set up na pinasok ko?



"Aaaaaaaaaaaaahhhh! Shit!" napadabog na lang ako sa kama ko. Buti wala si mom. Kung nandito yun kinulit na akong bumangon. Haist! Bahala nang ma-late! Patapos na rin naman ang school year.



Nakatingin ako ngayon sa sarili ko sa salamin, napapaisip kung handa akong pumasok. Napagmasdan ko ang labi ko. Napapangiti ako 'pag naaalala ko yung nangyari. Dumampi na 'to sa lips niya. Para akong ulol kung makangiti. Pero nabubwiset din ako kapag naaalala ko yung mga sumunod na nangyari. Haist! Ang gulo lang!



Buti pala di naman ako gaanong napuruhan ni Kristan sa mukha. Ayun, gwapo pa rin. Lord, 'kaw na bahala sa araw na 'to.



"Hehe!" wala lang. Napangiti lang ako. Napatingin kasi ako sa kanang kamay ko na hinawak ko sa mukha ko. Haha! Ito yung nakasalo kay Excuse me girl. Nanlamig ako dun. Pero wag nang pag-usapan yun. Baka sabihin niyo pa perv ako!

~~~

> CHELSA'S POV <



OKAY. THIS IS IT! Palabas na ako ng kotse. Ayan, lalabas na ako. Aapak na ako sa seminto. Ayan na! Aapak na ako. Paapak na talaga. Ayan na!



Parang nanginginig ang paa kong iapak sa seminto. Narito kami ngayon sa tapat ng school. Pero ito na talaga. Ayan na, aapak na ako! Sa isip ko, tapos biglang…



"Umm!" si ate, tinulak ako. Kapatid ko ba talaga 'to?



"Bakit mo ginawa yun?!" inis na tanong ko. Halos masubsob kaya ako.



"Kanina ka pa! May lakad din ako!" inis din siya. Tapos sinara yung pinto at pinaharurot ang sasakyan. Kaya ayaw kong magpahatid dun, eh! Ang sweet talaga nun! Inhale, exhale lang, Chelsa. Focus lang. Diretso lang. papasok na ako sa gate.



"Miss! Sandali!" boses ng lalaki. Simula na ba ng pangbu-bully? Ang aga naman? Dahan-dahan akong lumingon. "Doon ang entrance sa kabila. At pakisuot ang ID!" si manong guard pala. Akala ko kung sino na.



Payuko ako at dali-daling lumipat sa kabilang gate. Pagpasok ko may mga nakakasabay ako at nakakasalubong. Pinagtitinginan lang nila ako. Tapos magbubulungan sila. Okay, I'm freaking famous now. Everybody noticed me. Great!



Pagdating ko sa school lobby, may mga students na nakakumpol sa tapat ng bulletin board. Iba't ibang level sila. May nakakita sa 'kin, nagsimulang ibulong sa isa, tapos pasa-pasa hanggang sa lahat na nakatingin na sa 'kin. So, talagang sikat na ako. Ang mga tingin nila nakakainis. Nakakababa ng pagkatao. Naku, hah! Grabeh sila sa 'kin!



Syempre na curious naman ako kung ano ang pinagtitinginan nila bulletin. So, lalapit ako at makikiisyuso. Paglapit ko nagbigay sila ng daan. Kung todo iwas nila sa 'kin na parang may sakit akong nakakahawa. Di okay, walang makakahawak sa 'kin. Kaya taas noo akong naglakad papuntang board. Daig ko pa ang siga.



Mga pictures pala nung prom. Naaliw pa akong makita ang mga yun. Sa gitnang bahagi, nandun ang mga pictures ko. Pati yung kaming dalawa ni Nate. At nandun din yung kiss namin. Waaaaaahhh! Ba't pati yun? Tapos may picture akong may tatak.



"Virus?" nang basahin ko ang nakasulat sa picture ko. So, virus ako?



Kukunin ko sana yung picture kaso natigilan ako at narinig ko na lang ang tawanan ng mga estudyanteng nasa likod ko. Pagharap ko sa kanila, nakakapangliit ang mga tingin nila. Puro mukha ng pangungutya ang nakikita ko. Pinagtatawanan nila ako. Iniinsulto. Napayuko na lang ako.



Paalis na sana ako nang may biglang tumalsik sa mukha ko. Pagtingin ko, galing sa babaeng may hawak ng plastic ng soft drinks at may kagat na straw. Si Joyce na naman? Ba't ba suki ko ang babaeng 'to at ng grupo niya? Pero ngayon di lang sila. Marami sila, di lang mga babae, may lalaki pa at beki rin. Tapos yun, sunod-sunod na talsik pa sa mukha ko ng soft drinks ang tumama sa 'kin. Ano, Kristan lang?



Nilibot ko ang tingin ko sa kanila. Ang iba pamilyar sa 'kin. "Thanks sa concern n'yo. Pero naligo na ako." Nakangiting sabi ko at nagpunas-punas ako ng mukha.



"Di maligo ka ulit." Malditang pagkakasabi ni Joyce.



"May sabon kayo?" kaswal na tanong ko at niliyad ko pa ang kamay ko.



Ngumisi si Joyce. "Freak!"



"Thanks," nakangiting sabi ko. At medyo nagtaray na rin ako.



"Virus!" sigaw nila sa 'kin.



Tiningnan ko sila isa-isa. "Kaya dapat iwasan n'yo ako. Baka mahawa kayo." Tapos taas noong naglakad na ako palayo. Hinayaan naman nila ako. Wow! Ang tarosh ko! Pero napatigil ako nang may bumato sa 'kin. Tinamaan ako sa ulo. Ang sakeeet! Grabeeeh!



Tawanan ang lahat. Pagtalikod ko, nakita ko ang black doll shoe sa harap ko. Napatingin ako kay Joyce, nakangiti siya. At nakita kong wala ang kapiraso ng sapatos niya. So, sa kanya pala ang sapatos na 'to. Kinuha ko ang sapatos at naglakad palapit sa basurahan.



"Joyce, di mo ba alam na tao ako? Grabe ka naman. Ito po ang basurahan." Kaswal na sabi ko at itinapon ko ang sapatos niya sa basurahan. Medyo natawa yung iba sa hirit ko. Si Joyce naman lumaki butas ng ilong. Nagalit ata? Tapos tumalikod na ako.



Yes! Kaya ko pala? Taray ko dun, in fairness! Proud kong sabi sa sarili ko. Pero piling ko tuloy, ako pa ang nagmukhang masama sa nangyaring yun sa prom. Ba't ganun? Ba't halos lahat dito sa school against sa 'kin? Ano 'to, me against the world lang ang peg? Well, in reality ganun talaga. People tend to believe sa kung ano lang ang nakikita nila, at pinaniniwalaan nila. Kapag unfamiliar, you're not natural.



Pag-akyat ko ng hagdan papuntang classroom kung todo hawak ako habang naghihimas ng ulo. Baka kasi may siraulong tumalak sa 'kin. OA na kung OA. Kung makatingin kasi sila ang sama talaga. Hanggang sa paglakad ko sa hallway, ganun pa rin. Yung iba siguro nakikiuso lang. Di ko naman sila kilala. Kainis! Pero siguro mga fans sila ng tropa nina Nate?



Pagpasok ko sa classroom, yung mga classmate ko ramdam ko rin ang di magandang aura nila. Pero diretso lang ako sa upuan ko. Tapos nilapag ko ang gamit ko. Napatingin pa ako sa kanila, kasi naman pinagtitinginan nila ako. Pero hinayaan ko na lang.

~~~

Narito ako ngayon sa CR, naghilamos ako. Medyo malagkit kasi mukha ko dahil sa soft drinks. Napabuntong-hininga na lang ako habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin.



"Psst!" boses ng babae.



Nagulat naman ako dun. Paglingon ko sa bandang likod ko, may nakita akong kamay na kumakaway mula sa pinto ng isa sa mga cubicle. Natakot ako, baka multo? Napaatras ako.



"Psst! Wag kang matakot! Lumapit ka rito! Di ako multo!" pabulong na tawag nito habang kumakaway pa rin. Aba, ang galing alam ang iniisip ko?



Lumapit naman ako. Tapos bigla akong hinila papasok ng cubicle ng kamay. Akala ko multo na talaga. Isa sa mga estudyante pala. Medyo mababa siya ng konti sa 'kin. Parang mahilig sa cosplay ang pormahan niya. Pamilyar siya?

               

"Ayaw kong may makakitang kausap kita. Kaya wag mo 'tong ipagsasabi!" taas kilay na sabi niya. Tumango na lang ako. "I'm Marden Gapasin. Marden, for short. Den, for shorter." Pagpapakilala niya. Kaya pala pamilyar. Siya yung isa sa mga candidate for prom Queen.



"Anong kailangan mo?" tanong ko.



"Well, gusto ko lang alamin kung pretty ka?" sagot niya. tapos pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Na-conscious naman ako at napalunok-laway na lang. Ang weird naman nito? Parang ako lang? "Maganda ka naman." Sabi niya. "Okay. Tanggap ko na – na talo ako. So, what do you think of me?"



"Hah?" gulat naman ako sa tanong niya.



"Am I pretty?"



"Cute ka." Sagot ko. Ang cute naman kasi niya talaga. Parang manika.



"Really?" excited na tanong niya. Tapos biglang sumeryoso. "Well, I know. Maliit na bagay."



Napangiti na lang ako. Ang weird niya, promise! Tapos may kinuha siya sa bag niya at inabot niya sa 'kin.



"Pamunas mo. Wag mo nang isuli. Marami kami niyan." Sabi niya at inabot sa 'kin ang towel. Tapos lumabas na siya ng cubicle. Oo nga pala, di pa ako nagpunas ng mukha pagkahilamos ko.



Napangiti na lang ako. Pero naalala kong di pa pala ako nakapag-thank you. Pero paglabas ko, wala na siya. So, di naman halatang ayaw niya talagang may makakitang kausap ako, 'no? Pero gumaan ang loob ko. Pa-good vibes lang.



Nang pabalik na ako sa classroom, nakasalubong ko sina Joyce. Naku, ito na naman. Suot niya na yung kapiraso ng doll shoes niya. Akala ko may gagawin na naman sa 'kin? Pero tiningnan lang nila ako at malditang nginitian. Dinaanan lang ako, narinig ko pa ang tawanan nila sa likod ko. Pero inhale, exhale na lang ako at naglakad pabalik ng classroom.



Pagpasok ko ng room, tinginan na naman mga classmate ko. Pero diretso na lang ako sa upuan ko. Mga gamit ko? Tanong ko sa sarili ko. Nawala ang bag at lunch box ko pati ang tumbler na nakalagay sa pulang paper bag. Naisip ko mag-baon na lang para wag na akong pumunta ng canteen para sana iwas trip. Pero kahit siguro saan ako pumuntang sulok sa school na 'to may taong pagtitripan ako.



Gusto kong maiyak. Naiinis ako! Tumingin ako sa mga classmate ko. Pero parang wala silang pakialam. Gusto kong magtanong, pero baka mapahiya lang ako.



Pero sige, try lang. "May naglipat ba ng mga gamit ko?" Nakangiting tanong ko sa mga classmate ko. Hanggang sa mawala na lang ang ngiti ko – walang sumagot sa tanong ko. Walang pumansin sa 'kin. Wala talagang may pakialam.



Napaluha na ako. Pero smile pa rin. Punas-luha na lang tapos tatlong beses na hingang-malalim.



Tumingin-tingin ako sa paligid, pero wala talaga. Inisa-isa ko ang mga upuan. Naghanap sa desk ng guro at sa mga kabinet – pero wala. Naalala ko sina Joyce. Siguro sila na naman? Tiningnan ko ang basurahan – wala rin. Naririnig ko ang pagtawa ng ilang classmate ko. Di ko na lang pinansin at lumabas ako.



Pagkalabas ko tingin-tingin ako sa mga basurahan sa hallway – pero wala rin. Nagising pa naman ako ng maaga at nagpatulong kay mama maghanda ng pagkain. Tapos ganito lang. Naiinis ako! Nagagalit ako! Pero anong magagawa ko? Kapag nagsumbong naman ako sa mga teacher, baka lalo nila akong pag-initan.



Bawat makakita sa 'kin na tumitingin ako sa basurahan pinagtatawanan ako. Kapag may dumadaan na teacher tatahimik sila. Wala man lang ba akong kakampi rito? Waaaaaahhh! Nasaan ang hustisya?



So, I'm in hell now?

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now