CHAPTER 77

4.3K 84 34
                                    

CHAPTER 77

> CHELSA’S POV <

“Hindi.” Diretsong sagot ko sa lalaking nagtatanong sa’kin kung naaalala ko ba siya. Dahil talagang hindi. Wala akong maalala. Kung sino ako? Kung ano ang pagkatao ko? Ang nakaraan ko?

“Okay lang.” malungkot ang ngiti niyang hinaplos ang mukha ko. “Akala ko lang naman kasi, naalala mo na ako.” Sabi niya.

~( 44 days nalang ang natitirang araw para sa buhay ni Chelsa. Sa mga nakaraang araw mas napapadali ang kamatayan niya dahil di lang isang paru-paro ang namamatay sa isang araw. May pagkakataong dalawa, at dalawang araw yun na bawas sa buhay niya. Sa nalalapit niyang pagkawala, unti-unting kumakalat ang kamandag ng sumpa sa kanyang katawan. Na magiging sanhi ng kanyang labis na paghihirap. Magkakaroon ng mga pagbabago sa kanyang katawan at katauhan. Maari siyang mawalan ng alaala o makalimot sa pagkatao niya, na nagaganap na ngayon. Maaring mawala ang mga senses niya. Pwede siyang mabulag, mawalan ng pandinig maging pang-amoy, maari rin siyang maging baldado at mawalan ng pakiramdam. At maaring mawala ang kanyang mga kapangyarihan at ang kakayahang magpalit ng anyo bilang isang diwata. Hindi magiging madali ang lahat sa kanyang kamatayan. )~

Malungkot ang mga mata ng lalaking pinagmasdan ako na nagngangalang Nate. Napako rin ang tingin ko sa kanya. Hindi ko maiwas ang aking mga mata sa lalaking nasa harap ko. Hindi ko siya matandaan pero ang puso ko tila naaalala siya. Iba ang tibok ng puso ko. Tibok na nagpapagaan sa pakiramdam ko. Yung pakiramdam na gusto ko lagi siya sa tabi ko. Dahil napapanatag ako kapag nandyan siya at payapa ang puso ko kapag hawak niya ang kamay ko. Nawawala lahat ng takot ko. Na di ko na kailangan alamin kung sino ako, kung ano ang pagkatao ko, ang nakaraan ko at ang kulang sa buhay ko. Dahil kapag nandyan siya kumpleto ako. Buong-buo ang pagkatao ko. May saya sa puso ko.

Nalulungkot ako kapag malungkot siya. Nararamdaman ko ang sakit sa puso niya. Ramdam ko ang labis niyang kalungkutan at takot. Sa mga kwento niya kanina, parang mga patalim ang kanyang mga salitang tumusok sa puso ko.Hindi ko man matandaan ang mga yun, pero nakaramdam ako ng labis na sakit. Ramdam kong totoo ang mga yun.

Habang pinagmamasdan ko siya, paulit-ulit kong binibigkas sa isip ko ang pangalan niya. Dahil gustong-gusto ko talaga siyang maalala. Kusang gumalaw ang kanang kamay ko at hinaplos ko ang maamo niyang mukha. Pinagmasdan ko ang kanyang magagandang mga mata na may luhang nagbabadya. Tahimik lang siyang pinagmamasdan ako at pinilit niyang ngumiti. Hinawakan niya ang kamay kong haplos ang mukha niya at napapikit siyang dinama ang init ng palad ko at hinagkan ‘to. Naramdaman ko ang pagbuhos ng labis niyang pagmamahal para sa’kin.

“Mahal na mahal ba kita?” tanong ko. Dahil tila yun ang nararamdaman ko ngayon kahit di ko siya maalala. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at may sayang nararamdaman ako. Na parang nag-uutos sa katawan ko na yakapin siya ng mahigpit.

Dahan-dahan siyang dumilat hawak parin ang kamay ko at muling hinagkan ito. “Oo,” Sagot niya. “At mahal na mahal din kita, Chelsa,” nakangiting sabi niya.

“Nararamdaman ko, Nate.” Nakangiting tugon ko sa sinabi niya at niyakap ko siya – ang lalaking di ko maalala pero kilala ng puso ko na pag-aari niya, at pag-aari ko ang puso niya.

The Girl From NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon