CHAPTER 19

7.3K 177 21
                                    

NAGULAT KAMI NI Excuse me girl sa tumawag, sabay kaming napalingon at napatayo ako. Di ako mali – si Cristy nga ang tumawag kasama ang buong tropa. Ba't nandito sila? Parang gusto kong mapakamot sa ulo. Nagsinungaling pa naman ako kanina na uuwi na at sinabi kong di maganda pakiramdam ko. Pero sabi nila mag-uuwian na rin sila? Haist!



"Anong ginagawa n'yo? Ba't nakaluhod ka, Nate? Nagpo-propose ka?" alam kong galit si Cristy pero malumanay ang pagkakasabi niya na parang nagbibiro.



Natawa ako. "Ano bang sinasabi mo? Tinulungan ko lang siya. Na-sprain kasi yung paa niya."



"Nagiging matulungin ka yata lately? Nakaka-proud ka naman maging boyfriend. Pero ba't sa isang tao lang? coincidence lang ba 'to?" medyo nagtaray na siya at tiningnan niya nang masama si Excuse me girl.



"Oh, common! Don't over think." Medyo nagngitngit na rin ako. Pero napa-sighed na lang ako nang makita ko ang reaksyon ng mga tropa ko. Kitang disappointed din sila sa 'kin.



"And you, Chelsa. Wag kang trouble maker, kung di mo naman kaya ang sarili mo. Bawas-bawas din ng katangahan."



"Please, Cristy. Wag kang magsimula ng gulo rito." Saway ko. Ewan, pero parang nagpantig tainga ko nang tawagin niyang tanga si Excuse me girl.



"Di ako ang nagsimula nito. Alam mo kung sino." Pinandilatan niya ako ng mata. Talagang tuluyan na siyang nagalit.



Yung mga tropa ko nakatingin lang. Pero usually ganun naman talaga kami sa tropa. Kung sino may alitan, hinahayaan lang namin. Dahil alam naming magkakasundo lang naman kaya bakit pa makikisawsaw, makakagulo lang. Pero kung medyo mabigat na ang away, namamagitan na naman kami. Pero sa gan'tong selosan, for sure walang gagawin ang mga mokong na 'to.



"Please, stop." Madiing sabi ko. Pero parang balewala lang kay Cristy yung sinabi ko.



"And why you're wearing hat? Wala ka niyan di ba? At ayaw mong nakasombrero dahil nagugulo ang buhok mo."



"Nagsusuot din naman ako nito minsan. Anong big deal dun?"



"Sa loob ng mall? At habang magkasama kayo? At parang bagong bili yan, hah? Pang-disguise?" ba't ba ang talas ng utak ng mga babae sa gan'tong sitwasyon?



Hindi na ako sumagot, hinubad ko ang sombrero. Naagaw ang pansin namin, napalingon kaming lahat sa paparating – ang grupo nina Kristan. Pero parang di naman nila sinadyang mapunta kung nasaan kami. Parang napadaan lang naman sila. Nagkataon lang sigurong nandito din sila sa mall.



Nagkatinginan ang mga grupo namin. Sina Carly at Evy ang sama ng tingin kina Cristy at Lhyn. Si Awin pansin ko ang masamang tingin kay Jasper. Ganun din naman si Jasper sa kanya. Si Kristan ngumisi sa 'kin, na parang naghahamon. Napa-smirked din ako. Si Excuse me girl napayuko lang – napapagitnaan namin siya.



"Anong eksena na naman 'to?" si Carly.

                               

"Kanina romance, pero ngayon horror na. Dumating kasi kayo." Pagtataray ni Cristy.



"Oh, really Cristy? Ba't ginawa mong comedy? Ba't nagpapatawa ka? If I know, dito sa 'tin ngayon, ikaw ang may kayang gumawa ng horror. Or should I say, magpagawa ng horror? Ang mag-utos na gawing nakakatakot ang buhay ng isang tao." Pagtataray naman ni Carly.



Napaisip ako sa sinabi niya at awtomatikong apatingin ako kay Cristy. Yung hinala ko ba kahapon na may kinalaman si Cristy sa pangbu-bully ni Kristan kay Excuse me girl ang tinutukoy niya?



Di nagpatinag si Cristy at sinagot niya si Carly. "I don't know what you're talking about, Carly. But I'm pretty sure na presence mo pa lang horror na. Dahil kamukha niyo ni Evy sina Freddy and Jason." Natawa sila ni Lhyn.



"Oh my God! Friday pa naman ngayon." Gatong ni Lhyn.



Parang gusto ko nang umalis dito. Pero buti na lang dahil nalihis ang usapan namin ni Cristy.



"Weh? Malayo naman sa katotohan ang sinasabi mo. Sobrang GGSS talaga kayo. Pero ang sure ako, na kamag-anak niyo sila. Kaugali niyo, eh. Kaya ikaw, Chelsa," at tiningnan ni Carly si Excuse me girl. Lumingon naman ito. "iwasan mo sila. Bago ka patayin ng mga 'yan."



Lalo yatang natakot si Excuse me girl? Napayuko siya ulit. Bigla naman hinila ni Kristan si Carly palayo. Sumunod naman ang iba nilang grupo maliban kay Awin.



"Hi, Lhyn!" si Awin at kumaway kay Lhyn. Naks, anong meron? "Bukas sunduin kita." Pahabol pa ng mokong at nag-smile pa.



Inakbayan naman agad ni Jasper si Lhyn. Pero di pinansin ni Awin at patakbo itong umalis para sundan sina Kristan. Siniko naman ni Lhyn si Jasper at natanggal ang pagkakaakbay.



"Aray!" si Jasper. "Slave pa rin kita, di ba?" at muli itong umakbay.



Pinandilatan siya ng mata ni Lhyn. At muling inalis ang pagkakaakbay. "Ikaw lang naman may kasalanan ba't ka nagkasugat, hah!"



"Ba't ka susunduin nun? Date kita, di ba?" maangas na tanong ni Jasper.



"Oo! Dahil wala akong choice!"



"Eh, kung ang taong yun ang gusto mo, di dun ka na!"



"Eh, kung ayaw ko! At ba't ka ba nagagalit? Boyfriend ba kita?"



"Hindi! Kilabutan ka nga!"



"Alam mo kanina pa ako nangilabot, kasi inakbayan mo ako!" pang-aasar ni Lhyn at hinimas-himas pa ang mga braso niya.



Habang nag-aaway yung dalawa muli akong lumingon sa kinaroroonan ni Excuse me girl. Pero bigla siyang nawala. Saan na siya? Pag-alis nina Kristan nakaupo pa siya. Pero bigla na lang siyang nawala ngayon. Siguro sumabay sa mga taong dumaan kaya di ko napansin ang pag-alis niya. Sumenyas sa 'kin si Edward na umalis na raw. Tinango niya ang ulo niya kung saan direksyon pumunta si Excuse me girl.



Nagsasagutan pa sina Jasper at Lhyn. Pero ayun, iniwan na namin sila. Hinila na ako ni Cristy at sumunod naman yung apat.



Kumusta kaya yung paa niya? Makalakad kaya siya ng maayos? Yun ang nasa isip ko habang hila ako ni Cristy. Pero saan naman kaya kami ngayon pupunta? Ngayon kasi parang gusto ko na talagang umuwi. Parang gusto ko kasing mapag-isa muna.

~~~

HAIST! PARA AKO nitong nasa confession room. Para akong criminal na pinapaamin sa ginawang kasalanan. Narito kaming buong tropa sa isang fast food chain. Pangiti-ngiti na lang ako. Lahat sila nakatingin sa 'kin at hinihintay ang paliwanag ko. Nasabi na kasi nila sa 'kin ba't nandito sila sa mall, naisip nilang mag-snack muna at babalikan na lang sa shop yung mga isusuot namin bukas sa prom. Para talaga akong bibitayin na. Nag-order muna sila ng fries, burgers, soft drinks, at sundae, bago ako ginisa ng tanong.



"Okay!" medyo inis na sabi ko. "Ganito yun," pagsisimula ko. Pero syempre magsisinungaling ako at sana di ako mautot. "pumunta ako rito para kumain din. Kasi baka matagalan daw yung driver. Naisip kong baka gutom lang ako, kaya ang sama ng pakiramdam ko. Itong cap, nagandahan ako kaya binili ko. Nag-CR ako, nakita ko si Chelsa. Nakaupo siya sa sahig nang maabutan ko. Siguro nadulas, kaya na-sprain? Walang ibang tao nun, kaya tinulungan ko. Kayo ba, di niyo gagawin yun?" Tumango-tango lang sila. Pero parang di naman naniniwala sa 'kin. Haist! "Classmate natin siya. Normal lang naman sigurong tulungan ko siya. Tsaka kahit di ko siya kilala, tutulong pa rin ako. Yun lang." pagtatapos ko. Sana lusot. Buti di ako nautot. Hinawakan ko ang kamay ni Cristy. "Babe, don't over react. Okay?" tumango siya.



"Okay." Sagot niya. Hinimas niya ang kamay ko at ngumiti na siya sa 'kin.



"Guys?!" tawag sa mga mokong. Wala man lang kasing reaksyon. Pinagtitripan na naman ako ng mga ungas na 'to, eh.



"Okay, bro." si Jasper.



Tapos nag-hand shake sila sa 'kin. Hand shake na tropa lang namin ang may alam.

~~~

> CHELSA'S POV <



FIRST TIME KONG gagawin 'to. Sabi ni papa, kaya kong gumamot ng. Lalo na hayop at mga puno't halaman, maging tao. Makaya ko kaya?



Narito ako ngayon sa restroom, sa pinakadulo na cubicle. Pinilit kong makalakad papunta rito. Hindi na ako nagulat kung ba't nagawa sa 'kin yun nina Joyce. Alam ko kung ano ang dahilan. Siya na siguro ang number one fan nina Nate at Cristy. Alam yun ng buong school. Dati nga naisip ko pang sumali sa fans club na binuo niya.



Hinawakan ko ang paa kong na-injured at ipinikit ko ang aking mga mata. Nag-concentrate ako at kinalma ang sarili ko. Inisip kong kailangan kong pagalingin ang paa ko. Napadilat ako nang may maaninag akong liwanag. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong lumuliwanag ang kamay ko, kulay purple na liwanag. Totoo bang nangyayari 'to? Naramdaman kong unti-unting nawawala ang sakit ng kanang paa ko. Napanga-nga na lang ako nang parang okay na siya at nawala na rin ang pamamaga.



Tumayo ako at wala na ang sakit. Napatili ako pero pinigilan kong mapalakas. Nagtatatalon ako. Waaaahhh! May powers nga ako? Sigaw ko sa isip ko.



Naupo ako ulit sa toilet bowl, naalala ko kasi si Nate. Naalala ko ang mga nangyari kanina. Ayeeeiii! Kinilig ako. Ayos lang pa lang mapahamak ako, kaya ko naman pagalingin sarili ko. Basta si Nate ang magliligtas sa 'kin. Kahibangan ang mga naiisip ko pero kinikilig talaga ako. Cute niya kapag nakasombrero. Di naman pala siya yung nakita kong parang sumusunod sa 'kin? Wala naman sombrero yun, eh. Pero sabi ni Cristy kanina, ba't may sombrero raw siya? Hay naku, assuming na naman ako. Ba't naman ako susundan ni Nate? At ba't naman may susunod sa 'kin? Famous lang?



Pero buti talaga nandun siya, salamat na tinulungan niya ako. At binuhat niya pa ako! Ang strong niya, bagay kami. Swerte lang ng paa ko. Yung piling na nagselos ka sa sarili mong paa? Sana paa na lang ako. Pero hinawakan niya din naman pala yung face ko.



Yung mga titig niya, parang iba? Hay, assumengera talaga ako! Wala lang naman siguro yun. Nag-alala lang naman siguro siya. Normal lang naman siguro yun, kahit sino naman siguro. Pero kakalig pa rin!



Ayun, paglabas ko ng cubicle nakatingin yung mga babae sa 'kin. Di ko kasi mapigilang di mapatili. May babaeng nagsenyas sa 'kin na yung baba ng ilong ko raw?



Hinawakan ko ang ilong ko. May dugo? Napatingin ako sa salamin. Nag-nose bleed pala ako. Lumapit ako sa lababo at hinugasan ko ang kamay at ang dugo sa mukha ko. May konting kaba sa dibdib ko. Nawala ang ngiti sa labi ko.



"Ayos ka lang?" tanong ng babae. Nakangiting tumango lang ako.



Nakatingin ako ngayon sa sarili ko sa salamin. Dahil ba sa paggamit ko ng powers? Signs na iba ako dahil may powers ako. Natauhan ako dun. Sa paglabas ng mga powers ko, signs din yun na nalalapit na ang kamatayan ko.



Ngumiti ako sa harap ng salamin. "Tuloy ang buhay, Chelsa." mahinang sabi ko.

~~~

NATIGILAN AKO SA paglalakad nang may nakita akong gown. "Ang ganda." Nasabi ko, na amazed talaga kasi ako. Bigla kong naalala, prom na pala bukas. Pupunta pa ba ako? Naisip ko na baka mapagtripan lang ako. Dito nga sa loob ng mall nagawa nila, doon pa kaya sa school. Gabi pa naman yun. Ngumiti na lang ako at muling naglakad.



Pero sa totoo lang, nandito ako sa mall para mag-dress shopping, para maghanap ng gown. Pero mukhang di ko na itutuloy ang paghahanap. Di rin naman payag sina mama na pumunta ako. Tumakas nga lang ako para pumunta rito, eh. Di nga nila ako pinapasok ngayon. Di ko kasi napigilan yung sakit na nararamdaman ko kahapon kaya umiyak ako pagdating sa bahay. Naghalo kasi ang takot at sakit na nararamdaman ko.



Napahinto ako, sina Joyce nasa harapan ko, ang sama ng tingin nila. May round 2 ba yung kanina? Nakangiti sila na parang asong ulol. Parang gusto kong kumuha ng injection na may anti-rabies at iturok sa mga mukha nila!



Tumingin si Joyce sa bandang likod ko sa baba. Tiningnan ko rin kung ano yun. Nakita ko ang grupo nina Nate na pababa ng escalator, holding hands sina Nate at Cristy. Ang sweet nilang tingnan. Parang ang saya-saya nila. Awts! Pero ba't ba ako masasaktan? Ano bang karapatan ko? Assuming Queen, ka talaga Chelsa! Wake up! Wake up!



Di ko namalayan nakalapit na pala sina Joyce sa 'kin. "Ellusyonada ka kasi." Pang-iinsulto niya. Pero agad din silang umalis at dinaanan lang ako.



Muli kong nilingon si Nate. Mali ba talaga? Is it wrong to fall in love with someone like you, Nate? Tanong ko sa sarili ko na straigth english.



Ba't ganun? Parang pinapaasa naman ako ni destiny? O assuming lang talaga ako? Ilang beses ko na bang nasabi ang assuming na yun? Kainis! Pero minsan talaga, kapag may tao tayong gusto, lahat nang ginagawa nila ay binibigyan natin ng kahulugan. Kahit pa wala namang kinalaman sa 'tin. And worst, akala natin iniisip din nila tayo, pero hindi pala.



Pero sadyang ganun siguro talaga kapag one sided love. Bawat mangyari sainyo ng gusto mo, binibigyan mo ng kahulugan. Bawat galaw niya, gawin niya at sabihin niya, sa 'yo may meaning. Eh, ang totoo waley naman talaga. Nagiging capital A-S-S-U-M-I-N-G ka lang. Ikaw na, ang Assuming Queen! Pak! Ganern!

~~~

PAGLABAS KO NG MALL nagulat ako nang may tumawag sa 'kin.



"Chelsa!"



Medyo nagalit ako nang makita ko kung sino ang tumawag. Di ko na lang pinansin. Di ko alam kong inabangan niya ba ako o ano?



"Sandali!" si Kristan at hinawakan niya ako sa kamay.



"Please, tigilan mo na ako." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko kasabay nang pag-atras ko.



Humakbak siya palapit sa 'kin. "Alam kong kahapon, di pa okay yun. Gus – "



"Wag kang lalapit natatakot ako sa 'yo!" natigilan siya at di natuloy ang gusto niyang sabihin.



"Sorry," mahinang sabi niya. Nadama ko sa boses niya na sincere siya at mahihita rin ito sa mukha niya. Pero parang ayaw kong maniwala. Ayaw ko nang paniwalaan silang lahat. Di man totoong takot ako sa kanila, gusto ko na lang talagang umiwas. "Sorry, talaga…" muling sambit niya. Pero gusto ko nang isara ang isip ko sa paliwanag niya.



"Inutusan ka ni Cristy, tama?" diretsong tanong ko. Nang marinig ko kasi yung sinabi ni Carly kanina, yun na ang pumasok sa isip ko.



Hindi siya sumagot, napayuko lang siya. Nararamdaman ko ang nararamdaman niya. Parehas kaming nagmamahal sa taong ayaw sa 'min. Parehas kaming gagawa ng stupid things for love. May ipinanganak siguro talaga sa mundo na ganito ang maging sitwasyon – nagmamahal lang, pero di minamahal.



"Sige," I smiled at him. "accepted." Ewan ko, pero naramdaman ko sa kanya na di naman talaga siya masamang tao. May mga bagay naman talaga tayong nagagawa na di naman talaga natin gusto.



Ngumiti siya at nagpasalamat. Then inalok niya ako ng shake hands. "We're good?"



Nakipagkamay ako. "Let see." Yun lang ang naging sagot ko. Di ko kasi alam, baka sa mga susunod na araw magkasaltik na naman 'to. At dahil sa love niya kay Cristy, baka kung ano na naman ang pwede niyang gawin sa 'kin. At ba't ba ang init ng dugo sa 'kin ng Cristy na yun? Dahil ba mas maganda ako? Char!



"Okay," tumango-tango siya. Alam kong alam niyang di pa rin ako okay sa ginawa niya.



Habang magkahawak pa kami ng kamay ni Kristan, lumabas naman ng mall ang grupo nina Nate. Napabawi ako ng kamay ko, nagulat kasi ako. Magka-holding hands pa rin sila ni Cristy. Nagkatinginan kami eyes to eyes ni Nate, ang sama ng tingin niya sa 'kin. Galit ba siya dahil nandito si Kristan? Pero ba't sa 'kin siya nakatingin? Parang gusto ko na naman tuloy mag-assume.

~~~

> NATE'S POV <



BA'T SILA MAGKASAMA? Ba't sila nakangiti sa isa't isa? At ba't magkahawak ang kamay nila? Haist!



"Aw!" si Cristy. Medyo nadiinan ko kasi ang kamay niya. Agad ko naman binitawan, pero muli niya akong hinawakan.



Galit ba ako dahil sa dalawang 'to? Sabi ko iwasan niya ang lalaking yan, eh! Ba't ngayon parang okay na sila? Ano bang namamagitan sa dalawang 'to? Parang gusto kong manapak. Automatic na sumama ang tingin ko kay Excuse me girl. Galit ba ako dahil kasama niya ang lalaking yan? Kung iba ba ang kasama niya, magagalit kaya ako? Ano ba talaga ang meron ako sa babaeng 'to? Ba't ba ako nagkakaganito?



Mahal ko si Cristy. Mahal ko si Cristy. Mahal ko si Cristy. Mahal ko si Cristy. Yun ang pinaulit-ulit ko sa isip ko. At ako na mismo ang kusang umalis para iwasan yung dalawa. Wala akong pakialam sa mga yun. Wala, wala, wala, wala. Wala!

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now